Day 167, June 16: Coin First

Hindi ko sinasadya, naiwanan ko ang aking pinakamamahal na coin purse sa office. Regalo pa ito ng kapatid ko at ang key chain ay give love naman ng aking mommy (sosyal! eh nagji-jeep lang naman ako!) Minsan na itong nawalay sa akin piling ng minsang rumampage ako sa QMC. Akala ko, nawala na ng tuluyan, nang balikan ko, may nakapulot pala na boylet at binalik niya sa akin. Nalaman ko na nawawala ulit ng nataob ko na ang aking bag, pero hindi ko pa rin ma-sight ang aking coin purse.
Pwedeng naiwan ko yun sa katabi kong chair sa aking pwesto dahil doon ko madalas nilalagay ang aking bag at duon ko binabato ang aking coin purse. Marami akong puedeng i-text sa office para ma-verify ang kinaroroonan ng nawawala kong treasured possession, at nagtatalo ang aking daliri at puso kung si ser na lang ba ang tatanungin ko, tutal, parang BFF na lang naman kami. ANG LANDE naman di ba, kesa matorpe na naman ako, sinend ko na ang aking na compose na text. After a few (minutes?), nagreply siya agad. Trulily, naiwan ko nga. Itatago na lang daw niya sa drawer niya para makuha ko bukas. Nag reply back ako upang magpasalamat sa kanyang gentle gesture at umaasa ako ng magte-text buck siya.
Nandun yung pamasahe ko, pero buti na lang naka spread ang pera sa different parts ng aking bag kaya kahit naiwan ko yun, nakauwi naman ako ng matiwasay. Nakarating na ako ng bahay at di ko akalaing magrereply siya after an hour na lumipas ang aking text buck.
My gash, ano kayang tinext niya? Manginig nginig pa ako nang ginetlak ko ang aking phone patch. After an hour, nakuha pa niya magreply ng "Edi nag-123 ka sa jeep?" Pramis? Todo na yang reply niya? Makapang asar lang, kahit late na? Nagreply naman ako, baka sabihin niya snob ako. Sabi ko, sa bus ako nag-123, pero nilakad ko mula office hanggang Guadalupe. Alam ko, benta ang statement kong yun sa kanya dahil tumunog ulit ang phone ko ng ilang minuto lang, with the message "Haha. Ako nga, tinatakbo ko yun eh." Oh my gums, GUSTONG MAKIPAG TIKSMIT ni ser! Nakaunli yata. Naalala ko yung nabasa ko na kapag tinext ka ng crush mo, wag mo daw agad rereplyan para hindi halatang inaabangan mo ang texts niya. Kaya ayun, kinabukasan na ako nagreply, para naman maisip niya na wala lang siya sa akin. HAHAHAHA!
Day 168, June 17: Kalabaw o Baka.
Medyo nagkaproblema sa mga ka-counterpart namin sa US, kaya anong petsa na kami nakapag lunch. 10:30am, isa't kalahating oras na lang, pa out na rin kami ng kasama ko. I swear, super patay gutom na ako ng mga oras na yun, kaya kahit mouse ng computer, kakainin ko.
Natapos naman ang aming trabaho, pero nakakapagtaka lang, pinauna na kami ni ser kumain. Eh wala na naman siyang gagawin. Wala naman siyang sinabi na dahilan. Nakaupo na lang naman siya sa station niya at ka-chat yung mga kano sa US, pero finished na ang work na matiwasay. Hindi na ako namilit, kasi gutom na gutom na ako nun. Natapos na kaming kumain at pagbalik sa loob, nakaupo lang siya at nakatitig sa monitor niya na ang wallpaper ay si Karylle. Hala, may pinagdadaanan? Niyaya ko ulit siyang kumain, ang sabi niya sige lang daw. After mag lunch, lagi akong pumupunta ng cr para mag foot spa and facial, kaya iniwan ko pa rin siyang nakaupo sa station niya. Pagbalik ko, wala na siya sa upuan niya. Di na nakatiis, kumain na rin. Ang daming arrrte,kakain din pala, ayaw pang sumabay sa amin.
After a few (minutes?) dumating na siya, at naka smile na tinanong ako kung ano ang nilafang ko sa pantry. Ang ulam ay sinigang na beef at fish fillet na may mukhang ewan na sauce. Pareho kami ng inulam, sinigang na beef at inaasar niya ako na kalabaw daw yun dahil matigas, pero pinagpipilitan ko na baka, dahil malambot naman yung nakain kong karne.
Kung kanina parang sad siya nung nagyayayaan kumain, eh after naman niyang lumaps, ang lakas na naman mang asar. Akala ko, tapos na ang kalabaw at baka issue namin, dahil chumika na ako to another station, ng tinawag niya ako ulit para ipagpilitan na kalabaw yung nakain ko. May isang beses na pinagpilitan nila na kalabaw yung kinakain naming beef ng mga oras na yun dahil maitim ang karne. Sa sobrang dismaya ko, hindi ko na inubos yung ulam ko. Akala ko naman, may ipapagawa sa akin, yun pala aasarin ako. Ano ba, naiinis na ako! (sabay tuck in ng hair)
Day 169, June 18: Chicken!

