Project 365: Day 154 - 162

June 03, Day 154: Passport, come na to mama!




Josko, sa wakas. Armed with all the correct requirements, lumakad ako papuntang DFA para ma-process na ang aking passport! Very supportive pa ang aking boss dahil pinayagan niya akong mag leave today at magkatext kami habang binabaybay ko ang daan papuntang Pasay. Ang swet de vah. Medyo scared pa ako dahil baka ma-deny na naman ako at can't afford na ako magaksaya ng panahon tomag apply again.

11am I arrived and I am scheduled at 11:30am. Lalakeng pogi na mukhang callboy ang nag assess ng papers ko at hindi niya na ako hinanapan ng transcript of records. Ang mga pogi talaga, mababait na at hindi ako pinapahirapan. Pinagtripan lang ako ng babaeng nag assess sa akin last time na nag apply ako. I do not have any government issued digitize ID, pero company ID na lang ang hiningi sa akin ni kuya. 11:20 pa lang, pipila na ako for picture taking at hindi ko in-expect na oras pala ang bibilangin sa pagpapa picture. Dinaig pa ang Super Mega Grand Lotto sa haba ng pila! My number is 2204 at nasa 1657 pa lang ang tinatawag! Halos 3pm na ako natawag at wala pang 5 minutes, tapos na ako! Ang mga tao nga naman sa gobyerno, papeles mo naman ang inaasikaso mo at nagbabayad ka ng tama, pero hindi matanggal tanggal ang habambuhay na pagaantay sa pila.

Eh para saan pa ang booking kung may waiting at ilang oras din akong napanis sa DFA. Buti na lang, I brought a book para makapapalipas oras. I'll be back at July 11.



June 04, Day 155: J1



Nito lang, tatlong J ang ini-add ko sa fezbuk hoping na matanggap nila ang aking friend request at siyempre, slight na makapang stalk na rin ng kanilang album. Alam ko, nagkasala ako sa pagkuha ng kanilang mga picas. Sana, mapatawad nila kung matutuklasan nila ang ginagawa kong ites. Hihihi.

Let's start with J1. Justin. He's our counterpart sa aming job na naka base sa US. Matagal ko na siyang gustong i-add sa fezbuk pero nahihiya ako kasi medyo cute siya! Hahahaha! Madalas siyang magpadala ng emails hindi lang sa akin, kundi lahat sa amin. When I added him, nag message siya na hindi niya ako kilala, but added me eventually. Nakakaloka si kuya, super send siya ng message at medyo nano-nosebleed ako when I added him sa aming company messenger. Sa aming trabaho, madalas sablay ang mga pinapadala niyang emails. Madalas may mali, pero apologetic naman siya kapag sinasabi namin na mali siya. Kung hindi man everyday, every week, may maling info na nasesend si kuya. Abala din naman yun kahit papaano sa aming trabaho.

But ano naman itong eksena ni Sir Rej? Nang malaman niyang ka-chat ko si Justin, biglang nakalimutan niya si Mr. Beso at inaasar ako kay Justin. Nakakaloka! Nagselos siya agad sa akin, eh magka email naman sila ni Justin? Ay sus, wala lang naman itong si Justin no! Wala naman akong gusto dito, napopogian lang naman ako sa kanya...




June 05, Day 156: J2




Jeremey.

Kinabukasan, natuklasan ko ang fezbuk ng isa pang ka counterpart namin sa Horsham na si Jeremy at mas cutiecle siya kesa kay Justin. Inadd ko na rin siya hoping na matanggap niya ang pakikipagkaibigan ko. Yung kay Justin nga hindi ko pa na stalk dahil.. wala lang! Tinatamad ako.

Na-excite ako ng makita ko ang notification sa fezbuk na tinanggap na ni Jeremey ang aking friendship request, at manginig-nginig pa akong pumunta sa page niya na naka bookmark sa aking browser but ano itong nakita ko? May button pa rin ng Add As A Friend? Inaccept niya ako tapos inunfriend niya ako? What the fuss? Nakikipag friend lang naman ako at hindi niya ako matanggap eh hindi naman ako nagpo propose sa kanya? Hahaha!

May repustasyon itong si Jeremey na not so nice dahil kapag off na ni Justin, siya naman ang nagsesend ng emails at kapag mali ang napadala niya, hindi siya apologetic. Deadma lang siya sa wrong info, dahil minsan lang naman siya nagkamali. Hmppp. Dapat nakinig na ako kay Sir Rej na hindi talaga siya mabait. Chossss!





June 06, Day 157: J3




Jara.
Hindi siya taga Horsham. Kasama ko siya sa office. Simula ng mag start ako sa aking bagong trabaho, may nakapagsabi na naging item daw sila ng aking my one and only Heartbeat. Deadma lang naman ako sa mga chismis dahil alam ko naman sa showbiz, 99% ng balita, hindi totoo. Nainterview ko si Heartbeat nung minsang nag one-on-one kami, pero mariin niyang itinanggi ang mga akusasyon. Hindi rin naman ako naniniwala kasi super sweet itong si pretty gel dahil kapag pauwi na siya, super beso siya sa akin na as if super close kami. Ang weird lang, wala pa akong isang linggo sa trabaho, may kabesohan na ako at recently ko lang naman siya nakilala. But she was so nice talaga na kung naging lalake ako, imposible rin hindi ako ma-fall.. Naks!

Then there came a time na tumambay siya sa shift namin for a couple of hours dahil nasira ang sasakyan niya at nakipagkwentuhan siya sa amin. Pinagmamasdan ko ang body language ni Heartbeat at mukhang may something nga siya kay pretty gel! As in nakatitig lang siya ng diretso kapag super chika na si ate at super asikaso kapag may mga gustong i-showog si pretty gel. Nang niyaya siya ni pretty gel na silipin ang sasakyan sa baba, without batting an eyelash, sumama si Heartbeat! Ouch! Hahaha! Kahit super bait si Heartbeat, alam kong I could not compete with his heartbeat... First heartbreak kay heartbeat...




June 07, Day 158: Halayang Ube






Kakagaling lang ni sister from Baguio courtesy of their school at all expense paid at hetong halayang ube ang pasalubong niya. Ang pinakamasarap na halayang ube na natikman ko ay sa tita ko na every Christmas lang gumawa at pinaguuwian ako ng isang llanera dahil alam niyang paborito ko, but this one is soooo good!

Speaking of halayang ube, ilang araw na napapansin ng boss ko na may dalawang boylet na palaging magkasama sa pantry at never niya daw nakitang hindi magkasama ang dalawang boylet. Magkatabi pa silang kumakain. Pinaghihinalaan niya ang dalawa na may something daw, sabay open ng topic tungkol sa mga ganung bagay.

Masyado siyang mapaghinala! Malisyoso! Baka naman BFF lang yung dalawa, magka shift! Buddies! Kaya palagi silang sabay! Hindi nga niya alam na pinaghihinalaan din namin siya weh!





June 08, Day 159: Cervical Cancer




Second day ng aking menstruation. Lumapit ang aking boss na babae at sinabihan ako na "DJ, umattend ka ng seminar ng Cervical Cancer" na parang alam na alam niya ang pinagdadaanan kong cramps at sinabi niya yun na marami ang nakikinig, including Sir Rej. Nag hesitate pa ako, pero minabuti ko na rin umattend kahit puro pambubusko ang inabot ko sa mga kasama ko pati na rin kay Sir. Nagvolunteer pa si Sir na samahan ako kasi daw puro mga babae daw ang aattend dun at gusto niya daw makita ang mga ipe-present sa seminar. Weh, di nga?

