Project 365: Day 171

June 20. Day 171: Super Combo





I've been wanting to blog about this guy (hindi naman bagong prospect, though cute siya!) and I am just waiting for the right time to do it at sa tingin ko ngayon na yun.

I had this impression na hindi niya ako beth tamayo dahil kapag uuwi na siya at magpapaalam siya sa lahat ng kasama ko, ini-skip niya ako. I wonder why, kahit naman busy kami, may time naman ako na i-acknowledge ang mga nagpapaalam umuwi. Nahe-hurt lang ang feelings ko kasi, cute siya saka dineadma niya ako.

But I remained nice to him, wala naman akong proof sa mga assumptions ko. Then, something happened today.

Let's just say na pinagbilinan niya akong i-monitor ang kanyang running job dahil tapos na ang shift niya at alam naman niyang wala akong kaalam-alam dun. Imbes na sa kasama ko ipagbilin ang running job (mas nauna yun ng two weeks sa akin, pareho kaming bago), sa akin pa! Usual na ang pagte-turn over ng mga running jobs, madalas na oras ang bibilangin para matapos na i-run yun.

Iniwan pa niya ang kanyang cellphone number para kapag nagkaron ng problema, itext ko lang daw siya at tatawagan niya ako. Nagulat ako and at the same time, natuwa naman ako dahil mali ang mga assumptions ko sa kanya! Masyado lang siguro ako nahe-hurt dun sa mga taong hindi ako gusto dahil I always wanted to be known as the nicest person na makikilala nila (meganun?).

In an instant, nagkaron ako ng katextmate at ka phone patch na rin at the same time. Nagkapalitan na rin kami ng Sun number. Ang combo kong niregister kahapon ng tanghali sa Globe ay nagamit ko pa ng bonggacious kanina. Akala ko, masasayang lang. Sulit na sulit kanina.

Hindi ko pa rin naman ipagpapalit si Heartbeat ko siyempre. Mga 6:30 pa lang ng umaga, nag text na siya para kamustahin ulit kami. Hmmm, bakit naman kaya ang aga-aga nun magtext? At sa Sun number ko na naman siya nagtext. Sinabi ko na sa Globe na lang kami magpalitan ng mensahe dahil dala ko naman ang phone ko.

At parang meron talaga akong balat sa pwet eh. May nangyari na naman na slight na problem kaya kelangan siyang tawagan. Hindi naman ako yung naka encounter ng problem, kaya hindi na ako yung nakipag phone patch sa kanya. Pero nung narinig ko naman yung boses niya, kinilig na ako. Ang bukod tanging nabanggit ko lang ay "Hello po! Wait lang po!" Ang chaka, nakakainis. Can I be better than that? Nahihiya rin akong kausapin siya through phone dahil baka may mga sabihin siya na hindi magregister sa utak ko dahil lutang na naman ako. Para kasing kuryente ang boses niya na dumadaloy sa katawan ko kapag naririnig ko na.

Nakagawa din naman ako ng paraan para mapasalamatan siya and napaka nice niya talaga, even through text. Nagpapasalamat ako sa kanya ng bongga sa text, pero hindi niya makalimutan na mag thank you back. Bakit ba wala pa siyang girlfriend, eh ang bait-bait naman niya? Mataas din siguro ang standards niya, parang tulad sa akin. Hahaha!

Inacknowledge niya na restday ko bukas, kaya naisip ko na sabihin na buti makakapagpahinga na ako dahil haggard na ako at buti na lang, beauty pa rin. Akala ko naman, magre-react siya, sabi niya, enjoy ko lang daw yung restday ko. Hindi niya nakuha yung punchline ko? Hmppppp!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment