Day 210.July 31. Month end.

Every month end and it's weekend, busy ang mga first shift sa office. Lahat ng mga kailangan i-run na jobs, they need to be finish before the cash closes. Lahat na ng mga jobs na ipa process would resume on Monday. Ibig sabihin nito, busy ang first shift and petiks for the rest of the shifts, kasama kami dun. First day ko rin sa office kaya nagulat ako na makita ko ang aming boss na girl na pumasok on weekend. Nakalimutan ko na, last weekend na month end, pumasok pala siya para i-assist ang mga first shift sa work.
On weekends lang ako natutulog kapag dating ng three in the morning dahil wala naman masyadong tao at walang masyadong gagawin. Kahit maghilik pa ako, kering-keri lang dahil wala naman ang pinopormahan ko para makita ako at my worst. Hehe. Hindi ako nakatulog masyado dahil umalis ang boss namin ng 4am. Nawala na ang antok ko.
Around 9am, biglang nagtext si boss na girl na may job na dapat kaming i-run. Hindi na siya nagreply at nagulat na lang ako ng narinig ko ang boses niya sa likod ko, yun pala, nawalan siya ng load at minabuti na lang niyang puntahan kami sa office para ma-run ang job. Tinatawid din niya ang pagpasok, parang si ser at yung iba pang mga boss namin. Ito ba ang trend ngayon? Magbo board ka para isang tumbling lang ang office? Hmmmm.
Day 211. Aug 1. Piling up.
The first James Patterson book I bought was the Lifeguard from a booksale at Galle. Nabasa ko na Kris Aquino digs Patterson's book kaya I tried it at baka hindi naman ako ma-bore. I haven't finish the book yet, I got a new one, Roses are Red. It's not that I always get bored in reading books kaya hindi ko matapos agad, pero hindi ko na minsan matiyempuhan ang mood ko. While I am in the middle of reading, nawawala ang comprehension ko and I end up imagining a lot things. English pa naman 'to, kaya madalas nosebleed! Hehe. My bebe sister bought the book at the bottom dahil type niya daw. At ang nakakalurkey dito, pareho kami na overdue basahin ito pero si madereka ay finished na! Ambilis naman, palibhasa hindi naman siya busy kaya nakakatapos siya ng book in just one day.
Heartbeat and I are texting each other na work related, but he's not answering my Qs. Ewan ko ba, medyo emotional ako today dahil meron ako (gawin bang reason) and he's asking kung nandito ba yung isa kong kasama dahil tatawag pala siya about sa isang job na pinaprocess nun. Naghahabilin siya, pero hindi naman ako ang gagawa dahil yung dapat kausapin niya ay busy kausap ang iba. For that reason, nagtampo ako bigla and I thought of not talking to him bukas pagpasok niya para maisip niya na may mood swings din ako. Wow, ang babaw ko, hehe.
I just got my Multisport Mag! I've waited for months for my subscription to be approved. Akala ko nga wala na 'to dahil last May pa ako nag apply. I requested specifically for the May 2011 issue, kaya lang hindi kasama sa binigay sa akin. This month's issue is about the Ironman 70.3 challenge. Tamang-tama, heto ang topic namin nina Heartbeat last week. I don't know the meaning of KONA, at hindi ko pa nababasa ng buo ang mag.
The list of triathletes are printed inside at truly naman kasama siya kasi nakita kong list, at may isa pang audience shot na nakita ko na nandun siya and I still have to verify it. Tinanong ko na din sa delivery man kung siya lang ba ang magisang nagdedeliver ng magazine. Baka kasi, you know, matuklasan ni Heartbeat na nagsubscribe ako. Bwahahaahhaha! Buti na lang, iba-iba daw per area. Nakahinga naman ako ng maluwag!
I am feeling coughy (meron ba niyan) dahil sa pabago-bagong panahon at hindi talaga masarap sa pakiramdam ang maya't-mayang tumatahol while working. With my super pa sweet na image, kapag nauubo, nagtatakip ako ng aking hotpink handkerchief para magmukha akong pagirl. Siyempre, first day ni Heartbeat kaya kelangan magpa-beauty card agad!
Nabuo na ang balak ko kahapon na deadmahin siya sa first few hours of the day at papansinin ko siya before the day would end. Kakapasok pa lang, naririnig niyang maingay na ako at hindi ko talaga siya pinapansin, dahil hindi naman niya ako kinakausap na anything job related.
So maya-maya, habang umuubo at nagtakip ako ng mouth gamit ang aking hotpink handkerchief, padaan siya sa likod bigla siyang nasabi ng "kawawa naman si deejay".. sabay hagod sa likod ko! Nagulat ako, buti lumaki lang ang dalawa kong mata, wala nang iba pang body reaction. Nilingon ko na lang siya para makita ang reaction niya habang hinahagod ang likod ko. Natunaw naman ako dahil naka-smile siya. Awwww. :)








0 comments:
Post a Comment