July 26. Day 205. Juaning.

Parang utak ko lang ang weather ngayon, biglan ulan and the next minute, biglang araw.
Hindi natuloy ang aming padugo (meaning panlilibre) sa office dahil sa lakas ng ulan, baka hindi makayanan ng delivery boy via motorcycle ang lakas ng hangin at buhos ng ulan. Absent din ang isa pa namin kasama, kaya not so meant to be.
Second time na napapansin ko, may salaula (i'm sorry for the term) na naggugupit ng kuko sa station ko at ang pinaggupitan ay napupunta sa keyboard na ginagamit ko. Kakalurkey! Ang dudumi! Nasisira ang umaga ko, pero walang umaamin kung sino ang naggupit. Napapatumbling na talaga ako dahil may kung anong ligaya ang dulot ang aking station.
So anyway, heto na nga. Naabutan ko si Heartpump, kasama ang kanyang mga bugoy. Para silang tatlong itlog dahil sa kanilang mga comic antics. May mga kahalayan din silang nalalaman.
Dahil minsan nakakalimutan ko na may nakakabasa pala ng status ko sa fezbuko, nabanggit si Heartpump habang inaasar nila ako mismo kay Heartpump! Madaldal ako kung sa madaldal, but thank goodness pagdating sa mga ganitong landian, hindi ako basta nagkukwento sa aking mga kaofficemates. Mahirap na.
Ba't ganun? Kung kelan handa akong deadmahin si Heartbeat, saka siya bumabawi sa akin? Eh nung last time na hindi niya ako nireplyan sa aking text, balak ko namang hindi magpapansin sa kanya today. Aba, bigla na lang akong hinahaplos sa aking braso? Hindi ko naman sinasabi na weakness ko yun, pero bakit lagi niyang ginagawa kapag ready na ako na deadmahin siya? Chos! Hindi ko na rin natanong kung bakit na wrong send siya sa akin last time.
July 27. Day 206. Yanna, 4!
Yanna turned 4 years old today. Walang pasok ang mga bugets dahil signal number 2 at maulan pa rin kaya tinuloy na ang paghahanda. Hindi man lang ako nakapunta dahil kinda late na rin kami naabisuhan at may josok pa ako kinabukasan. Akala ko, sa weekend pa maghahanda! Miss na miss ko na ang mga bagets!
Heartbeat has been some quality time with me. Ewan kung paano kami napunta sa topic about church dahil super pinamamalaki niya ang San Beda Church. Di pa siya nakuntento sa pwesto dahil lumapit pa siya sa akin at umupo sa tabi ko para makipagkwentuhan. Pina browse niya pa sa akin para makita ko kung gaano kaganda ang church at truly nga naman, maganda! Puede daw magpakasal ang bedista na tulad niya dito. Humirit tuloy ako na gusto ko ring magpakasal dito sa church dahil maganda. Nagetching niya kaya ang double meaning?
July 28. Day 207. If Not Now, When?
Words are not enough to describe what I felt tonight after we watched the concert! When we purchased the tickets, naisip ko na there's no turning back, tuloy na ito! It is my first time spending a lot of money sa isang concert dahil I usually get mine for free, pero hindi lahat ng panahon eh libre. It is so worth it! Paglabas pa namin, may namimigay ng free Oracare! Haha!
Medyo bad trip pa ako kanina dahil kay Mr. Beso dahil nakuha na namang bumeso sa harapan ng ilan ko pang mga kasama. Parang pinapahiya na niya ako sa mga bago kong kakilala! Hindi na maaari to! Mafa file na ako ng sexual harassment! Kainis! Hindi na dapat mauulit ito.
Siya lang ang sumira ng maganda kong araw dahil nung umaga naman, masayang masaya ako dahil pinabinyag sa akin ni Heartbeat yung bago niyang K Swiss na shoes! Suot niya kanina at willing talaga siya patapakan sa akin! Saan pa ba ako makakakita ng nagpapatapak ng shoes? Sige na nga, kapag may bago akong shoeselya, ipapatapak ko na rin! Hehehe.
I love you, Heartbeat! Ay, san nanggaling yun?






0 comments:
Post a Comment