Project 365: Day 131 - 138

Day 131, May 11: Jujinggay






Dahil sa ako'y magdiriwang ng aking kaarawan bukas, pinapunta namin ang mga chikiting kasama si Jujinggay para mag overnight. Matagal na ring hindi nakakapag sleepover si baby boy ditei at nangingilala na siya. Buong hapon siya nagiiyak (hindi naman siyang iyakin na bata) dahil kinikilala niya kung sino ulit kami at namamahay siya! Nagising siya ng alanganing oras ng madaling araw at nalaman na lang namin kinabukasan na iniisip pala siya ng kanyang lola sa mother side at iniyakan siya dahil biglang namiss ang kanyang apo. Wala mang koneksyon, pero nararamdaman siguro ng bagets kapag naiisip sila ng kanilang tagapag-alaga. Kinabukasan naman, nakapag catch up na siya sa amin, kaya bumalik na naman siya sa ugali niyang kahit kaynino, sumasama. Madaling makidnap itong batang ito.



Day 132, May 12: Twenny nayn







Kahit pilit kong sinasabi sa opisina na ako'y chuwelve years old, hindi pa rin matatago ang tunay kong edad. Naks. Mukhang malaki ang pinagdadaanan ko sa age ko. I think I should embrace my age. Tamang-tama, ginawa nilang weekdays ang off ko, kaya malaki ang pagsisisi nila na hindi ko sila nalibre. At sa sobrang halatang may pinagdadaanan na naman ako dahil sa kaartehan ko, I didn't set my birthdate to show on my fezbuk page. Why arrte much? Wala naman. Since last year pa yata, hi-nide ko na para pagdating ng kaarawan ko, hindi mapa flood ng mga greets ang aking wall. Kahit effort mag thank you, I got what I want. Only a few people knew my birth date so it really made sense those who greeted me today and I truly appreciated it. A few friends come over at yung hindi ko naman ini-expect na magabala pa, brought cakes and balloons. Taon-taon, ganito na lang ako, kaya siguro dapat next year, magpapa whole body spa ako para hindi naman ako masyadong nagiisip.




Day 133, May 13: The Gift




As I am very excited to go to the office tonight dahil may pasok pa ako, kahit basag, nagpaganda ako dahil makikita ko na naman ang boss ko. Habang papasok sa opisina, I was hoping that they do not have any idea na birthday ko kahapon. Ah basta, nasa shy talaga ako. Ayoko naman maging center of attraction at gusto ko lang maging low key. At truly, wala nga silang idea kaya akala ko lusot na ako.

Just when I thought the day would be over, nakasalubong ko sa pantry ang dati kong kasamahan sa MSN dahil nasa the Fort na rin siya at witembang ko knows na alam niya na birthday ko pala. Take note na manyakis siya. Why? Bigla na lang niya ako bineso pagkatapos akong i-greet ng haberdey in front of my boss! What the fuss! I was never shocked in my entire life! Putek naman yan, parang hindi ako nakaporma sa mga pangyayari, sobrang nahiya ako. Nahiya ako dahil basta na lang nakabeso si kuya tapos sa harapan pa ng boss ko. Eh di katakot-takot na pangaalaska ang inabot ko. Hindi ko talaga gusto na inaasar ako ng boss ko na boylet ko daw yun. As if naman... Eh siya nga yung gusto ko, hindi niya alam! Kaines.

Nakalimutan ko, may gift pala sa akin si Aimee kahapon at hindi ko na nabuksan agad. It's a perfume at ginamit ko na kanina hoping na maakit ang boss ko. Eh putek, ibang lalaki ang nakasamyo ng aking halimuyak. Hahaha.




Day 134, May 14: Nagbabalik





Most of my clothes are in black color at si Heartbeat ay mahilig sa colorful clothes. Hindi ko pa siya nakikitang naka black until today. Pansin ko lang, most of the clothes he is wearing ay yung mga may mga label pa ng mga tinatakbuhan niya. Last week naman, kaya pala never ko pa siya nakikitang nag jackelya eh dahil wala daw siyang jacket. First time I saw him wearing, he wore a red one na medyo malaki pa sa kanya. Hindi ko pa siya nai-interview kung mashubis pa siya dati at ngayon, pumayatola na siya. He's truly my inspiration. Parang alam ko na kung ano ang ireregalo ko sa bertdey niya. Hehe.

Isang araw pa lang ang nakakalipas, nagbalik loob agad si Yana sa amin. Hindi naman niya sinabi kung bakit siya nandito. Kahit matigas ang ulo at hindi masyadong malambing si bagets, she's very independent kahit hindi kasama ang ate niya.




Day 135, May 15: Respond to Friend Request

Off na ni Heartbeat kaya naman nakakasad sa ofes, kasama ko na naman ang least favorite kong ka-officemate dahil hindi nga kami masyadong naguusap, pero owkay naman siya kanina. Nag-e-effort na siya na kausapin ako. Ang suplada ko naman, pero hindi ah! Ako pa, madaldal naman ako, pero hindi ko talaga keri makipagusap sa mga snob.

Just when I thought na magmumukmok ako buong araw, pagcheck ko kanina ng fezbuk, biglang tumambad sa akin ang friend request with no less than Heartbeat! I swear, para akong si Reese Witherspoon ng Election kung pumadyak sa sobrang kilig kanina! My gash, hindi na nakatiis si Heartbeat ng makita niya ang nemsung ko, inadd na niya ako. Ibig ba sabihin nito na hindi ko na mai-stalk ang kanyang album as often as I want? Ayoko naman mag appear sa ilalim ng profile niya. Baka sabihin, frequent stalker ako.



Ayan, medyo marami nang nareveal tungkol kay Heartbeat. Hindi siya kagwapuhan, pero simpatiko siya. Isa pa, mashubis siya nung grade 6 siya, according sa pica na yan. Obvious naman na athletic siya dahil sa mga pica na yan. Parang 90 percent ng mga fezbuk album niya ay yung mga tinakbo niya.

So heto na. Manginignginig pa ang aking kamay ng inaccept ko ang friend request. I was hoping to see and discover more about him dahil makikita ko na ang wall niya! Nakakaloka! Mas marami pang naka tag na pics at mas madami na akong status and comments na nababasa. First triathlon niya pala yung pumunta siya ng Subic at kakalorkey, may mga pics akong nakita na naka "suit" siya. Balak ko na sanang dun ulit tumira, kaya lang sa sobrang dami, ipinagpabukas ko na lang ulit ang "pagkakalkal" dahil kelangan ko na matulog. Nalaman ko pala na nung Feb 14, namigay pala siya ng mga sokoleyts sa mga kaofficemates niyang babae. Sayang, kung nung February pa pala ako lumipat, malamang, naambunan din ako ng chocolates!



Day 136, May 16: HIPAA

It turned out na wala akong gana kumain kapag hindi ko bet ko ang kasama ko. Joke lang. Kumakain pa rin naman ako ng fudang sa pantry pero at 10am na yun. So, from 3am to 9:59am, puro kape and Milo ang tinitira ko. Ganun? Hindi ko lang talaga feel kumain sa loob ng office at kung wala akong kasama. Na-bother na siguro ang kasama ko ng alukin ako ng pagkain dahil nakita niya akong hindi kumain. The whole day, I was so busy answering the module that was given to us. 12 modules in 8 hours. Nakakaumay! The 7 modules ay sariling sikap, meaning, dinibdib ko ang pagsasagot and the remaining ay nag-base ako sa answer na ginivelove ni ka-officemate. Uyy, concern pala siya sa akin. Ayaw niya akong mapagod.






Sa sobrang pagod, dumaan muna ako sa Mcdo Philoca para mag burger and fries. Diet? Ano yun?





Day 137, May 17: Depressed?






Dahil first day ni Heartbeat at last day ko naman, I thought that I should make the most out of it. Kakadating niya pa lang, naririnig ko na na gusto niyang makipagkwentuhan tungkol sa Korean nobela na My Girlfriend is a Gumiho. Lumapit pa siya sa akin para kamustahin ako, pero parang wala naman siya napala eh kasi may ginagawa naman ako. Hanggang narinig ko na lang na nakikipagkwentuhan siya sa iba pang nakapanood na tinapos niya yun nung off niya. As much as I would like to join them, hindi talaga. Pass na muna ako sa mga Korean series kasi medyo nauumay pa ako kaya puro mga English series ang pinapanood ko. Nakabawi na naman ulit siya nang may mga gusto siyang ipagawa sa akin ay nakuha pa niyang himasin ang balikat ko or if I know, chinachansingan niya lang ako?

Kanina lang sinabi sa amin na kakausapin daw kami ng aming expat na head boss. Bago daw kami umuwi, makijoin forces na muna kami para makipagchikahan. OMG. Akala ko pa naman, nakakatakot yung head boss namin dahil bukod sa sobrang nakaka nosebleed, I thought na seryoso siya. Hindi ko akalain na puede siyang kausapin ng Tagalog at maiintindihan niya! Okay lang din sabihan siya na ninonosebleed kami sa mga tanong niya at willing siya i-rephrase ang mga tanong niya. Hahahaha! Nalaman ko na simple lang naman ang gusto niyang buhay at he wants everybody to be happy kaya naman nirequest niya sa mga guard na kapag mga taga IT ang mga nago-order ng pagkain sa labas, keri lang na ipasok sa loob ng opisina. Ang babaw namin! Hindi pa ako nakakita ng big boss na nabibiro-biro ng ganun dahil usually, may pagka ere sila. Haaay. Mukhang mapapamahal naman ako dito sa aking new work. Nalaman ko rin pala yung boss ko na crush ko, nag open up kasi siya about his being a tri, tinanong kasi siya ni big boss, na ang pinakamalayo na niyang natakbo ay 102km at ang goal niya naman ay ang Ironman Triathlon na may 160km. Are you effing kidding me? Eh half km nga lang, hirap na hirap na ako. Hay naku, kapag niyaya niya ako dito, ang sasabihin ko ay kthanksbye! Matutulog na lang ako ng 14 hours.

I feel so depressed tuloy kaya nagshopping ako sa Landmark. Off ko na once again at parang kailan lang, pinagiisipan ko kung anong gagawin ko. I miss Trinoma so much at marami akong gustong bilhin na kung anetch-anetch na mga kakikayan na nakita namin ni Ishna the last time we hit the mall. (hit talaga?) Straight from the office, dumiretso na ako at nakapag splurge na naman ako. Well, ang sarap ng feeling. At nasa huli ang pagsisisi. Hahaha!



Day 138, May 18: Whattamess!






Maaga akong gumising kanina, dahil, you know, bumalik ako sa pagtakbo, pero pa sweet lang naman. Mga 2-3km lang ang distance na iniikot ko sa circle. Nakakapagod naman kasi. Mas bet ko pa nga ang Forever aero, hindi nakakangawit sa binti. So pagbalik ko, narealize ko na kelangan ko palang magligpit at maglinis ng aking kwarto. Nasa sahig talaga ang mga gamit ko dahil hindi pa ako nakakapagpagawa ng shelves that will hold all of them. Kelangan ko muna magipon ulit para maumpisahan ko na ang aking project.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment