Project 365: Day 100 - 104

100th day, April 10: Hangar





Sabi ko pa naman, magse-celebrate ako for reaching a hundred para sa project na itekla, maghahanda ako ng peyborit kong Whatta Tops from Lemon Square, kaya lang may hindi naman kaaya-ayang naganap ng mga bandang gabi. As usual, family matters at nakakasad naman kasi na ichika ko pa dito ang details nun, kaya mabuti na lang na wag na.

I cried that night after I hugged my dad (my dad talaga?) habang sinasabi ko ang mga matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. Naayos din ang gusot na nangyari ng gabing yun at parang awa naman nila, sana ay next na lang ulit, if ever man, na mangyayari ang mga ganung eksena. I need a break!





101 th day, April 11: Nagmamaganda





Kamusta naman ang mga eksena kagabi, graduation march ng sister ko, today but technically, graduated na si bakla last year, though di ko maramdaman. Plano ko namang sumama, pero minabuti ko nang wag na dahil walang magbabantay ng, ahem, bahay, kaya di na ako sumama, pero pinaramdam ko naman sa kanya ang aking full support.

Hindi na siya bumayla ng bagong dress at ang perang ginivlove ko ay ang pinambili na lang niya ng shoeselya. This dress is my dress I wore nung kasal ng pinsan ko. Isa itong gown at inayos na lang ni mother para magmukhang cocktail dress. Ito ang hitsura before:







102nd, April 12: Pretty under pressure





First day at work at ako ay sobrang inaantok. Alas tres ng madaling araw? Tulog pa dapat ako niyan. Para hindi antukin, ginawa kong pampagising ang coke. At ano ito, first day na first day, bininyagan ko ang aming .... cr! Too much info ba? Siyempre, kelangan kong i-capture ang moment na ito.





103rd Day, April 13: Carrieeeeee, carrieeeeee .....







Once again, it was late at night at papasok na naman ako sa office. Iniisip ko na lang, kailangan kong maging matapang para ma-survive ang gabi-gabing pakikipagsapalaran sa daan tuwing papasok. As I rode the bus and having deep thoughts about my life at the same time, kasalukuyang pinapalabas sa TV screen ang mga 70's rock song videos ng mga hindi ko kilalang banda, but sounds very familiar. At ang lalaking nakaupo sa likod ko ay buong giliw na ginawang videoke ang mga kanta habang sinasabayan ang mga classic na awitin. My gash! Hindi na lang niya sinarili ang boses niya, nilalakasan niya pa para marinig ng everyone as if may kakumpetensya siya! Sumasabay din naman ako sa lyrics ng mga kanta na Carrie and It's The Final Countdown, pero sa isip ko lang! Wala nang kakabog sa kanya!




104th Day, April 14: Commuter





After so many years, ngayon na naman ako ulit magiging MRT commuter dahil within 10 - 15 minutes, nasa Quezon Ave. station na ako para makasakay pauwi ng baler. Kesa naman sa bus na baka nakatulog na ako't lahat, nasa Cubao pa rin, nagaantay ng mga pasahero. Chuwelv ang out ko, at saktong one, ako'y home sweet home na ko. Nasabi ko na naman na madali akong maligaw sa isang lugar at pati sa loob ng mall? Eh pumapasok pa ako sa loob ng mall sa may Guadalupe para makasakay ng MRT, pero ako'y laging naliligaw papalabas. Kelan kaya ako di maliligaw?


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

4 comments:

ellie said...

BWAHAHAHAAHAHA!

syet, baket ako tawa ng tawa sa entry mong caarrriieee? hahahahahahahaha! OMG... pano pa kaya kung nakasabay ko yang si kuya na mistula namang pumasok sa KTV kung makakanta? bwahahahahaha! syet, ansakit ng tiyan ko! ang babaw ko ba? eh naiimagine ko kase sya eh. chura naman!

@100th day... dibale, ihahug din kita pag nagkita tayo, habang knkwento mo ang mga eksenang pang mara clara... ang 100th day mo pala eh bday ng pinakamamahal mong si gero. sana sinama mo cia sa entry. hahahah!

@pretty under pressure... so tumatae ka nyan?

Anonymous said...

Congrats kay busek!! Napaka resourceful tlaga ni mother. Nakakalerki tlaga ganyang sched mare kaya mo yan! Sana maka getlak ka ng morning shift

Ps- @ateng miss ko na si gero/mar roxas wwahaha..

Mahaderang pang-madaling araw

ellie said...

@mahadera, i-add mo na kase sya sa FB! pwedeng-pwede pa daw bumati sa kanya hanggang april 30. hahaha!

Patay Malisha Barton said...

Bwahahahahahahahahahahaha! Korek, jumejebs ako ng mga panahon na yan! Kelangang ma capture ang moment! Ang ganda ko pa rin no?

Ire-reenactment ko yang pagkanta ni kuya sab bus, at kahit gusto ko na mainis, mga bet kong rock songs yung mga kinakanta niya! Nakakainis, ba't ko ba alam ang mga yun?? Hahaha!


@Nat, add mo na, wala nang magbabawal sayo kahit tumambling ka pa sa wall ni Mar! Ako nga may pinakamagandang bday greetings sa kanya, search mo! Naka for public consumption naman ang kanyan wall!

Post a Comment