Project 365: 117 - 121

Day 117, April 27: Boys do fall in love.





Isa sa mga pinaka aabangan ko sa pakikipagsapalaran sa bus ay ang background music na pinapatugtog ng driver at conductor. Aba, alanganing oras, dapat akmang-akma lang ang sound trip sa aming mga pasahero. Dahil I am just starting my day, este night, dapat loud at upbeat ang musika na aking mapapakinggan habang tinatahak ang highway papasok ng ofez. At sobrang timing naman dahil ang napiling long playing music nila, walang iba kundi ang remix version ng "Boys Do Fall Inlove" ni Robin Gibb. Sa loob ng bente minutos, walang humpay na tumutugtog ang awitin at wala kaming magawang na mga pasahero kundi ang mawasak hangga't di kami bumababa ng bus. Sorry na lang din sa mga antok at natutulog sa loob.





Day 118, April 28: My fare share.







Sa loob ng halos isang buwan kong pagko-commute sakay ng bus papuntang Guadalupe, di ko pa rin maarok kung magkano nga ba ang tamang pamasahe from Philcoa. My gash, araw-araw, iba-iba huh! Ang pinakamahal na singil sa akin ay 25 peysos, yan naman ay air conditioned ang bus. At kanina lang, 18 peysos naman sa hindi air conditioned na bus. Ano ba talaga? Hindi ko tuloy alam kung sakto o buong pera ang ibibigay ko para bahala na ang mga kunduktor kung magkano ang isusukli sa akin. Dahil mayaman naman ako minsan, as in minsan, ginigivlove ko na ang piso, dos o tres na dagdag singil sa akin, lalo na kung ang mga back ground music pa ay 70's rock song o 80's new wave. Nag enjoy naman ako habang kumakanta ng palihim, yun nga lang, kapag hindi airconditioned, wag lang magugulo ang hair do na isang oras kong pinaghirapang patuyuin. Kundi, magwawala ako.




Day 119, April 29: Taurus






Bakit parang bet na bet ako ng boss ko na ilagay sa ibang off? Matagal na niya akong gustong ilipat ng off at dahil month end na at shifting na ng sked ng mga bakla sa office, pinagsiksikan talaga akong ilagay sa schedule na Wed and Thurs ang off! Kalorkey, samantalang yung nauna sa akin ng 2 weeks na bago, pareho sila ng off ni boss, eh dapat ako ang itinulad niya sa sked niya dahil ako ang pinaka "baguhan" sa amin. At parang nang aasar pa talaga dahil mag straight 8 days ako dahil transition at sila, mag-o-off ng matiwasay. Grrrr. Ang inaalala ko lang naman eh 3 days na lang kami magkikita a week. :( So, 3 days na lang ako magmamaganda at magpapaganda.

Pero nakabawi naman si boss sa mga pangaalaska niya sa akin ng lumapit siya at pinagpipilitan niya na ang birthday ko daw ay buwan ng Mayo at ang zodiac sign ko daw ay Taurus. Nakita niya ang bull key chain ng aking coin purse. Siyempre, dinenay ko para humaba ang aming usapan. Pinagmamalaki niya rin sa akin na Taurus din siya dahil buwan ng Mayo ang kanyang birthdate. Di ko naman puedeng sabihing 'duh, alam ko!' dahil malalaman niya na nastalk ko na ang mala karinderya niyang fezbuk page.

Nasa likod ko lang siya ng mga oras na yun ng bigla niyang sinabi ang date ng birthdate ko. Napa-OMG ako sa sobrang shocked at muntik nang mahulog ang aking pustiso sa sobrang pagkagulat. Sabay humirit na lang siya na sinabi daw sa kanya yun nung isa naming kasama sa team.

Weh, di nga? Gusto ko na ba maniwala na nire-research din niya ako? Hmp.




Day 120, April 30: Pulvoron








Taena. Ewan ko kung anong addiction ang naidulot ng pagiging runner ni boss dahil may-I-super-research naman siya ng tatahakin niyang landas kanina. At this time, sa Subic naman! Pupunta lang siya sa Subic para tumakbo at pagkatapos, uuwi din siya agad? Hindi siya makwento, kahit gaano pa siya kadaldal sa mga ganitong marathon niya at ang mga impormasyon na ito ay sa iba ko pa malalaman, kakainis. Parang wala naman akong kwentang future-ex-fiancee nito. Kelan ba niya ako yayain eh sobrang ready na ako tahakin ang landas ng aming, you know, pagkakakilanlan.

Bakit ganun? Kahit ang mga simpleng asaran ay nagiging "cute" para sayo lalo na kapag manggagaling sa crush mo at wala ka na lang magawa kundi ang kiligin?

Namudmod ng pulvoron ang aming sweet na ka-officemate at bago ko kainin ang sa akin, nag-dare muna ako sa nagbigay na kelangang sumipol siya kapag kinain niya ang pulvoron. Nag dare din ako na sisipol din ako sa bumbunan niya kapag kinain ko na rin ang akin. Bigla namang umeps ang boss ko sa aming usapan at sabi niya "DJ, ako, sisipol pero nakaharap ako sa mukha mo" Nag stop kaya ang mundo ko ng mga 0.5349823 seconds dahil na imagine ko agad na ginagawa niya sa akin yun. Ang bilis ko naman! At hindi naman ako nakahirit ng punch line para dun. Kakainis.





Day 121, May 01: My Heartbeat





Dahil matagal-tagal ko na rin namang kinukwento si boss (mga isang buwan na) puede ko na siguro i-reveal ang kanyang nemsung, but not his photo yet. Matagal ko na pinagiisipan kung ano ang magiging term of endearment ko sa kanya kapag naging kami dahil advanced ako magisip. Nang i-play ni idol Mr. DJ ang awitin na "Heartbeat" by Enrique Iglesias and Nicole Shweiogjrgih0938240219, naapektuhan ako sa lyrics na in particular: "but you're stealing my heart away... yeah, you're stealing my heart away..." naks! Medyo hindi kagandahan ang name niya, eh kasi kapangalan niya yung pinsan ko, tapos ka nickname niya naman yung dati kong boss, sa same company din. (shucks). Maganda naman ang combination, ang palihim kong tawag sa kanya ay "Heartbeat Rej". Malayang-malaya ko na siguro ipagkalat ang aking Heartbeat.

But ano ito? May username din sa PeX na HeartbeatREJ? Since Dec 2010 pa? Charing!



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

ellie said...

♪♫ para kang sphinx, ugali mo'y napakastinks ♪♫

iinit ba ulo mo pag eto pinatugtog sa bus? bwahahaha!

@heartbeat rej: no comment. ay meron pala... kiki mo blue! wahahahaha!

Patay Malisha Barton said...

Sorry naman ateng, uber delayed ang comments. Tinatamad na kasi akong mag log in! Hehehe.

Post a Comment