Project 365: Day 198 - 199

Day 198. July 19.Technical Support Rep





Heartbeat didn't fail me when I reminded him to bring his Windows installer last Sunday. Pagkapasok kanina, siya na ang lumapit para i-give love on Xmas day ang dvd. Nice! Tweety bird talaga? Mukhang hindi naman siya ang nag install ng OS na ito sa lappy niya, sabi niya nasa dvd na daw ang key code, eh diretso installation na naman. It didn't ask me to enter the product key. Akala ko, magiging happy na si bebe sister!

I have installed the Office programs and when it's time to set up the innernet connection, aba! Ayaw kumagat! Laging may error! Ang mga ganitong bagay ay madali na lang i-research via Google. But, it failed me. Ayaw ng mga sinasuggest na work around. When I checked the device manager, I found out na wala palang driver software installed for innernet connection.

And for that, ladies and gentlemen (meron ba? chos!) I've only slept for about 3 hours dahil nasira na ang tulog ko at hindi ako maka move on hangga't dina re-resolve ang problem. I just said to my bebe sis na painstallan na niya lang ng drivers sa mga IT sa kanila sa school dahil hindi ako ay hindi naman technician! Wahaha!



Day 199. July 20. Goodbye, Havey?




March 16. Binalikan ko ang aking entry kung kelan ko binayla iteng shinelas. Anong petsa pa lang, sira na? Natanggal ang bilog na hindi ko mai-describe, pero yun lang naman ang sira at hindi na pwedeng magamit pa. Nagamit ko naman itembang pagakyat sa mabatong bundok at ilang beses natanggal, pero naikakabit pa rin. Sad to say, bumigay siya today. Nagkataon pa na bumibili ako ng softdrinks sa tindahan ng sumuko na siya! Pagbalik ko ng baler at pagpanik sa hagdan, nakayapak na lang ang isa kong paa dahil bitbit ko na lang ang chinelas. Hindi ko na mailalakad ng pakaladkad!

Sinubukan kong idikit ng Mighty bond, baka naman puede pang ibalik ang matamis na nakaraan. Kahit dito ko na lang isusuot sa bahay habang naghuhugas ako ng plato o kaya naglilinis ng bintana namin. Hindi ko naman pinagaararo sa bukid para naman masira agad. Hay.... Char...

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment