Project 365: Day 114 - 116

April 24, Day 114: Happy Easter





I woke early in dawn para makapag practice just in case may magyaya sa akin jumoin sa, ehem, marathon. Mabuti nang prepared. What I love about Saturdays and Sundays ay ang tiangge sa Circle. Bukod sa mga damit, may mga pagkain ring tinda at ang lagi kong binibili ay ang yummy and sumptuous bibingka sa halagang 50php, busog na! Marami pang ibang tindang fudang na hindi ko pa nata-try dahil naka-focus pa ako sa bibingka.

I was able to hear mass at 6:00 in the morning dahil merong misa sa stage at may presentation ng mga chikiting after about saving mother earth. Buti na lang malapit ako sa park.




April 25, Day 115: Oks na Oks sa konting Zonrox







Nung isang gabi pa ako nakababad sa profile ni boss sa fezubk. Shocks, ewan ko ba kung anong ligaya ang nakukuha ko sa pagtambay sa profile niya, nakuha ko pang dun mag overnight at matulog,, (weeeh) Eh kasi naman kahit hindi niya ako i-add at kahit hindi ko siya i-add, parang karinderyang nakalimutang isara ang kanyang mga photo albums para sa mga taong PG na tulad ko, hayok na hayok i-browse! Hahahaha! Hindi naman siya kagwapuhan at wala namang something cutiecle sa kanya, but unexplainable joy ang aking nararamdaman kapag naka-stare lang ako sa kanyang page. Hihihi.

At dahil diyan, naisip kong linisin ang computer dahil ang may ari na naka online 24/7 ay hindi man lang makuhang punasan kahit ang touchpad na kasing kulay na ng yellowish kong ngipin. This is the hardest part in cleaning, kapag ayaw matanggal ang pangingitim at paninilaw ng laptop surface. In desperate of wanting it to be spotless white, natuklasan ko na kayang kaya pala ng clorox tanggalin ang stubborn dirt! Ginawa ko lang na labada ang aking lappy toppy, but I am too careful na hindi ibuhos ang solution kundi, baka mag suicide ako after. And it works!





April 26, Day 116: Spot-free






My gash, parang ang tagal ng dey up ko. Hindi na ako mapakali na makita si "ser" kaya I am so excited for today na pumasok. Akala ko pa naman, everything would turn out okay, kaya lang, sa sobrang tense ko kanina, may nagawa akong kapalpakan na sinabi ko naman din agad. Mahirap nang ma-ireport after kung hindi ko aaminin ang kasalanan ko. Pramis, I was so tense a while ago kasi habang ginagawa ko yun, nasa likod ko siya. Sinabi na nga ng horoscope ko for the month of April na I work best when I am alone at alam ko naman ang ginagawa ko, pero dahil alam kong he's behind me, watching over me, na tense ako ng mga 6 minutes and 23 seconds. Malamig sa loob ng office, pero napahubad ako ng aking cardigan sa init na aking naramdaman sa pagka tense. Bwahahahahahaha.

Hindi pa nga ako nakaka-recover kanina sa pagka-tense, yet ano itong another tensional moment? Habang nagtanong sa aking mga kasama kung paano gagawin ng tama ang isang process, nagprisinta siyang i-assist ako ng tamang gagawin. Okay payn, gusto ko nga yan eh. But my gash, akala ko, tatayo lang siya sa likod ko, pero umupo siya sa tabi ko at too close to comfort? Chos. Naramdaman ko na yung hininga niya sa pisngi ko (charring) Hindi ko naman naramdaman, pero natakot akong lumingon kasi isang dipa lang ang layo ng fez niya sa fez ko. It's been a while since nasa ganung sitwasyon with a guy at medyo hindi na ako sanay. ((hahahahhaha) Natakot talaga ako, I so swear by the moon and the stars in the sky, dahil lahat ng senses ko ay aktibo ng mga panahon na yun. Baka bigla akong mabuntis at ipanganak ang aming panganay.

Hahahahahah!

Napansin niya siguro na ako'y whiteheads free sa nose?



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment