Hindi pa pala ako tapos sa mga kwento ko sa kanila! April na! Hahaha!
Meet up pa lang, nakapag established na kami ng hate relationship with each other, never na kaming nakipagusap sa kanila, kahit ni “hi” and “hello” during the entire trip and tour. Mabuti na rin yan, mahirap naman makipagplastikan sa mga taong ayaw mo makausap.
We were so relief when we reached Pundaquit dahil puede na silang mawala sa aming paningin and we took a boat ride para makarating ng Anawangin. Kahit mga anino nila ay di naming bet makita. Buti naman, not visible within the area sila nag set up ng kanilang tent at sinadya din naming na lumayo sa kanila para hindi naman masira ang aming bakasyon.
Dahil ang pwesto namin ay malapit sa main headquarters ng tour guide ( preparation ng kakainin ) napapansin lang namin sila kapag kainan na. Nung lunch, may rasyon pa kami na malamig na tubig sa dispenser, pero pagsapit ng gabi, wala na. Yun pala, ginagamit na ang panginom na tubig na pang mumog sa toothbrush ng mga maharlika kinabukasan. Meron naming public cr na may gripo para gamitin on all morning and night rituals, yung pang inom pa na water? At magmumog ba sa tabi ng poso sa gitna ng buhanginan? Hahaha! Sabagay, may mga lasing nga sa gabi na umihi sa gilid ng puno at hindi naman nangamoy at kumalat dahil inabsorb ng buhangin. Hahaha!
Habang nagbi-breakfast ng late kinabukasan(dahil hinanap pa naming yung lake sa likod) naging pulutan na lang namin sila dahil ginawang pangmumog ang aming drinking water. Eh kung yung mainit na Milo na lang kaya ang gawin naming pang mumog? Mas sosyal pa sa kanila!
Matapos kaming pagurin sa pagmanik-manaog sa bundok, hindi naman akalain na mahihirapan kami maghanap ng paliguan. Meron daw paliguan sa parking lot which is 250 meters aways (gawa-gawa ko lang yan dahil hindi naman ako marunong mag estimate ng layo) mula sa pampang sa Pundaquit. Tanghaling tapat at parang nasa malaki kaming kawali dahil sobrang nakakapaso ang init ng araw. My gash, as in paliguan lang meron sa parking lot, walang bihisan! Hindi naman kami choosy, pero sana man lang, makapagbanlaw kami ng maayos para naman maginhawa ang aming pakiramdam paguwi. Ang tour guide na mismo nag suggest na may mga resort na puedeng paliguan at may bayad. Kailangan pa naming mag tricycle dahil pagoda na rin kami maglakad. Nag time check ako, 2:55 pm. Mabilis at paspasan na ang paliligo naming. Wala pang 20 minutes nang aking i-check ang aking phone, may mga unanswered calls na ako from the tour guide at mga texts from the driver na tinatanong kung nasan na daw kami. Ba’t ang bilis naman! Hindi pa kami nakakapag bihis ng maayos, pero pagkatapos maligo ng huli sa amin, umalis na rin kami agad. Magiging cause of delay naman kami! But how about our company? Hindi ba sila naligo?
My gash, pagbalik naman sa parking kung saan nagaantay ang van, andun ang mga maharlika at tulog na tulog! Mwahahaha, hindi nga sila naligo! Nakasimangot na rin ang aming tour guide, dahil kami ay pa-star! Kasalanan ba namin kung hindi na naligo ang kabilang kampo at waiting in vain na lang sila sa loob ng van?
I can feel the tension inside the van, pero dumeadma na lang kaming tatlo dahil super enjoy and relax naman kami nung pauwi na. Mukha kaming fresh na mga isda na natanggalan na ng kaliskis at hasang.
Around 7pm, may nakita na akong sign NLEX/Manila. Ibig sabihin malapit na kami, pero nakikita ko pa ang mga signs na Calumpit, Norzagaray... Ano, Bulacan pa lang kami? Anong oras na kami makakarating? But by 7:30pm, nasa Balintawak na kami at truly, ang bilis ng biyahe.
Yung isa naming kasama, bumaba na ng Balintawak dahil taga Tayuman pa siya at ako naman ay nagpababa na langsa Quezon Ave. dahil malapit na lang ako dun. Kawawa naman ang matitira sa amin dahil siya ang nahuli medyo malayo sa amin at magpapababa pa sa Greenbelt ang mga hitad. But ano itong narinig ko? Yung isa sa kanila ay sa Cubao baba dahil, uhm, malapit na lang daw siya dun? So ibig sabihin, he traveled all the way to Greenbelt para magpa pick up eh taga Cubao naman pala siya? I was once told that Cubao was the cheapiest place in Manila, no offense to those who are living within the area, but that was mentioned with the purpose of insulting me, akala kasi taga Cubao ako. But kebs! Haha!
So yun lang!






0 comments:
Post a Comment