April 19, 109th: Holy smokes!
Pagkalabas na pagkalabas pa lang ng office building, kitang-kita na namin ang maitim na usok na ito sa kalangitan. Akala ko tuloy, nagbabadya ang ulan. Sa Guadalupe pala nagmumula ang sunog at ang mga bahay sa tabi ng Loyola Memorial ang kasalukuyang natutupok ng apoy! Habang naglalakad sa palengke, may mga lumilipad lipad pa na mga debris at mga patak na tubig (meron bang lumilipad na tubig). Galing pala yun sa mga hose ng bumbero na rumespond sa lugar ng pangyayari (naks, parang nag-uulat lang...) Hindi napahinto ang operation ng MRT at wala namang na stranded na pasahero. Isa na siguro ito sa mga daang-daang pangyayari na aking susuungin sa aking bagong trabaho.
April 20, 110th: It drizzled.
Simula ng naging parang lagnat ang panahon sa sobrang init at mahirap makatulog sa tanghali, it drizzled this fine afternoon. Masarap matulog, tamang-tama sa aking senti mode kanina sa office. Eh kasi nitong mga nagdaan na araw, pansin ko lang, iniiwasan ako ng boss ko na tabihan tuwing magla lunch kami sa pantry. Tumabi siya sa akin one time last week, at napansin ko na parang iniiwasan niya ako ebersince. Binti ko ba ay merong gasgas, aklat kong dala'y pinulot mo pa, di ka pa rin nagpakilala? Kainis naman! Yung mga kilig kong moments ay biglang napalitan ng hurting moments. Meganun agad? Inlab na naman ako?
April 21, 111th day: Moth-moth
This is so far the most uncomfortable feeling I've ever experience in my life, hahahaha! My body is still adjusting sa madaling morning shift at ibig sabihin, apektado ang aking eating habits. Dahil hindi pa ako nadala last week nung first day, ako'y lumaps ng gabi, pero pa sweet lang naman dahil hindi na rin ako naghapunan. Pagkauwi ko, bumorlogs na lang ako ng bongga. Two hard boiled eggs, half rice at isang chocolate cupcake, after an hour, kumulo na ang aking tiyan. At right timing naman talaga na pagkasakay na pagkasakay ko ng bus papasok ng work. What the ...??? Those were the longest 20 minutes of my life that I am in pain. Pagkababa sa Guadalupe, hindi na ako nagdalawang isip para mag jeep, kumuha na ako ng boksikels dahil within 5 minutes, makakarating na ako ng office of the ombudsman. Gash! TMI na naman ba? Sorry na. Nang dahil dito, kelangan praktisin ang hindi pagkain sa hatinggabi. Kaka sad naman.
Pero heto ang kwento ng moth balls. This is our topic while having lunch at the pantry at sabi ng boss ko na crush ko na malakas ang pangamoy niya sa mothballs. Yung ateng niya daw kasi, bet na bet ang naptalina sa damit at meron daw siyang kaibigan na nanghiram ng relos niya at pagkabalik, amoy mothballs, hence, nahasa ang amoy niya. So, binida ko na ang kwento ko nung nag Anawangin kami ng ateng ko (hahahaha) dahil sa ayokong makagat ng lamok, naglagay ako ng mothballs sa bulsa at ako ay nangamoy damit na nakalagay sa cabinet. Hahahahahha! Sabi ni boss crush, sana hindi ko na muna daw ni reveal ang aking top secret para kapag nagkasama kami, mahulaan niya kung ako ay mag aamoy naptalina. Eh bakit nagkulay blue ang keps ko?
April 22, 112th Day: Bisita Iglesia
Nagising ako sa hindi mawaring ingay sa aming salas habang himbing na himbing sa pagtulog. Eh yun naman pala, dumating ang mga panget (my term of endearment for my pamangkins) kasama si baby Kristoff! My gulay, kahit medyo antok ako, gumising ako para naman mabistahan mabuti si baby dahil three months ago na yata yung last time na nagkita kami. Pumusyaw na siya at bilog na bilog ang fez! Ngunit, subalit... nakasimangot siya kapag kinakarga namin dahil hindi na niya kami kilala .. Parang kelan lang, hindi pa siya nangingilala, eh ngayon hindi na niya kami kilala! I can't wait na lumaki na si baby Kristoff.
How nice and kind my ka-officemate was nang bigyan niya ako ng Angel's burger na binayla niya ng buy 1 take 1 sa kanila. Tamang-tama! Hindi pa ako kumakain! First time ko natikman at masarap naman, huh! Though hindi ko masyado bet ang kanyang ugali, eh keri lang naman siya kasama sa work dahil tinuturuan niya ako. Matututunan ko din siyang mahalin as my buddy, hahahaha!
Kahapon ko nalaman ang dahilan kung bakit ako iniiwasan ng boss ko na tabihan tuwing lunch. Wala naman palang dapat ipagalala, gusto niya lang ng magandang viewing habit sa TV! Eh kasi kahapon, tumabi siya sa akin dahil sa pwesto naming yun lang may bukas na telebisyon. Ang arrrrrrte ko naman di ba? Kung ano ano pang naiisip kong kalandian, eh yun lang pala yun!
Nung isang araw din pala, naririnig ko siyang nagtatanong ng mga ruta sa Manila. Akala ko naman, inaalam niya yung daan ng marathon na kanyang sasalihan. Kinabukasan ko lang nalaman ng nagkwento siya na nagbisita Iglesia siya, takbo style. OMG, sobrang adik? Kakakwento lang din sa akin ng member ng aking research team na pumunta siya ng Baguio para lang tumakbo at umuwi din siya at tinakbo niya rin ang path sa Bataan na nilakaran ng Death March. Addicted much? Kaya naman pala yung mga album niya sa nakabuyangyang sa kanyang fezbuk na parang karinderya eh puro yung mga marathon niya sa iba't ibang lugar. Hindi ko naman akalain na makakakita ako ng katulad niya sa aking bagong trabaho. One of the many reasons why I look forward na pumasok everyday sa work. Hehehehe.
Simula ng narealize ko na wala naman ako dapat ipangamba sa kalandiang nararamdaman ko para sa kanya, napalitan na ng kilig ang feelings ko kapag nagpapapansin ako sa kanya at kinakagat naman niya ang aking mga patibong. No more room na sa mga kaarrrtehan.
Malaya ko lang nasasabi ang aking nararamdaman sa kanya sa pag-status ko sa fezbuk. Kelan ko ba masasabi ang aking feelings sa kanya? Ang tadhana nga naman, nakikiayon sa aking mga plano, hindi niya mahulaan ang title ng soundtrack na ginamit ng GMEwww sa Korean novela na Queenseondok, kaya nakihula na ako. Naisip ko, pagkakataon ko na ito para sabihin sa kanya ang nilalaman ng puso ko:
Mah boss: Pang wedding song yun eh...
Me: Bakit labis kitang mahal?
Mah boss: Hindi. parang two words lang yun ...
Me: Basta't kasama kita? Walang kelangan pa..?
Mah boss: Hahaha! English yung kanta, parang you're the answer to my prayer.. "Answered Prayer" yata..
Me: ... Ahhh, 'Angels Brought Me Here?' Hahahaha!
Akala niya, naisahan ko siya! Hahahahahha!










0 comments:
Post a Comment