June 29, Day 180: Manang Corazon
Bet na bet ko talaga ang manang corazon blouses nowadays dahil mukhang pagirl ang mga nagsusuot ng ganitong outfit. I can't remember if I wear this kind of top before, parang hindi yata. Hindi bagay sa akin ang mga sheer floral tops dahil magmumukha akong attend ng Commencement Excercises o magni-ninang sa kasal. Parang same style lang ng mga design ni Boyet Fajardo.
Simula ng naging endorser ng Paper Dolls si Pia G., hindi na ako bumibili ng tops from PD. May nakapagsabi naman sa akin na pati si Susan Africa, naging endorser ng Paper Dolls. Mas okay na siya, kesa naman kay Papaya Guanio! Nung nakapag mall kami ni ateng, ba't parang ang gaganda ng sheer floral tops ng PD? Hindi talaga ako makakapagmove on hangga't hindi ako makakabayla ng kahit isa. Nasa 1K pa naman ang halaga nun.Hindi ko rin naman binili ang top na ito kasi.. Wala lang! Parang hindi ko pa maisip kung saan ko isusuot. Meganun?

First day ulit sa work and I am so looking forward na pumasok dahil excited ako sa mga magiging moments namin ni Heartbeat. Hindi naman niya ako binigo dahil maraming-marami akong ite-treasure for this day at dito ko na lang sa online journal ko isusulat.
June 30, 2011
Dearest Journal,
Naks! Pwede na! Medyo lang naman ang ini-effort kong suot kanina. Parang aattend lang ako ng stockholder's meeting ng Daoming corporation dahil naka "coat" pa daw ako, eh blazer na cute lang naman ang suot ko. Sinuot ko na yun nang alam kong parating na ang my one and only ko. Sino pa ba, kundi si Heartbeat.
Medyo suplado si Heartbeat kanina. Pagdating ko, hindi na naman siya namamansin, kahit medyo maingay na ako dahil sa isang komosyon na nagaganap - inaasar ako ng mga ka-officemate ko sa bakling na katabi ko! Ewan ko kung bakit ako napagtripan for this day at tinanong ako ng badessa na katabi ko kung single pa daw ako. Nakakalowka ha! Ba't naman ako pinagtitripan eh hindi pa nila alam na mahilig din ako mang trip? Tuksuhan at kabila- kabila ang asaran, pero nananatiling tahimik si Heartbeat. Meron din kasing kailangang asikasuhin, pero ano yun? Wala siyang time mang asar eh yun nga ang goal niya everyday, makapang asar? Hindi kaya nagselos si Heartbeat?
Nung umalis na ang mga nangaasar at naiwan kaming dalawa, dun lang ako kinausap ni Heartbeat tungkol sa badessa na inaasar sa akin. Nung sinabi daw ni badet na may itatanong siya akin, sabi ni Heartbeat, gusto daw niya humirit ng "may gusto din daw itanong si Deejay sayo.." at ang tanong ko daw ay kung tunay nga bang badet siya! Nakakaloka! Bigla niya ring naisip ang naiisip ko? Hahaha! Nang nagkakasarapan na ang aming kwentuhan, amatanan namin na may nakakarinig pala ng aming "sikretong" conversation kaya minabuti na lang namin na idaan sa chat session. Pasensiya na kung medyo mahaba:
(5:13 PM) dj: pareho lang kami ng type
(5:13 PM) dj: lalake din hanap nun!
(5:13 PM) Sir Rej: weh?
(5:13 PM) Sir Rej: may gf ata yun eh
(5:13 PM) dj: hindi totoo yun, front act lang yun
(5:14 PM) Sir Rej: bintangera.. hehehe
(5:14 PM) dj: yan ang tutuklasin ng team ko
(5:14 PM) Sir Rej: haha sige sige
(5:14 PM) dj: ikaw nga diyan, at least di ko pa natanong ko na kung pareho ba kami ng type
(5:15 PM) Sir Rej: natanong mo?
(5:15 PM) Sir Rej: eh baka kala joke lang
(5:15 PM) dj: saka malabong hindi type nun lalaki, dami ko ebidensya
(5:15 PM) Sir Rej: talaga.. hehehe
(5:15 PM) Sir Rej: sayang! bagay pa naman kayo
(5:16 PM) dj: hindi ko pa nga natatanong. may kilala kasi ako. may gf siya tapos nagpakasal pa sila. pero lalake din naman type niya
(5:16 PM) dj: wehhhhhhhhhhh? di nga????????????????????/
(5:16 PM) dj: straight ako!
(5:16 PM) dj: hahahahahahahahaha!
(5:16 PM) Sir Rej: oo pareho kayo nakasalamin! hahaa
(5:16 PM) darquero: gagu, yun lang yun?
(5:16 PM) Sir Rej: oo yun lang hahah
(5:16 PM) dj: eh mas maarte pa nga yun sa akin eh
(5:16 PM) dj: sinabihan ako nun balat kalabaw, ahahahaha!
(5:17 PM) Sir Rej: ok lang yun... kaya nga bagay kayo para balance!
(5:17 PM) dj: tapos si lanie sinabihan na kelangan daw niyang maghilod. ahahahaha!
(5:17 PM) Sir Rej: ndi maarte + maarte
(5:17 PM) Sir Rej: huh?
(5:17 PM) Sir Rej: bakit?
(5:17 PM) dj: yuck, anong balance dun?
(5:17 PM) dj: yung kay lanie? eh kasi makati likod niya, pinapakamot sa akin. nakita niya, kaya ayun sinabihan niya maghilod daw si lanie
(5:18 PM) Sir Rej: hahaha
(5:18 PM) Sir Rej: baka joke lang yun
(5:18 PM) Sir Rej: nangtrip lang
(5:18 PM) dj: yung sa akin naman, niloloko ko lang na ginagamit ko yung jacket niya, sabi niya wag na daw ako mag jacket kasi balat kalabaw naman daw ako
(5:18 PM) dj: oo naman, pero hello! humihirit ng ganun?
(5:18 PM) dj: parang ikaw lang.. teka
(5:18 PM) dj: ikaw ba?
(5:19 PM) dj: ahahahahahhahahahah!
(5:19 PM) Sir Rej: parang ndi naman bading pag ganun... mejo bastos lang
(5:19 PM) Sir Rej: hehehe
(5:19 PM) Sir Rej: anung parang ako.??
(5:19 PM) Sir Rej: ang bait ko nga eh!
(5:19 PM) dj: hindi rin. madami akong badet na friends, kabisado ko na mga halatsa ng bituka nila
(5:20 PM) dj: nyek, okrayero ka kaya! isa sa mga katangian ng mga badet
(5:20 PM) dj: hahahahhaha!
(5:20 PM) Sir Rej: hahaha... di yun.... malakas lang talga ko mag-trip hehehe
(5:20 PM) dj: di rin! hahahahaha!
(5:21 PM) dj: madali na akong makaamoy ng ganun no
(5:21 PM) Sir Rej: kahit may sipon?
(5:22 PM) dj: anong sipon????
(5:22 PM) dj: sabihin mo nga minsan kay (name of badessa), tol, trip tayo
(5:22 PM) Sir Rej: malakas ka makaamoy kahit may sipon?
(5:22 PM) dj: dali ha!
(5:22 PM) dj: ay ang corny naman ng joke mo
(5:22 PM) dj: di man lang ako natawa
(5:22 PM) Sir Rej: ano utu-uto?
(5:23 PM) Sir Rej: bakit ko sasabihin yun
(5:23 PM) Sir Rej: hehehe
Naputol ang aming convo sa messenger when we found out that the coast is clear. Sabi ni Ser, hindi niya daw sasabihin dahil baka bigla daw pumayag na mag trip sila at mapasubo siya. Hahahahaha!
~*~
Hindi ko na nasusubaybayan ang The Morning Rush dahil kapag off ko, nanonood ako ng mga movies/series sa umaga na hindi ko magawa sa hapon dahil marami akong ginagawa. Kapag nasa office naman, kapag nagkakasarapan kami ng kwentuhan ni Heartbeat, ipinagpapalit ko sina Chico and Delle every morning sa mga juicy convo ng aking boss. Buti naman, tatlo lang kami kanina at yung isa naming kasama ay minabuti pang makinig sa kanyang mga music kesa sumali sa aming usapan.
From chichirya to alcoholic drinks. At madami pang ibang topic. Ang paborito niya daw na liquor ay ang Tanduay ice at mukhang sa mga sinasabi niya, hindi na siya babalik ng San Mig Light. I must say good choice, dahil favorite ko ang Tanduay ice ngayon.
Natouch din namin ang topic na buntis si Andi ngayon. Musta naman. Siya lang ang kilala kong boylet na mahilig sa showbusiness hah.
And before I forgot, may bagong boylet ngayon sa Helpdesk at first week niya ngayon. Di ko alam na may opening pala. Habang naguusap kami ni Ser, napatingin ako kay boylet ng slight dahil medyo effect siya, sabay balik-tingin ulit kay Ser. Aba'y nagalit. Ba't daw ako nakatitig dun sa lalake, dapat naka-focus ako sa kanya with eye-to-eye contact kapag nakikipagusap sa kanya. Muntik na akong gumulong sa floor nun, kung alam niya lang. Bet na bet nila ako na ipakilala sa bagong boylet, pero sabi ko bukas na lang para makapag prepare ako. Kelangang maipa-dry clean na ang aking gown at dapat makapag full make up at nakapag pa-parlor para maipakilala.
Pero kahit wag na de vah? Kay Heartbeat lang ang puso ko....






0 comments:
Post a Comment