If Not Now, When?




I've been anticipating to watch the band, so as earlier as I can, I have been preparing myself to not miss their concert! I am not an avid fan, but I dig their music so much, lalo na yung mga sumikat nung 2000. Since last month, nag abiso na ako sa connection ko sa Araneta na sana, maka jackpot ako ng patron tics sa Incubus concert. Hindi ko naman kinontra, pero ayoko na ma-"The Script" (read: walang free tics) kaya naman nagtabi-tabi na rin ako para kahit Upper B man lang, maka buysung ako ng ticket! Daig ng maagap ang masipag! Kahit siguro masipag akong mag abiso, kung wala naman talaga, hindi rin ako makakakuha! Trulili, wala ngang napamigay na tickets, kahit poster sa labas, wala! Putek, wala man lang masyadong pictorial after the concert! Nagtweet pa naman ako kay Brandon Boyd bago ako pumunta ng Araneta na sana makapag papica man lang kami!


Credit goes to picture owners



They came the night of 7.27.11, at si ateh Gretchen Fullido ang sumalubong sa kanila. Nagtweet pa siya ng pica nila Brandon, ang swerte ni aunteh huh? Eh ano bang pinanood niya? May laban din ang Azkals last night. Sige, siya na! Siya na ang malapit sa mga boylet!

As earlier as June, nag download ako ng lahat ng album nila para naman during the concert, chill-chill na lang while watching and listening to their music. Marami pa akong nagustuhan na nga kanta nila. Okay lang naman siguro kahit hindi mag memorize ng mga lyrics, basta familiar, pwede na! I listen to their music each and every night, when I wake up and prep myself to go to work, while going to work, medyo pinagpapalit ko sila kay Papa Jack kapag hindi ko masyado trip ang caller, while at work and going home after work! Ahahaha!

Hindi na rin ako nag leave kahapon para maka attend dahil tinaon ko na day off ko at nag sacrifice ako na mag straight 8 days last transition ng sked para lang magetlak ang off na ito! Excited na ako for today!

We went early para makabuyla ng tickets. First come first serve basis and free seating. Kahit siguro tuldok na namin sila makikita, maganda pa rin ang pwesto na nakuha namin. 6:30pm, nasa loob na kami. 8pm pa ang start ng concert. We thought na hindi man lang mapupuno ang Araneta dahil madami pang vacant sa lower boxes seat and at 9pm, punum-puno ng tao ang coliseum



Pakshet ang layo namin, pero kita pa naman diyan si Brandon. Ang opening act nila ay ang bandang "Franco". Hindi ako masyadong familiar sa kanila, pero mukhang umi-Incubus din ang music nila. Halos mag 9pm na ng natapos ang Franco at nag start na ayusin ang stage at ilagay ang mga equipment ng Incubus. May tatlong carpet na nilagay sa floor. Kelangan may props? Mukhang requirement nila para siguro kapag nagta-tap ng feet o kapag tumatalon-talon, hindi masyadong masakit sa paa. Medyo nainip na rin ang mga tao dahil ang shogal mag set up, but at exactly 9:20, they started singing! Biglaan naman pala ang drama nila!


This is the list sang in order! 20 songs din at 5 minutes lang ang pahinga nila. (yung linya na mahaba, yung yung cue na nagpahinga sila)


Nakailang beses din yata nag Thank you so much si Brandon. Thank you, Manila, Thank you very much. Paulet-ulet? Pero sana nakikipagchikhan portion man lang siya para naman hindi lang sobra-sobra ang saya ng mga tao na nanood. May connect naman siya sa audience, pero sana mas madaldal siya. Chos!

Hindi ko alam yung ibang kanta diyan at yung mga iba ko pang gusto, hindi man lang nila kinanta. But this one is my favorite, Isadore, from their new album. Teka, who's Isadore? Bf ni Brandon kasi daw he's gay? C'mon, di na shocking ang mga ganyang chismis. Oh eh ano naman ngayon? As long as he's creating great music, okay lang yan!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment