Project 365: Day 182 - 185

Day 182. July 01. Billboard



Ambilis naman ng panahon, July na ulit and I just remember, hindi ko pa pala nababasa ang aking horoscope for the month of July. Ang pinaka-aabangan ko lang naman na portion ay ang love life para naman frefared ako just in case matatagpuan ko na pala ang lalakeng magpapatibok ng pihikan kong heart.

Habang nagba-browse ng mga kung anek-anek sa office, tumambad sa akin ang pica ng Phil Rugby Team na naka-display pala sa Guadalupe! Putek, araw-araw kong binabaybay ang tulay na yan, ba't hindi ko man lang na-notice ang kanilang nagsasarapan, este naglalakihang billboard? Medyo malayo ang kuha nila, pero heto ang mga pica nila kapag na-i close up:



Vetter di ba? May mga kuha pa nga sila na ipi-peekabo nila yung kanilang mga tinatagong kabakatan, pero na scared ako habang binabrowse ko yun kaya napatili ako sa station ko.

Siya namang gulat ng my one and only, ehem, Heartbeat dahil narinig niya ang tili ko. Lumapit siya sa akin dahil na curious siya kung bakit ako maingay na parang kinikilig at excited. At nang makita niya ang mga naka briefs na mga hombre na sinisipat ko, eh napatili din siya... Chos! Sinabihan ba naman ako na ang balon ko daw, baka inaaagiw daw. At grabe daw ako dahil ginawa kong wallpaper ng computer ko ang pica nila. Makielam ba? Eh siya nga diyan, si Karylle pa rin ang wallpaper sa pc niya. Ano ba magandang hirit kapag sinabihang baka magsara na raw ang balon ko. Hindi ko naman sinabing kakabukas nga lang eh, isasara agad! Hahaha! Baka sabihin, manyak ako.





Day 183. July 02. Mga Panget.




After ofez hours, pumunta ako along with my mom and my sis sa baler ng mga panget kong mga pamangkin. Miss na miss na sila ng aking mom coz she insisted na pumunta kami, plus, sweldo pa ni sister, kaya siya ang dapat magti-treat sa kanila na ako rin naman ang gumastos. Hay, ako na lang palagi... Napagkamalan pa ako sa office na may ka-date dahil kumakaripas ang paa ko sa pagpatak ng saktong chuwelve para makaalis ng maaga at makauwi ng maaga.

OH, how time flies. Si Kikay (left) mahaba na ang hair. The last time I met them ay nung birthday ko pa. As usual, maitim pa rin siya. Hindi na siya pumuti. Wahaha! Si Yana, (right) ay tumaba. Parang naging square ang mukha at mukhang lumaki siya ng 0.5cm. Haha! Siya ang pinakamaldita sa kanilang magkakapatid and I'm glad that she has improved. Hindi na siya mairitahin at malambing na siya. Pagkadating na pagkadating ko pa lang, nakasabit na siya sa akin at mukhang ayaw nang kumawala pa. The last and definitely not the least, ay si baby boy Kristoff. Ang chaka talaga ng palayaw niyang Jojing, pero bet na bet ko talaga itong baby na ito dahil maaliwalas siya. Yung nga lang, naiiyak siya pagkita sa amin dahil wit niya kami knows, pero tumatawa din naman siya kapag hindi namin kinakarga. 8 months na siya. I miss them so much. Nakakamiss ang walang bagets sa bahay na nakaka highblood at the same time. We'll go back at the end of the month.





Day 184. July 03. Heartbeat





All the while I thought na hindi naman napapansin ng mga utaw sa ofez ang mga status ko sa fezbuk ng may isang bumati sa akin. Kung ano-ano daw ang status ko at bigla niyang binanggit si "Heartbeat". Muntik na talaga akong takasan ng anino ko. Weh? Na-tense ako for a moment dahil may mga nakikibasa pala sa office. Kahapon pa nila mini-mention si Heartbeat, but buti na lang hindi nila tinatanong kung sino. At buti na lang din, hindi nila tinanong nung present na si Heartbeat. Hindi ko na alam kung paano ko sasagutin itetch ng hindi naman halata kung sino.



Bentang-benta sa kanila ang stat kong yan. Sinabi ko na lang na nabasa ko sa forum at natawa ako kaya pinost ko. PERO, yang post na yan ay yung magkatext kami ikina-yesterday ni Heartbeat dahil naiwan ko ang aking coin purse. Kinabukasan ko na ipinost para hindi halata dahil hindi na ako nagreply sa text niya dahil hindi ko na alam ang ire-reply ko. Hahahahahahaha! Ang landi!

Kanina, napadaan ako sa Mega at sale pala. Nagba-browse ako sa Booksale and boy, ang dami kong gustong bilhin! Bibilhin ko na rin sana itong novel by Danielle Steel, kaya lang di ko nagustuhan ang plot. It's weekend once again kaya namiss ko si Heartbeat today, pero natawagan ko naman siya dahil may major issue na naman kami na hindi namin alam ang gagawin. Yung kasama ko na ang pinapakausap ko dahil siya ang nagtakbo ng job na nagka-issue at dahil lowd ko na naman ang ginamit, pero wala lang naman sa akin yun! Willing naman ako mag combo20 every weekend, basta ba yung lowd ko ang gagamitin pang text and call kay ser.

Dahil gusto kong marinig ang voice niya, eh di super emeps ako at kinausap ko siya. Ayan! Dahil hindi ko naman alam masyado ang commotion, nabawasan ang beauty card ko! Kainis. Hindi ko na nga uulitin itetch at hindi na naman ako makapag move on. Hahahahaha!




Day 185. July 04. Tricycle




I'll be working straight 8 days from last week up to this week para makuha ko ang Fri and Sat kong off. Ang bait ko, di ba? Pumapayag ako sa ganitong set up, but it's okay. Aysus, wala lang naman sa akin yun. Basta para kay sir...

Kanina, nagkaron na naman ng dahilan para ma-utilized ang aking natirang combo20 para kay ser. Halos 10 minutes na phone patch din yun at feeling ng kasama ko, naka unli kami dahil pinagaantay niya pa sa kabilang line si ser. Hindi kasi ako ang nara-run ng job. Hindi na ako nag attempt kumausap di ba, dahil ayoko na mabawasan ang beauty card ko. Ewan ko kung sa sobrang tahimik sa office o sa sobrang lakas ng audio ng phone, rinig na rinig ko ang boses ni ser at nang background noise. May mga sasakyan sa paligid niya kaya napapacomment na lang ako na tumabi na muna siya sa daan baka mahagip siya. Alas 8am, nasa daan na siya? Akala ko kagigising niya pa lang dahil medyo matagal bago siya nakareply sa text kong "good morning".

Tumawag ulit si ser nang mag cr ang kasama ko kaya I have no choice, but to answer that call. Tamang-tama, nakikiusyoso ako kaya naka ready na ang mga dapat gawin ng bigyan ako ng instructions ni ser. Natanong ko pa kung bakit may mga narinig akong tricycle sa paligid. Nagpapasada ba siya? Extra income? Yun pala, tumatakbo siya at nung nag instruct siya na i-email sa kanya ang screenshot ng mga naganap sa ginagawa namin, tinakbo niya pauwi agad sa kanilang bahay. Akala ko, nasa apartment siya, yun pala nasa kanilang bahay siya sa Malabon. Ang dami kong nakuhang chika di ba, bago kami nag proceed sa job process. Hahaha! At para kaming lasing dahil lahat ng sabihin niya inuulit ko. Hindi ko naman ini-expect na laugh trip ang phone call na ito.

Ang sweet, kasi siya na ang tumawag sa akin at hindi na niya inaantay na ako ang tumawag sa kanya.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment