The Chronicles of Diana

There are so much things happened this week that I want to tell that cannot be captured sa aking Project 365. I was hired for a new job sa aming branch sa Taguig. Akala ko, kabilang ibayo pa ang The Fort, parang sa Marikina branch, pero napawi ang aking maling akala when I showed up for the interview. Madali lang ang biyahe, yun eh kung available ang mga dapat kong sakyan papasok.

What's so sad about this whole new thing was my sked. Sino ba naman ang matutuwa na ma-assign sa 3 in the morning shift? At hindi naman ako mayaman para mag boksikels all day everyday para pumunta sa office, so bakit nga ba ako nag shift ng work? As much as I dearly love Chat, I need to grow up and learn new things. Hindi naman sa walang nangyayari sa chat, pero mukhang ganun ang nangyayari ngayon, so kelangan ko nang kumilos. Wala pa naman sa plano ko ang lumipat ng ibang company, kaya pinatos ko na itong shift of work na ito. Naks!

Ano nga ba ang inapplyan ko? IT Operator as described is basically taga-run ng files for client. Ang mga files ay from all over the world at naka remote connection lang ang aming mga pcs para i-run yun. Ang files na aming nira-run ay para lahat ng branch ng company worldwide.

1st day: I arrived an hour and 30 minutes earlier sa office. Sabi ko nga sa guard, wag muna tawagin yung head namin dahil masyado akong maaga. Hindi na rin kami nag waste ng time at ako’y inorient ng aking magiging trabaho.

Kalorkey lang, 1st day habang tinetrain ako, parang gusto ko nang mahiga at matulog sa sobrang antok! Tumira ako ng coke dahil mas effective sa akin yun kesa sa kape, pero hindi pa rin kinaya. At first day ko, bininyagan ko na ang cr sa office dahil bigla akong tinawag ni mother nature. What the fuss! Buti naman, hindi masyadong halata na ako’y ‘nawala for a moment’ para jumebs.

2nd day: Sumasakay ako ng bus papasok ng office. Bababa ako sa Guadulupe at tatawid sa isang madilim na tulay at sasakay naman ako ng jeep papuntang The Fort. Madali lang ang biyahe kung available ang mga dapat kong sakyan na jeep at bus.

Alas 1:30 am, Guadalupe: Wala nang jeep papuntang Gate 3 para makadaan sa aking destinasyon. My gash, anong gagawin ko? Buti na lang maaga ako habang natatanong ng mga pwedeng sakyan. Dahil wala na talagang dumaan na jeep, napilitan akong sumakay ng boksikel and within 5 minutes, nasa office na ako. Ganun lang yun kalapit from Guadalupe, pero hindi ko naman makakayanang mag boksi everynight para sa isang tambling na destination.

Nalaman ko na lang na may mga jeep pala na papuntang C5 na dadaanan sa street where our office is located at. But now lang nasabi sa akin ito? Diko kino-consider ang Ayala route dahil medyo malayo.

3rd day: Na set up na ang aking office email. I will not be using my MSN account for the meantime dahil hindi ito accessible sa office. Blocked ang Hotmail! Kung kelan naman nag-e-email sa akin ang ‘babe’ ko, hindi ko nababasa real time ang mga messages niya sa akin.

Sa aming shift, apat lang kami na operators at isa na ang supervisor ko. Sa aming time, mas konti ang workload compared sa night shift dahil hapon na sa US at Canada, uwian na nila.

Imbes na ang sup ko ang nagtetrain sa akin, yung 2-week hired nila na operator ang nage-explain sa akin ng process. Sabagay, yun din naman ang gagawin ko at hindi naman ako masyadong maganda para mag kwestyunin siya. Ang galing ni ate (mas mashunda siya sa akin ng ilang taon) parang kabisado niya agg system at parang hindi lang siya 2 weeks pa lang sa work kung umasta! Mukhang aabutin pa ako ng isang buwan para makabisado ang mga ginagawa namin. Nawiwindang lang ako kapag mabilis na ini-explain sa akin ang mga gagawin. Hindi ako maka catch up!

Nandun naman ang supervisor ko para mag assist. Akala ko nga yung nag interview sa akin ang magiging boss ko, yun pala, yung pang second shift na manager ang magiging superior ko. First day pa lang, magaan ang loob ko sa kanya dahil very approachable, accommodating, smiling fez at higit sa lahat, super nice niya. (meganun agad) Hindi pa naman nag spark yung mata hanggang kinabukasan.

4th day: Anobanaman yan!?! Biglang blocked agad ang PEx eh yun na nga lang ang libangan ko dahil sa walang sawang pagpo-post at pagsagot ng mga blind items dun! May mahaderong IT (kasama namin sa dept) ang biglang naimbey at blinock ang website! Hmpf! Kung kelan naman buong giliw ako nagba browse kapag wala nang trabaho dahil ito ay allowed, bukod sa pagkain ng walang humpay sa loob. May nag treat ng pansit from Amber at ice cream dahil suweldo today. Ano pa bang mahihiling ko? Sawang-sawa na rin pala ako sa nagbabawal ng cellphone, mp3 players, radio, family computer at kung ano-ano pang gadgets sa loob ng ofez sa QC branch. Hindi na naman kami bata para hindi magseryoso sa work at kung maayos naman natatapos ang mga trabaho, deadma na sa mga ginagawa sa work station.

So heto na … Super nice talaga ang aking superior dahil uhm, wala lang. Heto na ang mga notice ko sa kanya – parang may koleksyon siya ng rubbershoes? Hindi ako marunong kumilatis ng brand, pero pansin ko, iba-iba ang suot ni kuya. Huwaw, passion niya ang mag collect? Natanong ko rin siya minsan tungkol sa mga banda at sabi niya, hindi siya masyadong aware sa music industry. Sa basketball lang daw. Meganun? Karamihan ng mga lalakeng kilala ko, mahilig sa mga banda, siya hinde? I wonder kung single pa siya ……

Nagtrabaho din pala siya sa QC branch at madami siyang kinakamusta tungkol dun kaya medyo nagko connect kami kahit papaano.

5th day: So heto ulit. Medyo pinagtanong-tanong ko na kung bakit mukhang may koleksyon siya ng shoeselya. My gash, isa pa la siyang runner! Kaya naman pala kahit malakas siyang lumaps, eh hindi siya tabain. Hindi ko naman masasabing fit, basta hindi siya tabain. At kaka stalk ko pa lang ng fezbuk account niya at napa OMG ako sa mga nakabuyangyang na pica. Truly! Runner nga siya at ang mga album niya ay puro mga marathon at run for a cause! At hindi naman halata na crush niya si Karylle dahil ilang beses na silang may pica kakasali niya sa mga marathon tournaments. Mabuti nayan, basta ba hindi si Marian ang bet niya na katulad ni Papa Jack.

Speaking of Papa Jack pala, napanginipan ko siya kagabi bago ako bumangon para pumasok sa ofez. Nakakaloka, parang totoo kasi ang mga pangyayari. Naging habit ko na naman sa gabi na kapag nagising ako ng start ng program niya, naka tune in ako agad.

Nakausap ko daw siya ng masinsinan tungkol sa mga bagay na gusto kong malaman sa kanya. Kagaya ng suot niyang polo sa billboard niya sa Kamuning para sa palabas nilang ‘Starbox’. Eh halos lahat ng makita kong pica, yun ang suot niyang polo, stripes na pinkish red! Tinanong ko daw kung paborito niya ba yun, sabi niya hindi naman daw. At pati na rin ang gf niya na si Mimi, kinamusta ko, okay naman daw sila at sila pa rin daw.

Nang dumating ang mga scene stealers na sina Ateng at Chirimi, pilit nilang binigay sa akin ang camera para picturan ko daw sila with Papa Jack! Mauna pa sa akin? And when it’s my turn na daw, biglang na batt empty! At wala raw akong makitang charger para sa batt ng camera. Mwahahahahaha!

Hindi ko na matandaan ang iba pa, pero naalala ko, may binigay siya sa aking kwintas na bigla kong sinuot at pagkatapos nun, nagising ako kasi kelangan ko na maligo. Musta naman? Which I remember, kelangan ko pala i-research kung ano ang ibig sabihin.

So going back to my superior, nalaman ko na May 20, 1980 ang birthdate niya at nagtapos pala siya sa San Beda. Wala pa naman akong ina-aadd sa kanila dahil medyo nahihiya pa ako. Hindi naman siya cutiecle remover, pero, laman tiyan din siya no! Ahihihihihihihihihi!

Pasensya na kung medyo mahaba ang talambuhay ko ngayon. I just need to let these things out from my system. Char!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

ellie said...

ang haba naman, balik na lang ako bukas.

Post a Comment