Day 200. July 21. Technician

Ilang araw nang hinahabilin ni bebe sister na installan ko daw ng kung anek-anek na programs ang kanyang lappy kaya bago bumawi ng tulog dahil sa ilang araw na pagkakabasag, ininstall ko na ang dapat iinstall para hindi na ako kinukulit. Dahil sa puyat at init ng panahon, bumabalik na naman ang tigyawat ko sa pisngi! Hindi na nga kagandahan eh, ang dami ko na namang pimples! Hindi nga ako makatingin kay Heartbit kanina nung nakatabi siya sa akin. Eh kasi hindi maganda ang skin ko, plus puyat pa ako kaya nakatulog ako sa station ko kanina. Pare-pareho kaming puyat nang gabi dahil sa iba-ibang dahilan kaya pare-pareho kaming borlogs sa aming station.
Kanina pala, naitanong ko na sa kanya ang matagal ko nang pinakaaasam na tanungin - dahil kalbo siya, ang matagal ko nang gustong malaman ay kung nagsha-shampoo pa siya! Tamang-tama, usapang buhok at barbero kami kanina! Curious naman talaga ako sa mga kalbo, kung nakukuha pa nilang mag dandruff shampoo kung makati ang anit nila! Siyempre kung conditioner, hindi na. Sabon na lang daw ang ginagamit niya, pero hindi diretso sa buhok. Naglalagay muna siya sa kamay bago diretso sinasabon sa ulo. Ahahahaha!
Day 201: July 22. Shopping
Sweldo na naman namin kanina at naghanap na naman ako ng pagkakagastusan. Gumimik ako sa Trinoma dahil kelangan ko naman magspend ng quality time with myself. Ahahaha! Dapat hindi naman talaga ako gagastos dahil madami akong payables next week. Pero hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na mamili. Sakit na yata ito eh.
At ilang linggo rin ako natakaw sa custard filling ng Bread talk! Kasama ang cheesy floss, triny ko rin ang buttercream flavor nila! Super sarap! Naaalala ko ang anime na Yakitate! Japan dahil sa sobrang sarap ng mga tinapay nila na sobrang mahal! Next sweldo ulet!
On Angry birds...
Ano nga ba meron sa Angry birds? Hindi ko pa natry ang game na ito dahil baka ma-adik ako. Parang yung Plants vs Zombies, hindi ko na inasam pa na laruin. Tama na yung mga panahon na na-adik ako sa Farm Town at Yoville at kahit nale-late ako pagjosok sa office para makapag harvest at makasweldo lang coins, keber lang!
Marami nang collection na Angry Birds si shupatid dahil sa mga estudyante na pasaway na naglalaro kapag nagtuturo na siya. Madami siyang kwento. Sobrang tigas ng ulo ng mga bata ngayon, samantalang nung kapanahunan namin, attentive kaming lahat kapag nagsimula nang magturo si teacher. Sinisita niya ang mga makukulit na bata dahil obvious na obvious na pinaglalaruan ang mga novelties dahil may mga tunog pang ginagawa.

Binabalik naman ni shupatid ang mga laruan kapag kine-claim sa kanya at hinahayaan niya lang naman sa desk niya ang mga confiscated na hindi pa kine-claim. Marami pa daw sa desk niya. Pwede na siyang magtinda!









0 comments:
Post a Comment