Day 202: July 23. Azkals and Wino.
Ngayon ko lang napagtanto na may Breadtalk pala sa Mega. Akala ko kasi wala dahil may French Baker na. Ahihihi. Bet na bet ko talaga ang kanilang mga custard filled na tinapay at kung di nga lang mahal, magpapanic buying ako.
Every off na lang, lagi akong nababasag dahil I can't sleep in the afternoon para magising ng chuwelve o'clock to go to office. The whole afternoon, I am so wide awake at naga-addict sa games na Gardens of Time. Si ateng kase eh, nyahahaha! At dahil sa gusto kong maupgrade ang mga Wonders ko, binuhay ko muli ang mga dummies kong matagal nang nahihimlay!
Nag alarm pa ako para masimulan ang live coverage ng EBS sa laban ng Azkals vs. Kuwait. Nagsimula na lang kung kelan nakaligo na ako kaya paputol-putol ang pagbibihis ko. Magaling talaga ang mga taga Kuwait, halos buong game eh pinaglalaruan lang nila ang Azkals. Paalis na ako ng maka 1 point ang Kuwait at pagdating ko sa ofez, 0-4 ang score, in favor to Kuwait! Napaluha ako na nabigo ang mga future ex-husbands ko...
When I checked my fezbuk's updates, may nabasa akong status na sabi ng poster, RIP Sister, alam mo mahal kita at may nakapost na music video ni Amy Wino. Dali-dali naman akong napa research dahil baka ang tinutukoy nga na na-tegi ay si Wino. When I found out that the news is true, na-sad ako ng bongga dahil I am somehow updated to her life dahil everyday siya ang laman ng mga gossips and showbiz websites na lagi kong bina-browse. It's just so sad na she didn't value her life much and it resulted to her early demised. She now belonged to a group called Club 27 or Forever 27. They are the people who died at the age of 27.
Day 203: July 24. Wrong Sent

I badly need this ID holder dahil malapit nang mabura ang fez ko sa ID ko. Aba, magpa-5 years pa lang naman yun at mukhang nagahasa na ng ilang security system ng aming kompanya! Yun nga lang, this is too big for the size of my ID. Mukha tuloy akong grade 1.
I had so many things going on my mind. Chos! Una, medyo naaasar na naman ako sa BFF ko. Hindi naman maganda na dito ko lagi siyang sinisiraan, but I can't help it! Hehe. May particular na ugali lang naman niya na ayoko. Shet, ang weird ko ba? Ako na yata ang may problema. Kasi sa ibang tao naman, keribels akong makipagkwentuhan anything under the moon and the stars, pero bakit sa kanya, title pa lang ng chika ko, kontra agad? Hindi tuloy siya masarap pagsabihan ng mga dreams ko, secrets and crushes. Baka kasi ibenta niya pa ako ng buhay. Char. May pagka Ms. Know-It-All siya. Hindi ko naman siya kinokontra sa mga sinasabi niya dahil ipipilit niya pa rin ang alam niya at kapag ako naman ang nagse-share ng info, hindi siya naniniwala at ang sasabihin niya ay "ay, hindi ko sure yan" Weh, di nga? Kaya ako na lang ang sumashatap dahil ayoko ng away.
Naiinis din naman ako sa puro reklamo, na as if perfect sila kung makareklamo. Eh kung yung nirereklamo eh ginagawa na lang, there would be one less reklamador in the world!
Pangalawa, medyo tinatamad na rin akong magkwento about kay Heartbit dahil... medyo nababawasan na ang pagka-crush ko sa kanya! May nakapagupdate sa akin na bagong baylamos daw siya ng K Swiss rubbershoes. Nung isang araw, yun ang sinasangguni niya to each and everyone of us na akala ko naman napaka important. Gagamitin niya ito sa kanyang Camsur affair this August. And color red running shoes ang kanyang binili!
I was about to text him about a process ng makareceived ako ng text paka-send na pagkasend ko ng message. Pag check ko, galing sa kanya na parang naguusap kami and asking me na i-monitor ang isang job process. Huh? Ang weird. Na-sense niya ba na may problem nga? Nagtext siya after a while na na-wrong send daw siya. Hmmm, tamang-tama lang ang message for wrong send. Akala ko, katext niya yung isa pa naming kaofficemate na may pasok on the later shift dahil naghabilin na may ipapa-monitor na process. Nang dumating si officemate, I asked her kung magkatext nga ba sila ni Heartbeat, hindi daw. Huh?! Sino katextmate ni Heartbeart? Malalaman ko pa sa Tuesday.
Day 205: July 25. Amoy flowers?
Naaawa na ako sa feet kong dry at puro kalyo because of tight shoes. Meganun? Patay na nga yung kuko ko sa hinliliit ng paa ko, maiitim na rin ang gilid dahil sa kalyo dahil sa sikip ng shoes. Ngayon ko lang din naisipan bumayla ng foot sock na mag-match sa shoes ko. Chos! Mukhang promising itong sa Bio Fresh dahil amoy flowers! Di ko lang ma-distinguish kung sampaguita ba o anes. Sabi nung saleslady na napagtanungan ko, yung fibers daw ay design to stay anti-microbial. Talaga lang ha! Kapag nilaban ko ba ito eh, magaamoy flowers pa rin?
Nakatextmate ko ulit si Heartbeat kanina at no reaction siya sa sinabi ko na "the best talaga siya!" Hmmm. Halata ba yun? Gusto ko lang naman ipaalam na the best siyang boss, may kasama na bang pagnanasa yun? May tawa naman yung text ko, pero NR lang talaga siya. Kinabahan naman ako, eh magpapadugo pa naman kami ni BFF bukas.
Na-hurt naman ang feelings ko, parang gusto ko nang tapusin talaga ang nararamdaman ko sa kanya kasi may nakita na akong kapalit niya! May mga kaofficemate ako na hindi ko nakikita dahil hindi nagpapangabot ang aming oras. Sa fezbuk ko lang siya nakilala at inispatan ko mabuti ang fez, eh hindi naman siya photogenic na gaya ko. Chos! Kanina, naabutan ko siya and napa OMG ako! Matangkad siya at maganda ang katawan! Nakita ko kasi siya ng nakatalikod, ang ganda ng katawan niya!!!!!!!!!!!!!!!! May mga naririnig akong kwento na single pa si kuya dahil may pinopormahan na gelay at religious dahil may bitbit siyang bible! Super type ko pa naman ang mga lalakin .... religious. Ang ganda pa ng katawan niya, I swear! Feeling ko, wala pa naman siyang six-pack, pero super naapektuhan ako sa katawan niya! Kanina ko lang siya nakita ng up close and personal at medyo matagal. At buti na lang, kilala niya ako! Siguro naman, makakapag move on na ako from Heartbit.








0 comments:
Post a Comment