Project 365: Day 220 -221

Day 220, August 10. Ang Babaeng Septic Tank



Tweet yan ni Sarah Lahbati, gusto niya daw manood ng Ang Babaeng Septic Tank. Ayoko naman siya okrayin, but sometimes, our fingers type differently from what we are thinking. Char! I've been wanting to watch this film since last week but dahil kakasweldo lang namin nung Friday, gusto ko nang mapanood right away! Threesome date ito with my mom and my sister at siyempre, sagot ko na naman .. Tsk.tsk. Hehe.

My mom was shocked with the movie dahil hindi siya sana'y sa mga ganung type of movies. It's a nice indie film, but I think it was over hyped when people said that there were no dull moments in the movie. At the first 10 minutes yata ng film, I am bored that I want to sleep. Ubos na kasi ang nilafang naming Snack Box ng KFC at nag concentrate namin kami sa Magic Pop na lasang apa.

Has anyone watched Limitless? That movie is so brilliant. Chos! Hindi ko matandaan if it was released at cinema or directly through dvd. Ang ganda!

I still want to watch Captain America and the Rise of the Planet of the Apes, kaya lang may eps na nagkwento kung anong nangyari sa kwento ng Planet of the Apes. Pambata daw ang plot. Maganda ang effects, but still, hind daw maganda ang story. Ahahaha! Talaga lang ha? Ano bang story ang gusto niya? Sana hindi na lang siya nanood.



Day 221. August 11. Broom-broom



Gusto na magretire nang aming walis pero gusto ko pa siya magsilbi sa amin dahil ang mahal-mahal ng isang walis tambo dito sa palengke! Otsenta pesos, seriously? Ang alam kong mga presyuhan nito ay trenta lang, tama ba o hindi makatotohanan ang projected price ko ng walis?

Last night, we brought this steel green broom na malambot ang bristles (naks) na pwedeng ipangwalis ng dingding. Baka kasi kapag matigas, magasgas ang aking walls. Kelangan ko na naman maglinis ng kwarto. Wala pa ngang hallooween, pero ang daming agiw lalo na dingding at ceiling.

As I am typing this, it is raining at mamaya, tutulak na si Heartbeat pagorang Camsur para sa Ironman challenge. Sana, hindi naman sila ulanin. Hindi na kami magkikita mamayang madaling araw kaya I will him terribly at ng mga bata.

When I am checking out his profile at fb, nag changes pala siya ng name. His group is called TBX - stand for Team Boring X-treme at meron silang pakulo. Ang bago niyang profile name ay TBX Sweetness. Di nga? Yung iba normal lang like TBX Walker at TBX Forbes - malamang, nakatira sa Forbes. Susyal! Pasweet ang name?

I am expecting a text from him later bago siya tumulak ng Camsur. Text na naghahabilin ng mga gawain sa opisina at dahil excited din akong replyan yun nang "goodluck". Di ko naman siya pwedeng tawagan para mag goodluck kahit gustong-gusto ko at hindi ko naman masabi na pinagpepray ko na sana maging matiwasay ang kanilang competition. Chos.




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment