47 Albums and probably less than a thousand tagged pics. Ang dami, pero halos kabisado ko na dahil araw-araw na lang. O kung hindi araw-araw, every off ko, pictures mo ang bina-browse ko. Ang sarap i-grab lahat, baka magkasunog. Mawala. Baka ma-sad ako, wala pa naman akong back up. Hindi ko na lang sasabihin na pwede palang i-hide and seek ang photos mo. Baka mawala ang kasiyahan ko.
May kakaiba talagang kilig kapag nagagawi ako sa page mo. Feeling ko nga, alam mo na rin na stalker ako ng profile page mo. Deadma. Sooner or later sasabihin ko na rin na crush kita and idolize you in a way para hindi naman tayo magkahiyaan at para continue parin ang ating boss-subordinate relationship. Sa tingin ko, mas magiging stronger ang ating connection.
Saka single ka naman. Single naman din ako. Crush mo si Karylle. Crush ko si Piolo at madaming madami pang iba. Kelan kaya kita pwedeng ligawan? Wala naman akong ma-o-offer kundi ang ATM ko na ang PIN ay birthday mo saka yung mga Yes magazine na treasured possession ko.
Lubos na nagmamahal at umaasa,
Didyay






0 comments:
Post a Comment