Marami akong natutunan sa seminar na itei katulad ng pwede naman magpa pap smear ang mga dalagang katulad ko na kahit hindi pa nanganganak upang maipa check kung normal ang aking cervix. Ayan, libreng advise na yan. Sabi ni doktora na proven cause ng sakit na ito ay having multiple sexual partners and hereditary. At ang magandang balita, ito ay preventable through vaccination which would cause you an arm and a leg. Ayan, dapat hindi ko ipagbalewala ang pagpapa pap smear kapag tapos na aking buwanang dalaw.





June 09, Day 160: Snifffffff






Ang favorite na almusal ni Sir Rej sa umaga ay saging na lakatan from Dole na binibili niya pa sa 7 eleven. Minsan, saging lang, minsan, rice with ulam naman ang kinakain niya. This morning, alam kong hindi pa siya nagaalmusal dahil kakadating niya pa lang, 4am ang kanyang schedule.

May 4am na job akong kelangan i-run na nag-error kaya I seek for his help. Kapag sinabi kong " Sir Rej, help! " Alam na niya na ang kanyang gagawin. Lumapit siya sa akin at tinignan ang nag error na job. Umupo siya sa ere sa tabi ko at tinuturuan niya ako kung paano i-restart ang job. Lagi naman niya itong ginagawa sa akin, pero ang nakakaloka sa eksenang ito eh ang lapit lapit ng bibig niya sa ilong ko kaya naamoy ko ang kanyang hininga! Bigla akong kinabahan kasi para akong kinuryente sa amoy ng hininga niya kaya palihim akong lumayo na hindi naman niya nahahalata. Nairaos din naman ang trabaho, pero buong araw akong tulala dahil sa mga pangyayari. So ang tanong, anong amoy? Hahahaha!





June 10, Day 161: Chenelyn Garbanzos




Heto pala ang hitsura ng garbanzos. Ako at ang kasama kong bago na itago natin sa pangalang Lanie ay malaki ang duda sa aming boss na si Sir Rej dahil sa dami ng mga ebidensyang aming nakalap na pwedeng magpatunay na lalake din ang hanap niya.

Naglalaro kami ng pahulaan ng gay words and it's my turn na ipahula ang salitang "Chenelyn Apocalypse". Nabanggit ko na sa kanila ito 48 years ago, kasama ng movie na Zombadings: Patayin sa shokot si Remington at yung word na "shokot" lang ang nai-apply ni Sir sa pangaraw-araw naming trabaho. Hindi niya daw mahulaan, pero ang alam niya daw ay ang salitang "Chenelyn Garbanzos". Halos humilata ako sa kakatawa dahil 48 years ko na rin hindi naririnig ang salitang ito, but my gawwwwwwwwwwwwwd! May boylet ba na nakakatanda niyan? Eh si Chenelyn Mercado na ang uso ngayon. Nakakaloka!




June 11, Day 162: Ang pagibig kong ito





It's the Chat Ladies night out once again at dinala kami ng aming mga paa sa Music Bank sa Timog. I couldn't remember kung pangit ba ang experience namin nina Ateng and Chirimi sa MB sa Pasay, pero hindi ko ini-expect na sobrang epal ang mga staff sa Timog branch. Kakasabi lang namin na yung per head ang ia-avail namin, pilit kaming kinukuhanan ng order, kahit drinks. Sinabi naman namin na tatawagan na lang namin sila kapag bet na namin umorder. Within an hour, 3 times na may jumosok para mag-ask ng order at sa sobrang banas ko, nagtaray na ako at inulit ang sinabi ko na tatawagin na lang namin sila kapag may gusto kami orderin. Kakaloka! Matagal na rin pala ng huli akong magwala ng dahil sa videoke at hindi ko naman na-anticipate na kelangang kum-quota ng Music Bank sa drinks. Okay na sana dahil bago ang mga kanta, malinis, maganda ang tunog at malaki ang TV, pero thumbs down sa mga makukulit na staff. Ang rating, negative 3 stars. Nakakabwisit kasi.

Hahaha!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment