Isang Pagsusuri

I've been watching Sex and The City at nasa 5th season na ako. I feel like a bit of Carrie Bradshaw today, kaya i-explore ko ang pagiging so-so writer ko dahil sa maraming bagay akong naoobserbahan sa araw-araw kong pamumuhay.

Magdadalawang buwan palang naman ako sa aking bagong work at magdadalawang buwan ko na rin inoobserbahan, kasama na rin ang pagpapantasya, ang aking, ehem, Heartbeat na walang iba kundi ang aking "Ser". Kasama na dun yung mga interprestasyon ko na dahil na gusto ko siya, if the feeling ba is mutual. Naguguluhan na kasi ako. Hindi sa pagiinterpret kung may gusto ba siya sa akin. Duh, alam ko na ang sagot 'no, kelangan pa ba i-memorize yan? Heto kasi yun:


Since marami naman akong kilala na "lalake" at may mga kapatid akong "lalake", nakapag-set ako ng "basis" para ma-distinguish ang mga straight boys versus non-straight boys. Please, don't get me wrong. Masyado lang akong maging mapang-obserba nowadays at siyempre, "crush" ko si ser kaya kahit to the smallest details, hindi nakakawala sa aking paningin at pandinig. Ang mga sumusunod ay mga eksena na sobrang ikinakagulo ng aking utak. Sa loob ng halos dalawang buwan, may mga ikinatambling ako na narinig mula sa kanya. Hindi ko rin naman pwedeng maging basis yun para ma-determine kung ano ang preference niya, pero parang password yun na hindi ko pwedeng kalimutan na lang.


Una: Sa pantry. Tapos na kaming lumafang nun, magkaharap kami ng upo ni ser. Sa likod ko, may mga nakaupong mga belat na-naka power dress - black dress, with black stockings and high-heel shoes. Tapos na rin sila kumain at nakatayo sila, one in particular yung girl na 4-inches above the knee ang dress. Medyo nakaangat ang palda niya kaya may na-expose na keri lang naman ma-expose. Hindi ko naman mapapansin yun nung napansin ko na parang namalikmata si ser sa exposé ni ate. Akala ko, naapektuhan na si ser at sinabihan ko na ang ganda ng view niya. At ang sagot niya ay sobrang nagpakulot sa bangs ko. Binulong niya sa akin ang mga katagang "Maganda sana kundi lang ang laki ng run ng stockings niya.." Napa Oh My Gums! at pinagsabihan ko siya na hindi sinasabi yun ng isang lalake. Seriously, kapag malapit mo na makita ang kuyukot ng isang girl at ikaw ay anak ni Adan, yung malaking "run" pa rin ba ng stockings ang mapapansin mo?

Second: Hayden Kho. Di naman dumalaw si Hayden Kho sa amin, pero nung nag join siya sa Triathlon sa Subic, nachika niya na nasight niya daw si Hayden. And according to him, sobrang gwapo at nanghihinayang siya dahil hindi siya nakapag-pa-picture dito. Napa Oh My Gums! din ako dun! C'mon, ang kuya ko, kapag napopogian sa kapwa nila would use the word "gwaping" o kaya lalaitin nila ang poging lalake dahil sobra makalalaki sa kanila. Saka, lalake, papa-picture sa gwaping na lalake? Ang odd naman...

Third: Shake body-body dancer. Di ko naman siya narinig kumanta niyan, pero may kinalaman ang tinanong kong yan sa kanya. May isa pa akong katabi na boylet sa aking station na matagal ko nang pinagdududahan, hindi lang sa kanyang looks, kundi sa lantaran niyang pangookray sa akin. Minsan, ang boylet na ito ay bigla na lang naibulalas ang kantang - "Shake body body dancer" out of nowhere at nabigla naman ako dahil ang hina-hum ko yata nun ay Price Tag. So, tinanong ko si ser na if there's any chance na from out of the blue, maiisipan niyang kantahin ang Shake body body dancer ni Inay Maria? Nag hang siya for a moment at ang reply niya sa akin ay "Hinde, pero "Arico Mambo, oo". This time, hindi na ako napa Oh My Gums, pero I am speechless habang kumulot ang bangs at buhok ko sa kili-kili.

Fourth: Brand new. Kapag may something new sa akin, si ser ang napansin kong unang makakapansin, pero yung kasama kong baguhan na girl ay deadma lang sa akin. Hindi niya ina-acknowledge ang something new sa akin pero si girl ay palaging nagkukwento ng something new sa kanya. Like when I bought these new shoes, napansin yun ni ser habang nakaupo siya sa tabi ko, hindi ko naman ipinangrarampa para maobserbahan niya na bago pala ang aking shoeselyas. Pero nung new hairdo ako, dineadma lang naman ni ser at yung mga bakla na sa amin ang pumansin ng aking freshly cut hair.

Kanina kasi, may ganun na namang eksena, fresh na fresh pa. I paint my nails red with hotpink tip na nagmukhang red orange, so pumasok ako ng namumula ang mga kuko. Nakita yun nung girl na katulad kong baguhan, pero deadma si ate sa nails ko at sa dinami-dami ba naman ng unang makakapansin, si SER na naman ang bumati! Habang may tinatype ako sa computer at dumaan siya sa likod ko, bigla siyang huminto at lumapit sabay sabing "Huwaw! Naka cutics!" NAKAKALOKA! Cutics talaga? At sumigaw ba talaga? Bigla ko tuloy tinago ang aking mga fingers sabay irap sa kanya.

Papalagpasin ko na sana, pero yung boylet na one seat apart kong katabi (hindi ito badet) ay hindi napansin ang "cutics" ko at ang pangalawang bumati na ay ang isa kong badet na ka-officemate na pinalatag pa ang mga daliri ko dahil ang ganda ko daw. Joke lang, ang ganda daw ng kulay ng nail polish ko.

So what I am trying to say here? Masyado lang ba siyang mapagmasid na tulad ko na pati ang mga bagay na ito eh kelangang makialam siya na imbes na ipaubaya na niya sa iba? O masyado lang naman ako nagbibigay ng interpretation sa pakikialam niya? Eh dedeadmahin ko na rin sana, kaya lang parang echo lang ang mga pangyayari na paulit-ulit na nagpeplay sa aking isipan.

So ang tanong, dapat bang tanungin ko na siya point blank kung bakit pakielamero siya sa buhay ko?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment