Project 365: Day 172 - 174

Day 172, June 21: Ole



Napapansin ko na suki akong mag-straight ng more than 5 days sa work, pero wala lang naman sa akin yun. Papayag na sana ako mag 9 straight days, kaya lang ang outfit ko eh for 5 days lang. Kailangan ko ng one day for wash day at ni-request ko yun sa aking pinakamamahal na ser, si Heartbeat. Pumayag siya, pero ituloy ko na daw ang 2 straight days off dahil baka mahirapan daw ako. Kaya each and everyday, lalo kong minamahal si Heartbeat.

Dahil wala naman akong masyadong gagawin kundi maglaba ng off ko, triny ko itong bagong pasta sauce from Clara Ole with three-cheese sa aking pasta dish. Meron din akong nakita na Carbonara sauce, but hindi ko masyadong bet ang white sauce. Maiba lang. Ilang araw na rin naman ako nag "special diet" na I will tackle on my next posts (gumaganun), it's time to indulge naman.


Day 173, June 22: Sour Gummy Gecko



Jaybob has DVD rips of the two of movies I wanted to watch - The Adjustment Bureau starring Matt Damon and Emily Blunt and Unknown led by Liam Neeson. Sorry, kuripot talaga ako. If I really wanted to watch the movie in the big screen, if it's worth spending the money. Hahaha.

TAB is quite disappointing. Siyempre, di ko na iri-reveal dito ang plot at kung bakit why. Bakit na nga, why pa? Nagustuhan ko ang movie ni Liam na Taken. The story is not something new, but nagustuhan ko ang pagkaka execute ng kwento (gumaganon) at parang ganun din itong Unknown. Favorite actor ko na siya sa mga suspense/action movies.

Lately, naging hobby ko na rin ang pagnguya ng Sour Gummy food kahit worms or gecko pa yan, basta sour na may sugar bits, bet na bet ko yan. Lagi kasing may pasalubong si mom (mom talaga ha? nagji-jeep lang naman ako) ng isang plastik ng ganyan tuwing gabi kaya paggising ko, yan na ang midnight dinner/snack ko. Masarap din pala itetch.


Day 174, June 23: Words Per Minute




Siyempre, saan pa ba ako magiging excited kundi sa pagpasok on first day of work dahil ibig sabihin nun, makikita ko na ulit si ser. Medyo nagsuplado pa siya kanina kasi super deadma siya sa akin pagdating niya, pero nung may naisip na siyang i-chika, nilapitan niya ako para personal nang ikwento yun kahit pa na narinig ko na ang chika dahil ang lakas-lakas ng boses niya.

I don't want to burst his bubbles, pero inunahan ko na siya at sinabi ko na matagal ng na i-post ang video na yun at matagal ko nang napanood. Napanood ko yun sa blog ni Chico at para malaman kung ano ang pinaguusapan namin, please go to this link.

Mga ganyan pa namang videos ang type na type ni ser. Parang naririnig ko pa ang mga halakhak sa kanyang mga labi dahil bentang-benta sa kanya ang naganap sa video. I'm sure, hindi agad makakapag move on si ser at ikukwento niya pa yan sa mga ninuno niya.

Nagkaron kami ng mini activity kanina, courtesy of me dahil sa sobrang bored na bored kami sa aming mga ginagawa. Dine-dare nila ako na mag typing speed test sa Google dahil gusto nila malaman ang aking words per minute, pero dahil alam ko na ang mga halatsa ng bituka nila, I declined the offer. Sabi ko agad na busy ako, wag silang magulo at sinabihan ako ni ser na masunget. Oh my gums, nobody has ever said masunget to me, suplada, oo meron na. Pero masunget? Gash! Dali-dali namang lumambot ang puso ko kaya sabi ko, mag typing test kami ng sabay-sabay, si ser, ako at ang kasama namin na isa pa na gusto kong itago sa nemsung na Marky Cielo. Iisang website ang aming pinuntahan at sabay-sabay kaming nagtitipa sa keyboard upang malaman kung sino pinakamabilis. Damang-dama ko ang kaligayahan ni ser habang ginagawa namin yun dahil tawang tawa siya sa sarili niya. Siya ang pang 3rd place sa amin.

Nalaman ko rin pala kanina na left handed si ser, nagulat siya nung nalaman na left handed ako at hindi naman ako nagpahalata na nagulat ako nung nalaman ko na left handed siya. Bwahahaha. Kanina, may tinuro na naman siyang job process at sana palaging ganun na lang para naman palagi niya ako tatabihan at tuturuan. This kind of day are the days I am looking forward para makapiling si ser. I wonder, malaman niya pa kaya na may gusto ako sa kanya at ano naman magiging reaction niya kapag nalaman niya?

At kanina pala, bago ko nakalimutan, nagpaalam siyang bibili ng fudang sa baba ng mga quarter to 6am, ng biglang may natanggap akong text. Si ser nagtext para sabihing yung crush kong boylet, nakita niya sa pantry (not Mr. Beso, of course!) Weh, di nga? Nag effort magtext dahil alam niyang crush ko? Ang reply ko, "oh eh ano naman ngayon?" Super explain na siya na baka daw gusto kong sabayan kumain sa pantry at kahit rice na lang ang order dahil may ulam na daw ako. Susko, ang luma-luma na ng punchline ni ser, kaya di pa nagkaka-gf. Nagreply na lang ako na kahit wag na, baka hindi lang ako makakain ng maayos. Eh paano kung sabihin ko na nung ika-4th day ko sa work, ay minahal ko na siya, itext niya kaya ako kung papasok na siya para naman makapag frefare ako? Hahaha.

Taena, ang ulan-ulan. Sirang sira ang porma ko. Nadaanan ko itong sign na ito along Cubao, di naman masyadong nakakatawa, pero natawa ako ng slight. Big Banners, na underneath, may sub na "house of tarpaulin". Kuhang kuha pa ang logo ng Big Brother. Hahaha!


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment