June 12, Day 163: Potasiyum
Nakakailang saging na post na ba ako? Sa totoo lang, peyborit ko ang saging at simula ng nalaman ko na peyborit din ni ser gawing almusal sa umaga ang saging, inspired na akong lumafang ng banana ng bonggang-bongga. Sa may Guada, may malapit na tindahan na nagbebenta ng mga senyorita na banana pero lasang lakatan. Imported pa ang mga ito from Tagaytay. Naalala ko si Nat at ang isang buwig ng mga saging na binayla niya nung nagpunta kami ng Tagaytay (those were the happy days) Isang kilo ang kinuha ko, thirty peysos. Pwede na!
Speaking of saging, alam niyo naman na ito ay sagana sa potassium. At alam niyo ba na ang sobrang potassium ay nakamamatay? Eh kapag kinulang ka din, matetegi ka. Eh kasi naman si ser, may na overheard na nagkukwentuhan na mga beki na pinaguusapan ang tungkol sa potassium, akala gay word na rin. Eh baka naman ginamit nila ang word na potassium with it's true definition. Lahat na lang! Mapaghinala talaga!
June 13, Day 164: Lab letters
Has anyone received a love letter? Well...... Madalas ako maka received ng mga ganito nung high school and when I say madalas, madalas anonymous ang letter sender so hindi ko alam kung totoo! Ilang araw pa lang ang ateh ko sa kanyang bagong work, eh may pumorma na agad at ginigivlove siya ng love letters! Nakakaloka! Kapag sinapit nga naman ninoman ang ganitong edad tulad ng age ko, eh pagtatawanan na lang yung contents ng letter. Juiceko, pareho pa lang silang bago sa work at sana magparegular muna sila bago pumorma itong si boylet sa shupatid ko.
Ang haba ng hair ni aunteh! Hinahatid pala ang bakla pauwi! At anong hitsura ni suitor? Hmmm, maitim siya saka maputi ang ngipin. Sana naman, hindi na muna sagutin ni ateh! Gusto ko munang umabot siya trenta ang shupatembang ko bago magka jowa!
June 14, Day 165: Bookworm
Sobrang hilig ko magbasa ng books. Noon. At puro love story pocketbooks na Tagalog lang ang binabasa ko. Ang favorite kong author ay si Maia Jose. Nung nagkaron siya ng series, ang ABAKADA ng Pagibig, from A-Z ang binili ko! Di ko naman akalain na mawawala pala sa circulation ang mga pocketbook ni Ms. Jose, sana hindi ko na pinahiram ang iba pang series. Ang mga natira na lang sa akin, I would consider my favorites and best stories ever told by her.
Ewan ko kung bakit twice na yata natanong sa akin ni ser kung hobby ko daw ba ang magbasa ng books at kung nagko-collect ako. Alangan naman sabihin ko na ito ang kino-collect ko de vah? Pero malamang may nakapag ispluk na sa kanya na tuwing weekends, may bitbit akong libro para magbasa dahil sa sobrang busy sa work, makakatapos ka ng isang Harry Potter book sa isang buong shift.
Aminado siya na wala siyang tiyaga sa mga books, pero nakinig naman siya sa akin habang nagkukwento ako ng tungkol sa mga librong binabasa ko. Napagusapan rin namin ang Funny Komiks at may pinapahulaan siya na kwento dun na sirena ang character at isang Yeti. Ang natatandaan ko na lang ay sina Niknok, Pitit at Matsutsu. Hindi namin malaman ang kwento, but when I researched online, Mahimud Ali ang title. Ang asawa niya ay sirena, na may anak na kalahating tao, kalahating kalabao na si Kala-tao at may sidekick siyang Yeti na bading na ang nemsung ang Tiny. OMG, hindi ko matandaan ito, pero bakit ang bading na Yeti ang natatandaan niya?
June 15, Day 166: 1kyawsand peysosesosesoses
Ang tahimik namin kanina. Medyo nasasad ako. Wala kasi akong mai-open na topic, alam ko kumakati na ang dila niya makipag kwentuhan. Wala rin ako sa mood kanina, kasi ang kati-kati ng keps, este ng lalamunan ko. Para akong aso na tumatahol kaya minabuti ko na lang na manahimik the entire shift.
Mamaya, lumapit siya sa akin at nagtatanong kung may pabarya ng 1kyawsan. Oh my gums, tamang-tama nag withdraw ako kahapon, dalawang malulutong ng five hammer ang binigay ko sa kanya. Dapat hindi ko na gagastusin yung 1k na binigay niya at ipapa-frame ko, pero may binayla ako kanina kaya yung 1K niya, naging barya na. Hindi ko man lang na picturan, pero tinandaan ko na lang serial number. Hahahahha!
Kahit naman tahimik kami the whole day, nakabawi naman siya nung lumaps na kami sa pantry. Pansin ko lang ha, parang gustong-gusto niya na dinidikitan siya kapag naglalakad o kumukha ng meal ticket sa pantry. Kahit nilalayo ko na yung balikat ko sa balikat niya, bet na bet niya magkadikit. Naks!
Nung tapos kami kumain, nagreklamo siya na yung iced tea niya lasang iced tea na may grapes. Pero naubos na rin naman niya yung drinks niya at iniisip niya na baka nalagyan ng grape juice yung kinuha niyang iced tea. At ang hindi ko kinayang eksena ay ang sumunod. May konti pang natirang iced tea sa baso ko. Kinuha niya yun at inamoy. Close kami ha? Inaamoy ang basong pinaginuman ko? May kasama kami na nangasar pa na amoy laway daw yung baso ko. Minura ko na lang ng 'ulol'. Sisirain pa ang mga pangarap ko.
Minsan pala ay nakita ko na may inaalalayan si ser na isang girl na hinawakan niya pa sa beywang nung palabas sila ng pantry. (Parang chumichismis lang ako magkwento eh no!) Hindi niya ako nakita nun at nakatalikod na sila nung girl kaya hindi ko namukhaan kung sinetch, pero may hinala ako na kasama namin sa loob ng office. Medyo kumanta yung heart ko nun ng "my heart skip a beat" as in nagskip ng heartbeat dahil sa selos? Amp.
Mukhang kumportable siya sa presence ng mga babae, lalo na kaibigan niya. Pero minsan, iniimagine ko na mag boyfriend/girlfriend kami at ako naman yung inaalalayan niya at hinahawakan sa beywang. Woooooh!






0 comments:
Post a Comment