Project 365: Day 139 - 140

Day 139, May 19: Atraksyon.





Kung gaano kabilis ang araw ko sa work, ganun din naman kabilis ang day off ko. Parang one day lang ako nag off dahil kinabukasan, kelangan ko nang matulog ng hapon dahil papasok na naman ako kinabukasan ng 3am. Parang nauubos na lang ang aking "one day off" sa paglalaba ng mga damit.

Speaking of labada, akala ko, amoy perfume si Heartbeat. Infairview ha, matagal-tagal ko rin tinuklas kung amoy ba ng bath soap niya yung naaamoy ko tuwing lalapit siya sa akin. Ang hina naman ng pangamoy ko. Amoy pala yun ng isang fabric conditioner! At truly naman akong naattract sa amoy niya tuwing lalapit siya sa akin dahil gamit niya Downy Attraction fabcon! Kinabukasan ko na di na confirm yan at tinanong ko kung siya ang naglalaba ng damit niya, hindi daw sabi niya, pero hindi na niya sinabi kung sinot at hindi ko na inungkat pa.

Pakshet, eh heto pa naman ang lagi kong gamit sa bedsheet at towel ko dahil ang tapang ng amoy. Sabi nga ng pamangkin ko, ang sangsang sa ilong, ayaw niyang amuyin, pero love na love ko ang amoy sa aking kama (krissy mode)! Maamoy ko pala siya everytime na matutulog ako ...




Day 140, May 20: Trenta






I am so excited for this day dahil pagpasok ko, makikita ko na naman si Heartbeat at birthday niya ngayon! Simula ng ini-add niya ako sa fezbuk, napansin ko na hinide niya ang birthday niya na May 20, 1980 sa kanyang profile at wala rin notification si fezbuk na birthday na niya ngayon. Ano yun? May pinagdadaanan si Heartbeat? Dahil sa sobrang excited and I just can't hide it, alas 12:16 am, May 20, walang nagkoko comment sa wall niya, nag volunteer na akong mauna kesehodang maparatangan ako ng kung ano pa man. Comment lang naman eh! Ako na yata ang lucky charm niya dahil nagsipagdagsaan ang comments sa wall niya! May nagconfirm pa isa kanina na hesitant siya magcomment kung bday nga ba ni Heartbeat dahil walang alert, pero ng makita ang comment ko, eh bumigay na rin at bumati na ng haberdey!

So pagdating niya kanina, may mga bumati na sa kanya. Lahat na yata ay pinilit siyang magpakain sa opisina, pero sabi niya, next week na lang daw para malapit na ang araw ng sweldo at kung maubusan siya ng pera, sweldo na. Ako na bilang na mahinhin kapag madaming tao ay nagkaron lang ng lakas ng loob na interviewhin siya kung totoo bang 30 na siya eh hello, according to his fezbuk, 1980 siya pinanganak. At nung ininterview kami ng expat naming boss, sabi niya ay 29 pa lang siya. Pabata effect?

Trulily nga na 1981, nagbigay na siya ng proof, hindi lang link, ang ID niya na nakalagay ang birthdate niya, May 20, 1981. Eh pusang gala naman, ba't sa fb iba?

Madami akong gustong gawin para sa kanya today, gusto ko siyang pagsilbihan. Bumili ng cake at idecorate ang kanyang station para pagdating niya ay kakanta na lang kami ng Happy Birthday! Pero siyempre, pigil na pigil ang sarili ko dahil baka kung ano ang isipin sa akin, na kebago-bago ko pa lang dito, pa impress ako sa boss ko? Hahahahah! Gusto ko pa nga siya bilhan ng regalo. Dahil sabi niya na wala daw siyang jacket, nagka idea na ako kung ano ang igi-give love ko sa kanya. Matrona agad?

Badtrip nga lang kanina dahil pilit niya pa rin akong inaasar dun sa manyakis na bumeso sa akin tuwing nakikita namin sa pantry at pinagkalat niya pa kanina na jowa ko daw yun. Nakabawi naman ulit siya dahil habang may ginagawa ako kanina, nakabantay lang siya sa tabi ko sabay akbay at himas din sa likod kapag tama ang ginagawa ko. Ako na rin ang nagsabi na pwede na siyang umalis dahil alam ko na ang gagawin ko dahil sobrang nako conscious na ako sa kanya. Hindi man lang ako nakapag retouch ng tumabi siya! Hahahhahahahaha!

Dahil sa kakaibang weather condition ng ating bansa, imbes na mag MRT, nag bus na lang ako pauwi dahil sa sobrang init para naman diretso na ako sa bababaan ko at hindi na ako sasakay pa ng jeep dahil sa sobrang init. Panalo ang bus na nasakyan ko! Kung ang kadalasan ay mga movies, tv programs at music videos ang pinapalabas, heto naman ay VIDEOKE with lyrics pa talaga ha! Kulang na lang ang mic na pagpapasapasahan naming mga pasahero. At ang mga kanta? Barry Manilow classics. Ayan, nakatulog tuloy ako.



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

ellie said...

bwahahahaha!

natawa naman ako sa downy attraction. pwede na kayo sa commercial ha? hahahaha!

Patay Malisha Barton said...

Hahaha! Kinikilig na tuloy ako sa Downy Attraction!

Post a Comment