Nagdrama na ako bago pa sumapit ang aking kaarawan sa pamamagitan ng pag set na i-hide ang aking birthdate sa fezbuk. Now, I would know kung sino nga ba ang nakakaalam ng aking kaarawan at sino-sino ang buong giliw na babati sa aking page na hindi nafa flood ang aking wall.
From my 300++ friends 9 lang ang bumati, kasama na ang aking kapatid! Hahahahaha! I got what I want at napatunayan ko na konti lang talaga ang nagke care sa aking kaarawan. Chos! But the greetings all made sense at naappreciate ko ng sobra dahil alam kong they did try to remember that May 12 is my birthday. Napakaarte ko di ba?
I got what I wish for during this special day. First, the pack came over to our house para mag overnight. Nakakamiss kapag walang bata sa bahay, kahit gaano pa sila kagugulo at kakukulit. For 32 hours, nasa aming pangangalaga ang tatlong ito at na-sad ako ng kelangan na silang iuwi sa kanilang bahay kinabukasan. I wish makapag stay sila ng kahit isang linggo man lang sa amin na kumpleto silang tatlo.
Early morning of my birthday, nakatanggap na ako ng text message dun sa hindi ko ine-expect na makakaalala na kaarawan ko. Dapat tawag yun, eh borlogs na borlogs ako dahil alanganing oras naman tumawag si kuya, so nagpadala na lang siya ng SMS message sayin' "All the way from Bremerhaven, Germany. And with roaming UK sim card, Happy birthday!!! :D " My gash, wala pang nemsung yan, pero alam na alam ko ang hilatsa ng text na yan. Badtrip pa naman ako sa kanya dahil sa biglaan niyang pagalis ng walang paalam (jowa?) pero nakabawi naman siya sa ginawa niya. All smiles na ako the whole day...
I invited a few friends over para naman matikman nila ang pinagmamalaki kong pasta shrimp na naging baked mac with shrimp dahil ang kulit ni mama! Sensya na, hindi ako nakapagsuklay niyan kasi ang init-init ng panahon. Ang init pa naman sa loob ng baler.
Aimee gave me this nice gift na ginamit ko na kinabukasan pagpasok pa masampolan naman kung effect nga ba! So far, ganun parin ang relationship ng aking Heartbeat: boss - subordinate
I wasn't really expecting Chirimi to come dahil medyo alanganin ang oras at sa Alabang pa siya nakatira, kaya naman nagulat ako ng dumating siya may bitbit pa siyang balloons at cake kahit magisa lang siyang nang surprise!
Sana, next time, 8"x14" yung cake na igive love sa akin. Hehehe.
Nakatanggap rin naman ako ng pagbati mula sa opisina kahit bago pa lang ako at wala silang kaalam-alam na kaaarawan ko ikina yesterday. Salamat talaga dun sa manyakis na bumati at bumeso sa akin kaya narinig ng boss ko na birthday ko pala. These are the things that I am thankful for no matter how small or big they are in terms of sizes or quantity because they are all special to me and they are all present on my special day.

















0 comments:
Post a Comment