Day 141, May 21: First Base

OMG. Kabago-bago pa lang namin ni Heartbeat, naka first base na siya sa akin? While working on some jobs na first time sa akin ipa-try, bigla niyang tinouch ang aking hand na nakalapag ng ganyan sa aking working station. Aba, siyempre nagulat ako! Hindi pa nga ako nililigawan, hahawakan na ako sa kamay? At ako naman sa sobrang tense, biglang napatago ang kamay sa ilalim ng station dahil hindi ko na mate-take kung magkakaron ng take 2. Grabeng kuryente 'to, libo-libong boltahe ang dumaloy sa katawan ko. Hindi ko talaga siya super bet no?
Natatakot ako bukas dahil ako lang ang magisang magiiwan sa office.
Day 142, May 22: Mommy, I feel hot...
I was left alone sa ofez. Yung dapat na kasama ko (kami lang dalawa kapag weekends) ay naka leave dahil mas important pa sa kanya ang skim boarding kesa pumasok at matulog sa ofez. Na-train naman ako sa iba pang mga jobs na im not familiar and everything is going well hanggang kung kelan naman pa out ako, may mga jobs na kinda sumablay. Very supportive naman si Heartbeat at ang kasama ko na nag-leave na itatago ko na lang natin sa nemsung na Mark, mga alas tres pa lang nang madaling araw, tinetext na nila ako para kamustahin. Bago simulan ang aking trabaho, sumaglit muna ako sa malapit na 7 Eleven para bumayla ng fudangambels dahil hindi ko basta pwedeng iwanan ang aking pwesto, dahil baka may tumawag at hindi ko masagot.
Pagkatapos ko gumetlak napakalaking siopao at nang may I- approach na ako sa cashier, I smell the familiar scent. Amoy Downy Atraksyon! Nagtaka ako, may natapon ba na fabcon sa daraanan ko? Nakita ko may nakapila na boylet sa cashier. Naisip ko na malamang, siya yung amoy Downy Atraksyon. Nakatalikod siya at naka-cap na white. Teka, parang kilala ko ito huh...
May print sa likod ng t-shirt niya "Running can never be BORING". Biglang nanlaki ang mga mata ko at napa Oh My Gums ako! Si Heartbeat, maaga nagising para mamili ng saging sa 7 Eleven! Ewan ko ba, imbes na matuwa ako at yakapin siya dahil ang dapat ko maisip ay he's there para sasamahan niya ako sa shift ko, eh nag-panic ako at nagtago sa isa sa mga shelve ng store. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, pero mabilis din ako nakapag isip. Lalapit ako, magpapakita ako at babasahin ko na lang yung nakasulat sa likod niya para mapansin ako. Hahahahaha! Ang chaka, I swear! Nagulat naman siya, but I could've have done better. Kasi naman, naunahan ako ng hiya. Eh kung hindi siya ang tinitibok ng puso ko, baka nayakap ko pa siya at tumalon-talon pa ako sa tuwa ng nakita ko siya. But, it didn't happen.
Hindi ko naman napansin na nag-text pala siya bago kami nagkita sa store. Alas 2:53, pagayak na siguro siya dahil sabi niya, may takbo daw sila sa MOA kaya maaga siya gumising, tinext niya ako. How sweat, di ba. Ang message niya "Goodluck. Haha." Kaloka! Natupad naman ang pangarap ko na mauna siyang mag text, pero full of sarcasm? Hahaha! Kiber! Kinikilig pa rin ako!
So heto na nga. Okay na yung mga jobs na pina process ko at one hour na lang, ready na ako umalis ng biglang sumakit ang ulo and napausal ako ng "Mommy, I feel hot." Nang may dumating na kapalitan ko, sumaglit ako sa clinic to check my temperature. At yung boylet na nurse na ang tawag sa akin ay "Teh!" kinonfirm na ako ay may sinat, 37° C! Nakakaloka! Hindi ko na ba kaya ang mapagisa at ako ay nilagnat?
May 143, May 23: DANTE VARONA
Hindi naman natuloy ang aking labnat, nakapasok naman ako today and all smiles pa rin ako sa mga naganap kahapon. I checked my phone patch kung ilang pang minutes ang natira sa aking niregister na SUPER COMBO 20 for unlimited text and 50-min call. Nagregister ako para ma-text at matawagan ko si Heartbeat. Sabi niya, itext ko lang daw siya at siya na ang tatawag sa akin. Sinabi ko pa na ima- MY SUPER ONE ko siya para wala siyang kawala. Natupad naman ang pangarap ko na siya ang naunang tumawag nang may kinonfirm ako sa kanya, pwede naman niya ako replyan through text, pero mas pinili niyang tumawag. But my gash, dahil sa may mali akong nagawa kahapon, napatawag din ako sa kanya! Medyo natetense pa ako kausapin siya sa phone dahil ang bilis-bilis niya magsalita, kaya nasabi ko ang mga katagang "Teka lang po, wala po akong naiintindihan..." Bwahahahaha! Nakakaloka naman ako. I never felt so helpless in my entire life para masabi ko ang mga katagang yun, pero understanding naman si Heartbeat. Sinabayan niya ako sa aking slow pace.
May epal pa na nagtetext sa akin na tinatago ko pa rin sa nemsung na Mark, nakikisabay kay Heartbeat sa pag-check sa mga ginagawa ko. Sa kanilang dalawa tuloy ako nagrereport! Bago umalis, may isang job na ayaw mag run at dahil ako ang may pangtawag sa amin, kelangan tawagan si Heartbeat para magtanong kung ano ang gagawin. Kaya lang, hindi niya sinasagot. Nabadtrip kaya dahil tawag ako ng tawag? Ayan tuloy, tinawagan ko si Mark para itanong kung ano ang gagawin. 3 minutes lang naman ang na-consume ko kay Mark, at 10 minutes kay Heartbeat. May natira pa akong 37 minutes worth of call. Hindi ko akalain na habang ka phone patch si Mark, eh nireturn na pala ni Heartbeat ang aking phone call. Kaya pagka-hang up ng call namin ni Mark, nag ring na ang aking phone at nag pop ang nemsung ni Heartbeat. Papasagot ko na dapat sa kasama ko dahil alam naman ni Heartbeat na may kasama na ako sa office at kami-kami ang nagkakagulo dahil sa aberya, pero binalik sa akin ang phone ko ng pinagbigyan ko at sinabihan ako na ako daw agn sumagot ng call ni Heartbeat dahil akin daw na phone yun. Nagkahiyaan pa? Pagkasagot ko, tinawag ko na ang name niya in my most malambing na way at siya na ang nagtanong ng "DJ, anong nangyari sa Dante?" FYI, Dante ang name ng job at ewan ko kung kay Dante Varona ba o Dante Rivero isinunod ang pangalan ng job na yan. Para ma-explain ng bonggacious, akin ng ipinasa ang phone patch sa iba ko pang kasama. Bago naman ako nakauwi, ang pesteng si Dante ay biglang gumana at nag mass sent na ako sa kanila na "Running na si Dante Varona! Nagbabalik pelikula na siya!" Chos.
My lucky number pala is 37. 37 ang sinat ko at 37 minutes remaining worth of calls. Ibig ba sabihin nito, at the age of 37 pa ako makakapag jowa? Ayayay!







0 comments:
Post a Comment