Day 226. August 16. The Ironman is back.
I am posting this ahead because I want to capture all my thoughts about on what transpired today.
The Ironman is back, from a four-day event at Camsur and take note, he's an official Ironman (kahit half lang) dahil he placed number 400 something sa mga unang nakatapos. I am not listening so much sa mga kinukwento niya kanina. Eh sino pa ba ang tinutukoy ko, edi si my one and only Heartbeat. Parang gusto ko na rin baguhin ang term of endearment ko sa kanya?
I am so excited to meet him after four days of pangungulila sa kanyang piling. Three days na nga lang kami magkita in a week, nabawasan pa ng dalawang araw. Masyado naman akong tinatakam at pinapasabik ng kanyang presence. Pagpasok ko kanina, I wore my best outfit. Pangmalakasan na ito para naman dagdag beauty card pagkita niya sa beauty ko. I had a plan. I thought about it a day ago dahil sa sobrang pagka miss sa kanya. Hindi na kasi siya gaanong nagpaparamdam. For the last three days, hindi na siya nangangamusta sa text at ako naman, nag feeling gf na nagtampo? Bwahaha. Naisip ko lang na deadmahin ko kaya siya pagdating niya bukas? Sa umpisa lang naman, babawi naman ako later.
3:35 am ang pinakamaaga niyang josok, he usually comes in at 3:40 kaya nagtatayuan na ang balahibo ko sa sobrang excitement and anticipation sa pagdating niya. Inaabangan na ng pandinig ko na bumukas ang pintuan at pumasok na siya. 3:45 na, wala pa rin siya. Ang shugal naman niya! Parang matatae na ako, chos!
3:47. Bumukas na ang pintuan at narinig ko na mga yabag niya na kinakaladkad ang mga paa niya. Narinig ko na siya nagsalita! At expected ko na pagkukumpulan siya ng mga bff niya para i-congratulate for another milestone on his life. Hehe. Wag daw masyadong lalapit sa kanya, baka dumikit ang mga magnet, sabi ng isang kasama niya sa fun run. Naririnig ko na rin ang buong giliw niyang pagkukwento sa mga magigiliw na nangamusta sa kanya.
Tangina! Ako lang ang matigas ang mukha na hindi namansin at nangamusta sa kanya. Alam kong napansin na niya rin na hindi ako namamansin dahil habang nagkukwento siya, ako lang ang hindi nakatingin at mukhang hindi nakikinig. Usually, kapag dumadaan siya sa likod ko, binabanggit niya ang pangalan ko - and it's music to my ears. Ilang beses na siya pabalik-balik sa likod ko, hindi rin niya ako pinapansin.
Nung papunta ako ng comfort room, dadaan ako sa kanya para lumabas ng pinto. He was sitting malapit sa pintuan. I saw through the corner of my eye na he looked at me nung marinig niya ang footsteps ko. I didn't look at him, diretso lang ako maglakad hanggang makalabas.
Naisip ko nang tigilan ang aking munting trip, nagisip na ako ng sasabihin sa kanya. Hindi ko pa pala siya tinitignan ng bongga, masyado kong pinapasabik ang sarili ko sa kanya. Tinawag ako ng isa kong kasama at nagyaya na kumain ng breakfast sa baba kaya tumayo na ako at pumunta sa pwesto nila. Tinignan ko na siya, una kong napansin na nangitim siya. Parang medyo mamula-mula na nangitim. Nagkaron ako ng idea kung ano ang una kong sasabihin. I am aiming for an eye contact with him nang mag ring ang phone sa kabilang dulo ng station at napatayo siya para sagutin. Tinitignan ko siya, hindi niya ako nilingon kahit nasa likod na niya ako and I almost laugh when I saw his eyes! Sabihin na natin na masyado lang ako mapagbigay ng meaning, but oh my gash! I know the look from the eyes na aware ka na nakatingin sayo yung taong kilala mo but you do not want to look the person? I always do that, lalo na kapag may nakikita or nakakasalubong akong di ko bet batiin. Iniwasan niya ako ng tingin nang tumayo siya at tumakbo sa kabilang dulo ng station para sagutin ang phone!
Hahaha! Hindi ako makatawa ng bongga at wala naman ako mapagsabihan sa mga naganap but that is my cue na tigilan ko na ang munti kong laro at kausapin na siya. So ganun pala siya magtampo or mapikon? Nagsusuplado? Type na type ko pa naman yun!
But dahil na rin sa kagagahan kong ito, ang tipid niyang chumika tuloy. Hindi man lang siya nangamusta kung anong nangyari sa amin. Ang tipid na rin ng mga sagot niya sa mga tanong ko. Ang sad ko tuloy, but kapag naiisip ko yung pagiwas niya ng tingin sa akin, natatawa na lang ako.






2 comments:
Ateng, ang haba ng entry na to. kelangan ko magbackread ng entries mo. Tagal ko nawala hahahaha
Ginawa ko nang diary! Aheheheheheeh!
Post a Comment