Project 365: Day 175 - 179

Day 175, June 24: Breaking Free From Compulsive Eating



Napansin ako ng boss kong babae na pumapayat daw ako (siyempre, hanggang batok ang smile ko) sabay tuck in ng hair and said, "Uy, hindi naman po masyado...". Well, kung si Heartbeat pa ang magsasabi niyan, baka matunaw na ako. Chos! Truly naman na I have lost 3 kilos sa timbangan ko (sana, hindi sira). May mga outfit din naman ako na nagkakasya na sa akin na for how many years ko nang hindi sinusuot dahil masikip. Ang landi ko di ba? Kahit nga bumabagyo ngayong araw na ito, nakuha ko pang magpa cute by wearing an outfit na effect lang isuot kapag hindi malaki ang tiyan ko. Dapat yun yung pica na ipo-post ko, kaya lang nung inupload ko na, na corrupt at na-delete na sa aking phone patch. Sayang, ang cute ko pa naman today!

Speaking of Heartbeat, dahil siya lang naman ang laman ng blog ko, medyo busy siya today. Pagjosok niya kanina, naka pink siyang t-shirt. Mga 7am, biglang nawala si ser. Umuulan pa nun at medyo nate-tense na kaming mga alaga niya dahil anong petsa na, hindi pa siya bumabalik. Mga 9:10 na siya nakabalik, at naka black shirt na siya! Kaloka, saan kaya siya nanggaling?

Dapat tatanungin ko siya, pero may nakapag kwento na sa akin na tinutulungan niya daw maglipat gamit dahil lilipat ng bahay ang boss naming babae. Nagre-rent sila sa harapan ng office kaya tumatawid lang sila kapag pumapasok. Ang chika daw ay medyo mahalya ang cost ng kanilang apartment, kaya lumipat sila sa mura. Pansin ko lang huh, palagi siyang nauutusan o nahihingan ng favor. Buong puso siyang tumutulong sa mga nangangailangan.

Nung kaming dalawa ang napagisa (ay ang labo!) I mean, kaming dalawa ang natira sa loob ng office, (yung mga kasama namin nag cr) dapat papunta na ako ng cr para mag toothbrush nang bigla niya akong harangin para kwentuhan nang naganap sa kanya kahapon na kesyo nadulas daw siya sa cr after niya mag swimming. Ba't di niya pa kinuwento nung lumalafang kami sa pantry? Napakagandang topic of conversation yun. Ayan, napachika din ako at kinuwento ko naman ang nangyari sa akin nung natapilok ako 2 years ago. Nakabalik na ang isa dahil tapos na siya mag toothbrush at ako naman ay palabas pa lang. If I know, gusto lang ako masolo ni ser.



Day 176, June 25: Ma. Regina Cristina Jenny Gail Manio Pili




Sorry, nagkaron ng pictorial today at hindi ako masyadong prepared. Naka hide ang mga tagged picas ko sa fezbuk at dito ko na lang ipo-post ang mga pictorial ko. Musta naman ang pagkakasmile ko diyan.

I am still looking forward sa aming first picture ni Heartbeat together. Parang yung first picture lang namin ni..................... ni Third. Bakit ba ako nagba blush? Chos. Noong crush ko pa siya (well, crush ko pa rin siya ngayon, pero mas crush ko si Heartbeat), nag wish ako na sana, magkaron kami ng picture together. At hindi ko naman inaasahan na ang isang picture together ay nasundan ng 100++ plus pictures together. Sorry, I lost count. Ang dami na kasi. Sana matupad yung sa amin ni Heartbeat one day.

Sakto naman kanina, inaasar ako ni Heartbeat about my name. Siguro, matagal niya ring pinagisipan yun dahil lumapit na lang siya sa akin para sabihin na ba't hindi ko daw ginagamit ang nemsung kong "Diana" o baka yun naman daw ang tawag sa akin before at hindi ko lang daw ginagamit today. Makielam ba? Tinanong niya ako kung kelan daw ako sinumulang tawaging "Deejay". Nagstart yun nung highschool, habang nanonood kaming magclassmates ng music video ng BSB (kaya malapit sa puso ko ang BSB) when one of my classmates blurted out na cute daw ang name kong "dj". She's been calling me "dee" for the longest time, kaya dinugtungan niya na lang ng second inital kong "J". Ang kyot di ba, pero hindi ko na kinuwento yan kasi ang haba. Nagulat na lang siya nang binanggit ko ang pangalan ni Maria Regina Cristina Jenny Gail Manio Pili dahil narinig na rin pala niya ito. Ba't ko daw kabisado? Eh alangan namang hindi ko kabisaduhin eh magpapabibo nga ako de vah? "Teacher, just call me Rej. Nickname ko yun!"




Day 177, June 26: Gigi-green La-la-lantern!



It's weekend once again and home alone na naman kami ni Lanie sa ofez. Wala pa ring text si ser, alas 10am na. Wala pa rin kaming nagiging problem, or so I thought nang biglang magkaron ng dahilan para i-text ko siya. Tinanong ko muna kung pwede ko siyang ma istorbo, at nagreply naman siya agad. Pinansin ko na rin ang reply niya na "Tnx din" sa mga text kong "Salamat pow!" Nagpapansin lang naman ako. Sabi ko, dapat "You're welcome!" ang reply niya sa mga pasasalamat ko. Medyo ayoko namang seryoso ang aming texting mode, kaya nagmala jejemon ako magreply at yung sumunod na niyang reply ay "Ur welcome fo!" Uyyyyyyyyyyyy...

Buti naman, nayaya ako ni ateng na maglamyerda 'coz I really need a break today. Dapat may rampa akong pupuntahan kahapon, kaya lang dahil may bagyo, di kami natuloy. So, we went off to Mega to watch a movie. Sa Cinema 6 daw, ay rectilinear and ergonomic ang seats. 10 pesos lang naman ang difference sa regular (180 regular seats) so bumili na kami ng tickets for Green Lantern. We found out pagjosok namin sa loob, sa De luxe sa harapan lang pala ang mga rectilinear seats at hindi lahat ng chairs. Hindi man lang sinabi nung ticket lady na yun lang pala ang part na yun eh di sana yun ang pinili naming chairs. Kaazar.

Ang ganda ng katawan ni Ryan Reynolds. I really wonder why naghiwalay sila ni ScarJo. Corny lang ang story at walang chemistry sila ni Blake Lively. Is it just me dahil hindi ko masyadong bet si Blake?

Balak ko rin ikwento dito ang Ice Blended Choco with Nota ng Quick Chill kaya lang hindi ko alam kung paano sisimulan. Nata naman talaga yan, pero dahil may pagka green ang mind ko dahil manonood kami ng something green, Nota ang pagkakabasa ko sa Nata. At dahil hindi na rin kami makapagsalita ni ateng dahil tawang-tawa na kami, tinuro ko na lang sa service crew na yung Ice Blended Choco with Nata ang aming order.



Day 178, June 27: No Text



Dahil basag ako kahapon, pagkadating na pagkadating sa office, natulog agad ako. Mga one hour lang naman, habang antok na antok ako para naman ma recharge ako. Hindi pa nakain ang mga brownies na tinake home ko from yesterday kaya nagdala ako ng some for baon at nung inalok ko sa kasama ko, yung malaking piece pa ang kinuha niya ha! Hahaha!

Nagaantay din naman ako nang magiging sablay from today's work, para magkaron ako ng reason para i-text si Heartbeat. But sad to say, wala eh. Namiss ko siya for today. Three days na lang kami nagkikita sa office. Inistalk ko na lang siya everyday sa fezbuk. Baka may mag tag sa kanya ng photos from his weekend lakad o takbo at siyempre, di ko nakakalimutang mang grab. :)

I just remember, did I mention already na sinabi ni Heartbeat na kamukha ko si Khloe Kardashian? Wallpaper ko ang magkakapatid na K at apparently, witchikels niya knew ang mga hitad, so pinakilala ko pa isa-isa ang aking mga sisters at bigla niyang sinabi na kamukha ko daw si Khloe. Ows, kelan pa ako naging mestisa? Baka naman kamukha ko sa katawan. Hahaha!



Day 179, June 28: Thor's day.



I slept for 14 hours since yesterday, bumawi ako sa pagiging basag ko nung Sunday. When I woke up, I received a text from one of my ka-officemate. Akala ko nga si Heartbeat. Sana daw, hindi ko daw rest day today dahil may nagpalaps sa office. Mag three months pa lang ako sa office and I became friends and close to two people sa 3rd shift. Na touch ako sa mga texts nila na para bang hindi ko sila nakikita sa office everyday.

It's my wash day today. Dapat rarampa ako para makapagsunog ng pera sa mall, pero naisip ko na magpaka mongha na lang buong hapon para panoorin ang mga series and movies na dinownload ko for the week. Hindi ko napanood ang Thor sa bigscreen, kaya ayan naman siya sa aking lappy screen, kasama ang Cheetos Jalapeno at mga marshmallow na grinocery ko pa kahapon. Ang hot ni Thor. Ang laki-laki niya. Pangarap ko siyang jackpot lotto.

Hay. I really miss my Heartbeat. Kamusta na kaya siya?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment