Nothing beat good ol' surprises especially kung walang kaalam-alam ang celebrant na may mga magiging bisita pala siya on the day of her birthday.
Dalawa lang naman kami ni Chirimi ang nagplano. Balak pa namin ay salubong, mag gigive love kami ng cake and balloons sa bisperas ng birthday, pero mukhang hindi mahihirapan kami dahil medyo late na at hindi pa namin alam ang sked ni ateng on the day before her birthday.
Ang kwento sa naasar incident, gusto ko sanang malaman kung ano ang sked na pasok nila pareho, dahil off ko naman ng Friday at kung gabi man gagawin, puedeako. Hindi ko pa alam na may job interview ako ng Friday night.
Wednesday yata yun na super confirm ako through YM dahil madalas kaming magkausap ni Ateng sa Messenger. Pending ang sagot niya sa akin dahil hindi niya pa daw ang kanyang iskedyul sa Friday. Tinanong niya ako kung bakit ba ang kulit ko at dahil sa wala na akong maisip na dahilan, si Chirimi na lang pinain ko na makulit na nagpapatanong dahil excited siyang mag blow out si Ateng. So lame de vah, pero kinagat naman. Hahah! Dahil parang sirang plaka rin naman ako na paulet-ulet, ayan, nag walk out si Ateng sa Messenger, meaning, di na nagreply!
Nakapunta na ako sa kanila once, pero madilim at sa isang malaking compound sila nakatira kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot. Being the person with no photographic memory in terms of directions, kahit sa loob ng mall, madali akong maligaw. Wala na akong ibang choice kundi gawing accomplice para i-guide kami sa pagpunta ang younger brother ni Ateng kesa naman maligaw kami. Naglakas loob na ako i-message sa fezbuk at trulili, hindi naman snob si bagets at alam na niya ang gagawin! Binigay niya ang directions and phone patch number para makapag communicate papunta sa kanila!
On the day of her birthday is the day also of the bagets' graduation day. Night pa naman ang oras, pero medyo alangin, de vah? I know that they will be busy for the whole day in preparation for the graduation, kaya abala na ang kausapin siya.
So, Friday night, we made a decision to do it tomorrow morning, before lunch dahil may lakad kami ng hapon.
Late na kami nagkita ni Chirimi @Mega. Dun na kami bumay ng balloons and cake from Goldi at mga bandang 11, patulak na kami papunta sa kanila. Infurness kay bro, kinakamusta niya kami kung saang lupalop na kami dahil baka naligaw kami.
One thing I like commuting dahil ang mga jeepney drivers ay kabisado ang kalye. Sabihin mo lang ang mga keywords at landmarks na binigay as directions at sabihin ko lang na pakibaba na lang kami dun, please, hindi na ako kinakabahan kapag nagtatravel sa unfamiliar territory.
So pinick up kami ni bagets sa gate at nagbilin kami na magdala ng pentel pen at lighter para sulatan ang balloons at sindihan ang candle. Wala daw lighter sa kanila, o posporo na lang ang pinadala namin. Sa ate niya pa pala siya nanghiram ng pentel pen. Bwahahaha!
Kaloka! Dapat si bagets ang maghahawak ng cake, parang ayaw niya ang thought, so ako na lang ang naghawak habang naksindi ang kandila. Ang instructions ko pa naman kay Chirimi, sabay kaming kakanta ng happy birthday to you. Pero nung kumakanta na ako, boses ko na lang ang naririnig ko. Gashes! Hahaha!
Akala ko pa yung reaction ni ateng eh pagkadismaya, hitsura ko ba namang ngumangawa ang tumambad sa kanya sa pintuan nila. For a moment lang naman yun. Nakita ko rin ko ang pinakaaasam kong reaction sa kanya - pagkagulat sa mga hindi kapani-paniwalang eksena. Hahaha! It is so worth it kahit pa nagalit siya sa sobrang paulit ulit na pangungulit ko!
So from there, nagkabukingan na nga sa mga naganap the past few days. Tamang-tama, madaming niluto si mother na ulam - Menudo at Pinanyahang Manok. Natunugan niya kayang may mga unexpected bwisitors? Kaya naman napaghalata na hindi pa kami lumalaps ni Chirimi ng umaga! Hindi talaga ako kumakain ng manok na may pinya, pero napadami ang kain ko ng Menudo! The best ang luto ni mother!
Later in the afternoon, dumating din si Chutchut at nakita na rin namin siya in flesh and blood. So big girl na, eh halos magka age lang sila ni Yana. Medyo shy type siya nung umpisa. Ayaw pa magpapicture at magsalita sa umpisa pero naging photographer pa namin si bagets. Kuha niya ito sa amin. Sorry, mukhang epal pa ako dito dahil salita pa ako ng salita.






0 comments:
Post a Comment