Project 365: Day 105 - 108

April 15, 105th Day: Ang init!


Nabanggit ko na naman on prev na nag ice cream kami sa ofez kaya paguwi ko kanina, napabayla ako ng Magnolia Ice Cream Rocky Road flavor. Chipipay lang naman heto compared sa Selecta Hershey's flavor, pero laman tiyan na!



April 16, 106th Day: The Script


Ewan ko ba, malas yata ang araw na ito. Ang sana'y libreng tickets para sa The Script live in Manila concert ay naging bula pa! Pero ika nga nila, kung hindi uukol, hindi bubukol. Hindi ako makapag move on, dahil minsan lang namna ito naganap sa ilang taong panghihingi ko ng complimentary tickets, eh ngayon lang ako na deny. Kung yung BSB concert ay backstage ang access ko, heto lang ang sobrang sumablay. Salamat sa cheesy pops, nakalimutan ko ng pandalian ang The Script.


April 17, 107th Day: Gone Too Soon




Kahit puyat, nagising ako ng maaga dahil marami akong tinanggap na labada at habang nagkukusot, nag online muna ako sa fezbuk at tumambad sa mga updates ang pica ni AJ Perez. Hindi pa ako makapaniwala hanggang sa ginoogle ko siya at nabasa ko sa Wikipedia, ang online encyclopedia, na may end date na siya. Huwat?!? Mas okay pa sa akin na nagla laylow lang sa showbusiness ang mga artista kesa na mapabalitang namatay sila, lalo na ang cause ay isang aksidente. Hindi ko man nasundan ang Sabel, pero napanood ko naman siya ng slight. Hinahalintulad ang pagkamatay niya kay Rico Yan because of some similarities. Napaluha lang ako nung nanood na ako ng The Buzz dahil medyo nagsi sink in na ang mga pangyayari at karamihan sa mga kaibigan niya ay napaluha. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si AJ.


April 18, 108 Day: Pasukan na naman ...



Ambilis naman ng off ko, papasok na naman ako mamaya? At looking forward na ako pumasok dahil, uhm, may nakita na akong inspirasyon para maging masaya ang aking pagpasok everyday sa trabaho. Heto ang hitsura ng aking workplace, walang pinagkaiba sa dati kong workplace. From the point na nagpicture ako, yun ang pwesto ko. Sa dulo ng station na 'to, nakapwesto ang boss ko at kasalukuyan siyang nakaupo. Hindi nga lang siya kita dahil natatakpan siya nung upuan sa tabi niya. Ang layo ko naman sa kanya, at nasabi ko bang nung last day before kami mag off, eh amoy pabango na siya? I swear, hindi naman amoy pabango nung first day kaming nakadaupang palad at medyo hindi kagandahan ang amoy ng aming office. Magpapa request nga ako air freshener para naman kaaya-aya ang amoy sa loob at para maka attract na rin ng swerte... sa love.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment