Kung kahapon lang pinagdududuhan ko siya, now I take it back. Hehe.
Nung isang araw ko pa nakita sa wall niya na na-feature siya sa isang magazine. Hindi ko naman masyadong inintindi kasi never been heard the mag at wala akong makita sa bookstores.
And so kanina lang, may bitbit na copy si ser at pinagmamalaki niya in a pabulong way na na-feature siya sa magazine na yun. Nagtaka naman ako ba't hindi one time big time ang announcement niya, lumalapit pa siya sa mga grupo para i-showog ang magazine. When I finally cornered him at nakita ko na ang magazine, nalaman ko na hindi lang basta-basta ang pagka feature niya sa FREE and exclusive magazine na ito.
![]() |
Ayan, super laglag na ang nemsung niya at kanina lang din niya nilaglag ang sarili niya or more appropriate term na inamin niya na diabetic siya. Ang kwento niya, genetic ang sakit niya and since highschool, nagi-inject na siya ng insulin para ma-regulate ang sugar sa bloodstream niya. Parang mala-Gary V. lang. Naawa naman ako. I can't imagine how hard it is na may ganung sakit na dala-dala for a lifetime, but never naging hindrance yun para i-pursue niya ang pagtakbo niya. Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya dahil nag-conduct na rin ako ng sarili kong interview at wala nga lang akong magazine, blogspot lang!
Ang problema ko ngayon, I want a copy, pero libre lang ito at kelangan ko pa mag email sa publisher. Nung nag email naman ako para humingi ng libreng copy, kelangan ko magbayad ng delivery fee worth 120 php for full year subscription, eh yung May 2011 issue lang ang kelangan ko. Kaloka, patusin ko na kaya ang pagkahibang kong ito?







0 comments:
Post a Comment