Day 197. July 18. Ang mga kaibigan ni Mama Susan

I remember the time when I became obsessed with Bob Ong's books. I have all the books, except for the Alamat ng Gubat dahil parang ang corny-corny. I still buy his books, kahit hindi ko na masyado trip ang mga pinagsusulat niya. The last book he wrote na nagustuhan ko ay ang Stainless Longganisa.
Kaninang paggising ko, nakita ko na lang sa tabi ng kama ko iteng nakabalot ba ng plastik. When I inquire, pasalubong pala ni bebe sister ang book. Wehh? Ang sweet naman ni aunteh, may mga ganun pang nalalaman! Kaya siguro ako binigyan dahil winala niya yung Ang Paboritong Libro ni Hudas kaya bumabawi at nakalimutan ko na rin i-follow up?
Tamang-tama, nasa reading mode ako ngayon kaya heto ang pampalipas oras ko sa sobrang busy kong time kanina sa office. Manipis naman ang book, tagalog pa, so I manage to finished it in 2 hours. Tip lang if you want to read this book, huwag sa gabi kung matatakutin ka and read it in an open space. Hehehe.
Hindi ko trip, but I must say naapektuhan ako in one way or another, kahit in two ways pa. Kaya lang, hindi ko bet itong book na ito.
Speaking of trip, medyo na 'bad trip' ako sa office dahil na rin sa mga problema na dumating kung kelan naman pauwi na ako, ako pa naman ang mag-turn over ng mga jobs. Na-bad trip ako sa job process na walang instructions kung paano gagawin, na bad trip ako sa isang tl na pinagtanungan ko na hindi naman alam ang gagawin (pero hindi naman si my heartbeat yun) at nabad trip ako sa nagmamarunong kong kasama na mas alam pa ang gagawin kesa sa mga sanay na dun. At dito ko sila dudurugin. Char!
Buti na lang, nandiyan si Heartbeat na to the rescue ko, kahit na naubusan ako ng lowd sa Globe kong number at tinetext ko siya gamit ang Sun, nagrereply pa rin siya. Saka ko na dudurugin itong mga kasama ko sa work kapag napuno na ako sa kanila. Charring!






0 comments:
Post a Comment