Day 186. July 05. Platito
First day of work ulit ni Heartbeat. My Tuesday morning started pretty well. As usual, looking forward akong pumasok dahil looking forward akong makita si Heartbeat. As usual, tahimik siya nung umaga. Parang suplado pa nga. But I guess, ganun siya every morning. Ako naman, topakin lang kapag bagong gising. Ayokong magsalita kapag kagigising ko lang.
That morning, for the past few weeks na hangin at tubig lang ang breakfast ko, naisipan namin ng kasama ko na lumaps sa mga karinderiang bukas just nearby the ofez! Nag-i-english pa ako, eh nagji-jeep lang naman ako! No wonder, masarap mag rent ng apartment sa Guada dahil maraming karinderya na mura ang tinda. Bet na bet kong lumaps ng pancit canton ngayong umaga at sa halagang 25 peysos, pang 2 people na nagda-diet ang pansit.
Nalaman ko na for this month of July, nag start na mag diet si Heartbeat in preparation for the hmm, hindi ko pa sure kung anong klaseng patimpalak ang sasalihan niya for August. He works out everyday. Takbo, swimming, ewan ko kung pati biking. Ang bf niya sa morning ay oatmeal, one full meal sa tanghali at crackers sa gabi so that he would stay in shape! Hanep sa dedication! Mukhang mauunahan pa ako ni ser na mag trim down dahil ako naman, pang sixth day ko na pumapasok. Medyo wasak na ako, pero nabubuo kapag nag smile siya sa akin.
When our lunchtime came, nag half rice lang ako. Naks! Very rare ang mag half rice ako, eh sobrang busog lang naman ako kasi nasa dibdib ko pa ang pansit na nilafang ko.
Speaking of apartment, napagkwentuhan namin na huminto ang jeep na lulan ko this morning dahil malambot ang gulong at kelangan pang mag stop by para magpahangin. Eh juice ko po, kung aantayin ko pang mahanginan ng buo ang gulong, male late ako! Buti na lang, isang tumbling from the vulcanizing shop, eh yung ofez building na. Tatawid na lang ako, at yun na. Sinuong ko ang daan habang kinikilatis ang mga establishments at napansin ko, na bukod sa karinderya at apartment, maraming beerhouse sa gilid. Wahahaha! Hindi naman ako nasitsitan, dahil mga belat ang mga rumarampa sa daan para maghanap ng customer. Nabanggit ko yun kay ser at sabi niya, madalas siyang tawagin. Talaga lang ha! Buti sana kung magaganda daw yung mga kepyas na nagkalat, eh kahit sa madilim, hindi pa rin daw kagandahan. Parang ang gwapo naman niya ha! Medyo nahanginan ako sa kanya on that part. Parang nag 50-50 ang feelings ko sa kanya. Wahaha! Tinuro pa niya ang sosyal nilang apartment na tanaw na tanaw from the building dahil may third floor at color green. In fairview naman talaga, sila ang may pinaka mukhang sosyal na apartment.
At paguwi ko, hindi ko akalain na magkakaron ako ng life changing moment. Hindi ko akalaing on this day, 5th of July, itataga ko sa bato, eh makikita ko pala ang aking my ever one and only idol na lagi kong ini-stalk ang mga status sa fezbuk. Dyandyaraaaaannnn... No less than, Macho Platito! Putek na yan, of all the places, magkikita pa kami sa bus at nung na ispot-an ko siya at nagka eye to eye contact kami, natakot ako baka kasi makilala ako na mahilig mag like ng status niya! Eh takot akong mag comment, baka kasi ma-i-block ako eh! Wahahahahahaha! Gash, ganun pala ang feeling! Feeling ko, puede ko na siya i-unfriend sa fezbook! Wahahahaha!
Akala ko, matagal pa ang aming moment sa bus, kaya lang bumaba na siya sa Megamall. Magsho-shopping siguro. Pagkauwi ko ng baler, agad akong nag post sa wall niya at laking tuwa ko naman na kinonfirm niya na siya yun! Wahihihihihihihihihihi! Puede ko na rin pala siyang i-block sa FB ko!
Putakting yan. Ang dami kong chikabells.
Seventh day. I am close to being basag, but nakuha ko pang magpa cute dahil kelangan, maganda pa rin ako kapag napagmasdan ni ser.
Sa totoo lang, as if na hindi pinaplastik ko pa ang sarili ko (vice ganda mode) medyo nagsasawa na ako magkwento tungkol kay Heartbeat. Eh kasi naman, parang walang development. Palaging ganun. Aba! Umaasa na pala ako! Bukod sa pag stalk ng kanyang page everyday, chinecheck ko ang mga tagged pictures niya, baka kasi may bago. So para alam ko naman kung saan siya rumampa for this day.
Medyo na scared ako for my life kanina dahil may job ako na twice kong na process. Inisip ko, minor lang naman, but still, I am kinda scared for what I've done. Prone to errors ang aming job at kung minamalas ka nga naman, isang mali lang, malaking impact na. Hindi ko na sinabi kay ser dahil nahihiya ako. Ang tagal-tagal ko nang ginagawa, eh sasablay pa ako. Baka mabawasan ang beauty card ko.
Dahil alam kong tatamarin na ako bukas, ngayon na ako nag grocery ng mga gagamitin kong panglaba ng isang bundok kong labada. Kalowka. Ngayon na lang ako naka experienced ng natambakan ng maruruming damit, eh tumatanggap pa ako ng labada ng aming kapitbahay.
Naglimampung isip pa ako kanina habang binibili ang isang buong box na ito nang Cloud 9 Dark Choco with Cherry Pie Picache. Wala kasing mabili na singles, kelangan isang box. Nagda-diet daw eh no, gusto ko lang naman matikman kasi mukhang masarap.
Hindi naman ako nagsisi sa aking pagbili dahil, my gash! Sobrang sarap! Meron na naman akong pagsasawaan!
Dahil makulit ang mga kasama ko sa office, paulit-ulit nilang binabanggit ang "Heartbeat" kahit nandun na si "Heartbeat". Alam kong namumutla ako ng hindi naman noticable, but buti naman, hindi pa ganun ka interesado si ser sa aking life para itanong kung sino ba si Heartbeat sa buhay ko.
Day 188. July 07. Blessing in the sky

8th day. Basag. Sabog. Wala na rin akong pangmalakasan na outfit na masusuot for the day dahil pang 5 days lang ang aking outfit. Gash! Pero nagpa cute pa rin ako alang-alang sa aking image na inaalagaan.
Kaninang umaga, pagdating ni ser, eh mineeting agad siya ng kanilang supervisor. Medyo kinabahan ako. Naiisip ko ang gingawa ko kahapon at napaparaning ako kung ano ba pinaguusapan nila. Nang matapos ang meeting, nalaman ko na lang na baka magkaron sila nang adjustment sa kanilang si sked. Narinig ko, baka si ser, maging 6am - 3pm. May isang oras na nga kaming difference, mababawasan pa ang aming pagkikita?
It turned out na ang naging problema ay ang same job na ni-run ko, pero ang iba pang part nun na dapat i-run on a specified time, ay hindi natakbo on time. Thus, ang nasabon at napaliguan kanina ay ang supervisor ng shift na yun. Sa sobrang daldal ni ser, nabanggit na niya ito sa amin at napabasa niya pa ang email ng mga bosses tungkol dun. Sinabihan pa ako na wag ko daw na i-chika sa next shift yun at sinabihan ko siya na siya nga ang madaldal. Nasabihan tuloy ako na nag-heads up lang daw siya dahil baka magiba ang kanilang sked. Hahahhahahhahahahahha! Nakakainis naman! Tinabla ako!
Blessing in the sky, ika nga ni Melanie Marquez? Hindi rin. Dahil sa sobrang tense, medyo marami rin akong nagawang booboos kanina. Dahil ba straight 8 days akong jumosok ngayon? I swear, kapag nasa tabi ko na si ser at mali-mali ang ginagawa ko, nagiinit ang pakiramdam ko. Pinagpapawisan ako ng malapot.
Medyo nagsasawa na ako kay ser. Parang ayoko na siya maging crush. Parang gusto ko na lang siyang maging idol. Parang kay Platito lang.








0 comments:
Post a Comment