Project 365: 144 - 153

May 24, Day 144: Are you still sick?


May pasok na ang lahat at may pasok na rin si ser. How sweet naman of him na tanungin kung natuloy ang lagnat ko nung weekend nung ako lang mag-isa na natira sa ofez. Sabi ko, "hindi" at "sayang, nakapag absent sana ako." Tinawanan niya lang naman ako like what he always do. Hindi rin naman natuloy ang lagnat ko dahil na-bayla ko na ang latest issue ng Yes! at nabasa ko na ang tell-all ni idol Chenelyn Mercado. Kawawa naman si Chenelyn, pareho lang kami na madali lang ma-inlove at pareho lang din kami na kapag may gustong i-eliminate na part sa buhay, hindi na niya makukuhang banggitin kaya hindi nasama sa kwento ang tungkol sa kanila ni Andrei Felix.



May 25, Day 145: Pure ang beauty.






It is exactly two months that I am using this product, along with the daily lotion I bought. Naghahanap ako ng moisturizer noon at napa-stop ako sa shelve ng Pure Beauty products. Super etchosera ng sales lady at effective siya huh, dahil napabayla niya ako ng mga products niya, but this is the purchased na hindi ko pinagsisihan (medyo maharlika kasi ang mga products) dahil effect na effect naman ang pampaganda. Within two weeks of using, napansin ko na unti-unting nawawala ang black marks and spots ko sa fez ko (mahal TF ko). Pero truly naman talaga na naging kinesa at glutha ang beauty ko, maraming salamat sa product na ito. Kung mayaman ako, papakyawin ko ang isang line na ito.




May 26, Day 146: If your hair bounce back, so do you...






At dahil day off, wala akong ginawa kundi magsuklay ng magsuklay ng mahaba kong hair gamit ang SUKLAY na ito na nabayla ko sa Trinoma for only twewny peysos. Siyempre, dahil nakaharap ako sa mga pica ni ser, kelangang maganda ako. Sa dinami-dami ng albums na nagkalat sa profile niya, a-apat pa lang ang na-grab ko and those were the latest ones. Ubsis much? Para naman akong teenager neto, sabi na sabik sa mga pictures amp, parang hindi ko nakikita at nakakausap sa ofez eh no. Ang gwapo niya kasi kaya I can't help it but i-download ang pics.






May 27, Day 147: Beauty Card






Ang beauty card ay katumbas ng ganda points. Today, naka-aasign ako na magturo ng isang job process sa kasama kong baguhan. Naituro sa akin yun nung ako lang natira mag-isa sa office, kaya naman it's my turn to shine dahil while teaching, nakikinig sa akin si ser. Alam ko, pinapakinggan niya ako kung how much did I learn from what he taught. Hininaan ko lang ang boses ko while explaining dahil baka mali-mali ang sinasabi ko. Iniisip ko na kami lang ng kausap ko ang nakakarinig ng aming conversation. Ang tinuturo ko sa kanya ay kung paano mag-back up sa aming server. At hindi ako naging prepared sa question ni ate ng tanungin niya ang "Ano naman ang iba-back up?" Kalurkey! Hindi naman ako ganun ka-bright para masagot ang tanong dahil hindi ko rin alam kung ano ang ibina-back up ko! Ang alam ko lang, gagawin yun bago mag down ang mga server. Dahil sa hindi ko alam ang sagot, dineadma ko na lang ang Q ni ate and move on with my life, nang lumapit si ser. I gave him the floor to discuss and to check na rin kung tama ba ang ginagawa ko. At nung nagsasalita na si ser, bigla niyang ipinasok ang topic nang pagba-back up. Pinakikinggan niya pala kami. Note to myself: Common sense questions have common sense answers. Ano pa ba ang binaback up basically? Files. Right. Kakainis si ate, konti na nga lang ang beauty ko, binawasan pa!





May 28, Day 148: Mentholyptus








Almost everyday, I stack my station with Mentos dahil masarap na past time ito habang nagbabasa ng mga kachismisan sa Pep and PeX. Maraming humihingi, yung mga wala naman akong balak bigyan dahil nakalaan yang mga candy ko to my one and only. Dalawang beses pa lang siya humihingi sa akin ng candy sa tinagal-tagal kong pagdidisplay ng mga yan. Hindi siya 'fan' ng kendi. Tinanong niya ako kung nakakaubos ba ako ng isang roll pack nito dahil nakikita niyang nakakalahati ko, Sabi ko sa kanya, oo, lalo na kapag lapit siya ng lapit sa akin.




May 29, Day 149: Dey up






It's end of the month once again, kaya nag-rigodon na naman kami ng mga dey up. Kaka off ko pa lang at two days pa lang ako jumujosok, off ko na naman! Ang panget pa neto, hindi ako agad naabisuhan like one week earlier na effective na itetch kaya wala man lang ako na planong lakad! Sorry, baguhan pa lang ako kaya hindi ko alam na ganito pala ang patakaran dito. Ngayon, nasabihan ako na two weeks lang effective ito at sa susunod, ang Sunday and Monday off, mapapalitan ng Friday and Saturday off. Ang saya-saya naman! :( Parang laruan lang kami?

Buti na lang, nayaya ko ang batugan na si Ateng na lumabas for an ice cream sa Galle. Siyempre, naisingit na namin ang paglaps niyan at nakapag simba na rin kami na minsan ko na lang nagagawa. Ipinag-pray ko ang lovelife ko. Pangarap kong maging single at gusto ko rin naman makilala ang sisira ng pangarap ko.





May 30, Day 150: Paint the town red!






Habang walang ginagawa, nag-nail polish ako ng red with hotpink tip na nagkulay orange. Hindi maayos ang pagkakalagay ko kasi napagod na ako sa unang kamay pa lang at balak ko na sanang burahin, pero nilakasan ko na
ang loob ko dahil cute naman ang kinalabasan ng kanang kamay. Kaliwete ako, so kanan lang ang maayos at parang nakainom naman ang left hand dahil hindi pantay-pantay ang kulay.





May 31, Day 151: Huwaw, naka-cutics!






Kaloka ha. May gumagamit pa ba ng term na cutics? Pagpasok ko sa office, alang pumapansin ng 'cutics' ko at hindi ko inaasahan na si ser ang unang papansin. Parang xmas lights ang mga mata niya na nagspark ng makita ang mga daliri ko. Pagkatapos niyang banggitin na bagong 'cutics' ako, gusto niya pang ispatan mabuti ang pagkaka-apply ko dahil aktong lalapit siya at yuyuko para tignan ang kamay ko. What the fuss? Bigla kong tinago ang mga kamay ko sa ilalim ng desk ko dahil parang nahiya ako sa pagka palengkero niya. Palengkero talaga? Ang kulit kasi eh, kelangang sumigaw ba at cutics pa talaga ang term?





June 01, Day 152: Mr. Beso.







Napaka-creative talaga si ser. Nabanggit ko na naman ang thunders na bumeso sa akin sa harapan ni ser at sa sobrang hindi niya makalimutan, nakaisip siya ng itatawag sa kanya. My gash, araw-araw na lang, topic namin si Mr. Beso at kung ano-ano pang mga impertenent questions ang naiisip nilang itanong sa akin tungkol kay Mr. Beso. Hindi naman ako pikon sa mga ganitong asaran, pero hindi talaga maipinta ang mukha ko kanina dahil habang kakabanggit lang nila tungkol kay Mr. Beso ay siya namang biglang pasok nito sa pantry habang nagla-lunch kami. Kakaganun nila, napansin ko na takot na ang nararamdaman ko dahil baka biglang lumapit na naman si kuya bigla akong ibeso. Hindi ko na talaga alam ang magiging reaction ko kung ibebeso pa rin ako ni Mr. Beso, baka mamatay na ako.

Habang inaasar nila ako, bigla na ngang lumapit sa akin si Mr. Beso at ang gusto kong gawin ay ang tumayo at kumaripas ng takbo papalabas ng pantry. Nakatingin ako kay ser na parang humihingi ng saklolo, pero parang nakangisi pa siya at nagaantay ng susunod ng mangyayari. Laking pasasalamat ko ng tinapik tapik lang ako sa likod ni Mr. Beso at kinamusta ako. Sa sobrang takot at inis ko, sinagot ko ang tanong niya ng hindi lumilingon.

Hindi ko na natiis kanina, nag-request ako sa supervisor namin na magpalipat ng sked para makaiwas kay Mr. Beso at sinabi ko hindi na ako masaya sa piling ni ser dahil lagi nila akong inaapi. Nag drama ako na magreresign ako kapag hindi nila ako tinigilan kakaasar kay Mr. Beso at kung makakakita sila ng kapalit ko, hindi na sila makakakilala ng isang Deejay na tulad ko. Hahahaha, feelingera?




June 02, Day 153: I am going nuts.






Dahil sa drama ko kahapon, hindi naman ako nakarinig ng pangaasar kanina. Aba, effective din pala ang pagiinarte kong yun, kelangan ko lang gawin ng madalas.

Okay na sana dahil medyo may interview portion kami ni ser kanina habang walang ginagawa at nalaman ko na bunso pala siya in a brood of four. Kung kami ng mga kapatid ko at boy-girl-boy-girl ang sequence, silang magkakapatid naman ay girl-boy-girl-boy. Huwaw, match na match! Chos. Tumambling ako kanina ng may prinocess akong job na mali, eh dalawang buwan ko na ginagawa ko yun. Na-question pa ako ni ser kung paano ang pagkakaturo nun sa akin. Dapat ko nang sanayin ang sarili ko sa mga ganito dahil prone to errors ang trabaho ko. Nakita ko na tumambling at nanghina din siya sa ginawa ko at bukas pa namin malalaman ang result nito.

Napansin niya yata na ang tahimik ko for the rest of the day. Akala niya siguro nagaalala ako, pero totoo naman yun, pero ibig sabihin lang na tahimik ako eh nagiisip ako ng malalim.

Napapansin ko rin na almost everyday, kapag may mga jobs kaming mahihirap at nananahimik ako, lagi niya akong chinecheck na hindi naman niya ginagawa sa iba pa naming kasama. Tatanungin niya, "DJ, okay ka lang jan?" Siyempre, ako naman, nagiisip ng iba't-ibang sagot everyday. Minsan gusto ko na sabihin na, "hindi eh, gusto na kitang ligawan". Ano kayang magiging sagot niya?


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment