August 9. Day 219. Inunan.
Since Friday pa ako inatake ng stiff neck. Ang sakit ng neckache ko! Araw-araw na lang ako nagpapahid ng white flower. Dyahe naman sa pinopormahan ko sa office kung amoy matanda ako. Pagtulog ko yesterday, halos pawala na ang neck ache, pero pagising ko, para na namang may nakapataong sa leeg sa sakit. The best way to treat this pain is to change my pillow!
Sabi ng horoscope ko, bawal daw mashopping shoppingan for August, eh paano naman ang sumasakit kong neck-neck? Since 2004 - 2005 pa yata ang mga unan ko na nabayla ko sa halagang one hammer sa SM Harrion (naks! naaalala ko pa) Nagsusumigaw na ito ay aking palitan.
I'm very much excited to buy a new unan for myself, off I went to SM! May nakita akong pillow that takes the shape of your head, I forgot what it is called, but it is so small kaya hindi ko bet. I saw this 20X30 pillow na affordable naman kaya without batting an eyelash, go na!

going back to previous days,
August 7, Day 217. White Flower

Hindi naman White Flower ang binayla ko. Eto na pinakamura na nakita ko sa Mercury, mas mura sa Efficascent oil at hindi kasing init ng Omega Pain killer. Yesterday, nagpa check ako ng BP ko. Baka kasi na highblood ako nung Friday na umabsent si Heartbeat. Na-tensed daw ako ng bongga? Normal naman ang BP ko, sabi ng company nurse. Nagadvice na lang si ate na magpahid-pahid ako ng oil on my neck.
August 8, Day 218: The View

This is the first time I ate lunch facing the window of our office. Whatta a view! Hindi ko pa pala napi-picturan ang labas ng aming office, medyo nahihiya pa ako. Baka magtaka ang kasama ko kung bakit ako nagpipictorial at kung sabihin ko naman na iba-blog ko, baka bigla akong sabihan ng "link please!". Kapag kinulit pa naman ako, madali akong bumigay, hindi ko matanggihan! Ahahaha!






0 comments:
Post a Comment