May mga times na hindi kami masyadong nakakapag kwentuhan ni ser dahil medyo nahihiya ako. Baka wala siya sa mood makipagbiruan at may mga oras naman na ang goal niya ay mapikon ako, na ilang beses naman na nangyayari kapag inaasar nila sa akin si Mr. Beso.
Dahil magkakaron ako ng presentation na ang topic ay specialization niya, nagkaroon ako ng excuse para makalapit at makipagusap sa kanya. Pina-discuss ko ng bonggang-bongga ang job process, nakatitig ako sa kanya habang nagsasalita siya, kalahati ng utak ko lumilipad. Kahit hindi ko pa rin naiintindihan ang pinagsasabi niya, masaya na ako dahil matagal akong nakatambay sa pwesto niya at pinapanood ko lang siya na nagsasalita.
There are also times when I asked him favors, siya pa ang nagte-thank you imbes na ako. Well, nagpapasalamat naman ako. Hindi nga lang ako makapag-i love you, baka mamis interpret. Kapag may mga pinapakausap din siya sa akin, palagi siyang nagte-thank you, pati na rin ang mga job na siya ang kumukuha para magpa process, nag te- thank you pa rin siya sa akin! Sinita ko na talaga siya one time, dahil nag thank you siya sa job na siya naman ang gagawa. Nag smile sa tanong ko. Ang weird naman, but I like it...
Sa 30 minutes na tinagal ng page-explain niya sa akin ng trabaho, napansin ko rin na na conscious siya sa mga titig ko. I know how to read body language. Kinakamot ang ilong, nililiitan ang buka ng bibig, inaartehan ang salita, ano pa ba? Pero tumitingin pa rin siya sa eyes ko. At kapag ako naman na ang magsasalita, inaalis ko ang tingin sa eyes niya dahil nahihiya ako. Sana, dumating naman ang time na makapag I love you ako at mai-hug siya!
Day 170, June 19: Ma-Katinko ang likod ko!

The weather is so sweet, ang sarap mag stay sa bed longer while reading a book, kaya lang may josok ako ngayon. May kateamate akong nag enroll para magaral ulit at kelangan niya ang weekend na off dahil yun ang sked ng klase niya. Straight 7 days na naman ako nito sa work, dapat 9 days pa, but I requested na i- off ako ng Tuesday para naman makapagpahinga ang beauty ko. Kahit split na, okay lang, pero mapilit si ser na wag na daw split dahil mahihirapan ako. So, Tues and Wed na ang bago kong off. This would probably go on for three months.
Hindi naman ako mag-isa natira sa ofez, kasama ko ang kasamahan kong bago na itago na lang natin sa nemsung na Lanie. Ang sweet ni aunteh kanina dahil ginivlove niya ako ng chocolate na Kitkat na binili niya from 7 eleven. Maharlika!
Siyempre, kaming dalawa lang ang natira. Nagbilin si ser na if there's any problem, tawagan daw namin siya. Nagbigay pa ng instructions para matawagan siya sa kanyang silpown straight from the landline ng office. Nag back up na ako ng lowd just in kez na magkaproblema, load ko at silpown na lang gamitin. :D
At para naman akong may balat sa pwet na may nangyari na namang aberya, but slight lang naman, but kahit na. Kelangan pa namin i-consult kay ser. Ako na sana ang tatawag, kaya lang naunahan ako nung isang pang 3rd shift na ka-close niya. Biglang kinol na ni ate si ser at siya na ang nakipagchikahan. Okay payn. Pero hindi naman ako nasawi, dahil may follow up question kami, kaya nagkaron na ako ng chance na tumawag. 36 seconds lang ang duration, hmp. Eh 50 minutes yung free call ko. Di bale, magagamit ko pa naman itetch bukas. Sana, may mga aberya para super phone patch lang ako kay ser.
Nakapang asar pa rin pa naman ako sa text. Around 10am, hindi kami nagtetext sa kanya ng kahit anes, siya na ang nangamusta kung okay pa ba kami. Nakakapag taka lang, alam naman niyang bitbit ko ang Globe kong number, sa Sun number ko pa siya nagtext. Sinabi ko na naglalaslas na ako ng carotid pulse at yung kasama ko, ininom na ang kanyang Katinko alcohol. Tumambling siya sa reply ko dahil di siya nakapagreply agad at pinagisipan niya ang kanyang reply na konti na lang daw ang Katinko Alcohol niya, ininom pa. Weh, ang corny naman! Todo na ba yan? Dapat, gayahin na niya ang style ko na kinabukasan na nagrereply para hindi naman masyadong halata.
Hahaha!







0 comments:
Post a Comment