Project 365: Day 213 - 216

Day 213. August 3. Sa Ngalan ng Pag-ibig...



Sa mga bus na mashushugal ang biyahe, kung hindi tv programs, mga dvd movies ang pinapalabas. I remember na may isang Asian movie na hindi mahulaan kung anong salita ang pinapalabas. Magre-rely ka na lang sa mga subs ng movie, eh hello! Paano kung sa dulo ka nakaupo, mababasa mo pa ba yun? Meron na palang dvd rip ng In The Name of Love, naumpisahan ko pa kaya lang nabitin ako dahil skip ng skip yung player ng bus. Maganda pala ha! Kaya I somehow regret na hindi ko man lang nasuportahan ang movie na ito ng pinapalabas sa sine. Kaya I promise myself na yung mga ganitong movies ay dapat pinapanood sa sinehan.



Day 214. August 4. Butterfinger.



Kung last month ay Kitkat, ngayon naman ay Butterfinger ang kinaaadikan ko. My gash, almost everyday, isang bar ang kinakain at nauubos ko sa isang kainan lang! May kasibaan na naman ako ngayon, hindi ko naman tinitipid ang sarili ko dahil ito lang ang aming bonding. Char!

After three days, day off ko ulit dahil nagbago na naman kami ng sked. Yung isa kong kasama ang nag straight 7 days and I swear to myself na hindi ako magstraight unless makikita ko ang crush ko for 5 days. Kung hindi naman, kahit wag na lang!




Day 215. August 5. Absent.




Not me, but si Heartbeat. Nagpaalam siya last night na hindi siya makakapasok dahil may training daw sila for Camsur. Malapit na pala yun, next week na. Nalurkey ako ng matanggap ko ang text niya. Gising pa ako kagabi dahil hindi ako makatulog kaya basag na basag ako the whole day.

I am praying na sana mairaos namin ang araw ng matiwasay at buti naman, nakisama ang mga trabaho namin. Next week, two days kami magiging ganito ulit so hopefully, mairaos ulit namin ng matiwasay.




Day 216. August 6. Handy Hanky.



Naubusan na ako nang ibabaon ng hanky (dalawa na lang naman kasi ang panyo ko) kaya kahit against on my horoscope for the month of August, bumili na ako ng bagong panyo. Dalawa lang naman saka magkano lang naman yan, so hindi naman siguro mako condsider na shopping! Para kapag tumahol ako, may poist pa rin ako.

Tahimik ako kanina. Hindi ako masyadong nakikipagchikahan kay ser. Ewan ko ba. Parang lagi na lang ako nahihiya sa kanya. Samantalang dun sa isa pang lalake ko na kasama eh hinde naman. Sobrang bait niya talaga, he's my ideal and perfect boyfriend. Bakit nga ba wala pa siyang girlfriend? May mga times na seryoso siya kausap, pero madalas na maloko siya, which I like in a guy. Naks! Bakit kaya ako ganito na magkwento? Gusto ko na ba i-level up? Hindi ako masyadong makapagtype ng maayos dahil may stiff neck ako. Pasensya na.




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment