Project 365: 208 - 209

July 29. Day 208. Oracare



Tamang-tama, just what I need! Hindi ko na kelangan bumili pa ng mouthwash dahil sa giveaway na Oracare last night after ng concert. Pero hindi ko na muna gagamitin, hindi pa naman siguro masisira ito? Itatago ko muna at gagamitin ko lang on special occasion, like kapag may shooting ako at meron akong kissing scene!

Naririnig ko sa office kahapon na may shinoot daw na commercial si Heartbeat. Aba, rumaraket na pala siya bilang commercial model? Kinuhanan daw sila na nagba bike at tumatakbo for the Ironman 70.3 Challenge for Studio 23. Habang nanonood ng Showtime, napalabas ang TVC ng Cobra for Ironman na may logo ng Studio 23. I don't know kung yun na yun, eh hindi ko naman siya nakita. Hindi ko naman din inaasahan na magrereply siya sa texts ko nang tanungin ko yun. May solo shots daw siya, baka yung legs at braso ang finocus dahil puro yun ang mga pinakita sa TVC. Kelangan ko na talaga magpapirma sa kanya! Baka sumikat na siya, wala pa kaming pictorial dalawa!

If I watched the concert last night, si Heartbeat naman ay nanood ng laban ng Azkals! I saw his tag photos, di ko na grinab, siyempre kasi ang labo naman. Shocks, sana pagpasok niya on Tuesday, pagkwentuhan namin yun.



July 30. Day 209. Technician ulit



Inutusan na naman ako ng amo na maginstall ng programs sa kanyang lappy called MS Visio and Project 2007, para sa mga school files niya. Parang program 'to for designing floor plans and buildings,? Kelangan na ba yun sa school? I haven't research yet para saan ang mga programs na ito. While installing, pinanood ko na ang lahat ng pending and due na akong downloads: Mean Girls 2 and She's Out of My League. I like both of the movies, kahit malayong malayo sa first Mean Girls and 2. Akala ko mabubwisit lang ako at hindi ko na tatapusin ang movie, but I ended up liking it.

Nagpainterview na naman pala si ate Amanda Coling and this time, sa Tunay na Buhay sa Kanguso channel pinalabas. Kalurkey! Super nagresearch pa ako ng video para mapanood ang interview, baka sakaling may mapala ako at meron nga! Hehe.






I want more of Amanda!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment