Day 122. May 02: Tsaa scent
May advantage pala ang paggamit ng SM Advantage card! Hindi ko na binayaran ang lotion at hair conditioner na binayla ko at binawas na lang sa laman ng points ng aking card. I had 340 points at 289 peysos worth ang aking pinamili. Huwaw! May libre pa pala sa mundo bukod sa pangarap. Chos!
Day 123. May 03: Ang lungkot ng buhay ko.
Sinulit ko ang araw dahil off ko na at nakuha ko pa mag mall (nagbayad ako ng water at phone/internet bills) at bago umuwi, pinawi ko muna ang aking uhaw sa isang medium size na scramble! Patulak na ako ng may nagtext at tinatanong kung anong oras ang shift/pasok ko. Aba, unknown number, pero sumagot naman ako, sabay tanong kung sino siya. Hahaha! Si Ishna
pala! We met at Trinoma para kapag umuwi na, malapit na lang ako. Hehe.
We had early dinner at Kape Briton at dessert sa Red Ribbon. We went home at 9pm at pagkatapos maligo, plakda ako agad sa sobrang pagod. I terribly missed her company and it's been a while since I had a good laugh sa mga kwento niya, lalo na ang grade 6 sister niya. At such a young age, may mga "ang lungkot ng buhay ko" eksena na rin ang mga bagets?
Day 124. May 04 Dinner with Chirimi
There's a plan but it didn't push through. Tonight, we had dinner and Chirimi treated us. Nakakamiss naman ang mga kapeks. The part of the evening na nagustuhan ko ay ang pagtambay sa garden ng G4. Pagkakataon na para maisakutaparan ang Jaaran! pose na matagal ko nang gustong gawin. Happy birthday, bakla! I love you so much!
Day 125. May 05: Natalie Portman
It was Nat's birthday yesterday and dapat magkikita kami tonight, kaya lang kelangan niya magpahinga dahil wala pa siyang tulog. I miss Nat terribly, 7 months na pala kami hindi nagkikita. Wow, dinaig pa niya yung pumapalaot ng six months. Ay... bitter? Hehe.
Day 126. May 06: Matrona mode?
Yes, pasukan na naman! Looking forward ako makita si boss. Speaking of electric bill, I overheard my boss na due na daw ang kanyang electric bill at nakalimutan niyang mag paysung. He had to stop by at the nearest payment center para i-settle ang bill dahil sa takot niyang baka maputulan sila ng kuryente. I told him na kung wala pa namang disconnection notice, eh hindi pa sila mapuputulan. So unfortunate of him, "down" daw ang internet kaya kelangan niyang bumalik once na working na ulit ang internet connection ng payment center. Nagtanong siya kung saang nearest Meralco center pwedeng magbayad just incase denied na naman ang kanyang pagbabayad.
Dahil kami ay sa the Fort, sa Ortigas Meralco daw. Gusto ko na nga mag volunteer na ako na ang magbabayad sa Meralco Kamuning dahil super on the way naman ako pauwi at kahit ako na ang sasagot. Pero it's too early para manligaw sa pamamagitan sa pagbayad ng bills. Hihihihi.
Day 127. May 07: Rubbing shoulders
Mamimiss ko na nga si boss dahil mago-off na siya, ano na naman itong eksena na aking ipapabaon sa kanyang rest day? I was about to be blame on the process that I didn't do when they found out that it is not my fault. Pinagiisipan ko pa ng mabuti kung bakit ayaw sabihin sa akin sa umpisa nang ma realize ko na lang later na they need to investigate about this. My gosh! Parang pangalawang beses ko nang pumopompyang, huh! Nakakatakot pa naman yung head supervisor, ayoko lang naman masita. Pero buti na lang, mabait ang boss ko na crush ko and he made me feel na I should not be scared basta tama ang ginawa ko. After the commotion, he gave me words of encouragement and wisdom to move on. Bwahahahahahaha.
Napawi naman lahat ng mga pangamba ko ng habangmagkasabay kami papuntang pantry, naglalakad kami na magkadikit ang aming shoulders. Highskul na highskul ang dating! Hahaha! Binibida namin ang macaroni na special ng pantry na mayo lang ang dressing sa isa pa naming kasama na baguhan. Pagkatapos kumain, tinanong din pala niya ako kung only child daw ako at kung meron akong mga kapatid. Hala, ba't kaya? Hmmm. Gusto na niya ba mamanhikan? Chos.
Day 128. May 08: Ho-hum ...
The most boring days for me are Sundays and Mondays kung saan dalawa lang kami ang tao sa shift. Why? Lalaki kasi ang kasama ko and super walang kwenta siya kasama. Siguro iniisip niya rin na wala akong kwenta kasama dahil imbes na makipagkwentuhan, I keep myself busy sa pagbabasa ng books and magazines na inuumpisahan ko lang. I think it's not naman my obligation para i-entertain siya. In fact, responsibility niya ako na i-assist sa aking mga gagawin dahil ako'y isang newbie, kaya lang, sobrang suplado siya at mukhang mangangain ng tao. Para bang kelangan ko siya bayaran sa bawat tanong ko, kaya tipid na tipid ang kanyang sagot. Ayoko naman maimbey kay kuya dahil ka team ko siya and I am the nicest person ever na mae-encounter niya, pero ba't ganun siya? I remember nung first few days ko., happy pa siya na biru-biruin ako, pero the next days na hindi ako responsive sa pagbibiro ( focused kasi ako on my work, baka magkamali ako) he stopped making fun of me. Kaloka, may nagaganap na palang ganitong eksena sa aming dalawa. Paano kaya kapag nalaman ng boss ko? Baka ipag-kiss and make up kami.
Day 129. May 09: Coast is clear.
As much as I would like to not delete my statuses sa FB, wala akong nagawa kundi ang maglinis dahil nag request na ang aking mga ka officemates na i-add ko sila. Hindi ko naman tinanggal lahat, yung obvious lang na referring kung sino ba ang tinatawag kong heartbeat. Baka kasi mahalungkat ng bonggacious, maparatangan pa ako. Madamot ako, kaya sinet ko na rin na ma search at add ako ng friends of friends! Ang ganda ko naman kasi, kung sino-sino lang nag-a-add. Hahaha!
I visited again his page na naka bookmarked sa aking browser at nagulat naman ako dahil nagpalit na pala siya ng profile pic. Kahit naman tambay ako magdamag sa page niya, never akong nang grab ng pica at may kung anong force (field?) ang naguudyok sa akin na i-download ang kanyang prime pic dahil, mukhang ang seksi niya dun? Hahaha! I never fancy guys in cycling shorts, pero parang heto naman eh effect na effect sa akin. Parang ang ganda ng hagod sa maskulado niyang katawan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, ginetlak ko na. :D
Day 130. May 10: New look.
"I can smell the scent of his bath soap when he's near me.." Scary. These are the words of an obsessed, crazy stalker and these came from nothing else, but me. Hehe.
Akala ko, pabango niya yung scent na yun na kapag dadating siya at lalapit sa akin, yun ang naaamoy ko. Wala na rin naman akong magawa kundi ang magabang sa kanyang pagdating dahil I missed him terribly. Saktong pagdating niya, binanggit na naman niya ang walang kamatayang words na "bulaga!" sa kanyang seatmate. I wish, walang nakakita sa lihim kong pagtawa dahil kung meron, di na lihim yun. Ano pa ba ang signs ng pagiging obsessed ko kay ser, eh pati yung isang ser ko na nakikisali sa aming munting chikahan sa umaga eh kinaiinisan ko kasi, ang epal niya! Moment ko yun para makapagkwentuhan kami, bigla siyang e-eps? Hehe. Biro lang naman. I am just savoring each moment na magkakaron kami ni ser.
He's still ever accommodating kapag kailangan ko ang kanyang assistance at he doesn't make me feel na I am less prioritize, kahit apat lang kaming tao niya. Haha. Bukas daw, May 11, mag blow out ang aming head boss na expat and it is so nice of him to think of me dahil off ko bukas, hindi daw ako makakalaps ng bonggang-bongga. Sabi niya, pumasok na lang daw ako bukas. Sabi ko, kahit wag na, ililibre ko na lang ang sarili ko dahil, duh, birthday ko kaya sa Thursday at mare-realize lang nila pagsapit ng Thursday.
At dahil sa frustration, I just had my hair cut short! Biro lang. Nung isang araw ko pa pinagiisipan na magpagupit dahil dry na dry na ang dulo ng aking tresses and I need a new do.









0 comments:
Post a Comment