Project 365: Day 222 - 232


    Day 222. August 12. Angry bookmarks!




    I am waiting for any text, para naman medyo formal na hinahabilin ako ni Heartbeat sa kung sino man ako puedeng paghabilinan. Kasi naman nung umabsent siya before, may mga payong pagmamahal pa siya sa akin. Naka leave siya today ang tomorrow, dahil ngayong gabi, tumulak na siya papuntang Camsur para sa kanyang kahibangan. Chos. Super mamimiss ko talaga siya. And I am praying na sana mairaos namin ng kasama ko sa ofez ang aming mga trabaho na walang sablay!


    Wala siyang text. Nalungkot ako. Pero twice siyang tumawag sa akin, para kausapin ang isa kong kasama eh puede naman na yun na ang tawagan niya dahil Globe naman yun. It's really music to my ears kapag binabanggit niya ang aking nemsung! Weee. Char. Work-related naman ang mga calls niya. Pero pwede na, at least narinig ko ang kanyang boses kahit hindi kami nagkita.


    Yung picture pala sa taas eh mga bookmark na nabuyla ko sa Trinoma. Ang kyot nila, para silang katumbas ng angry birds. At nagagamit ko sila ngayon dahil sa aking reading habit huh!




    Day 223. August 13. Kalyo.




    Walang pangangamustang naganap ngayon from Heartbeat. Kampante na siguro siya na matiwasay naming mararaos ng kasama ko ang trabaho sa opisina? O baka busy siya sa mga registration and training dahil may kopya ako ng itinerary nila sa Camsur. Ahahaha! Nakalagay kasi yun sa magazine na pinag-subscriban ko! Pinasadahan ko lang ng basa, hindi ko na tinandaan. Wala naman kasi akong naiintindihan.


    When I transferred to IT, I was from Chat. Two years before that, I was on phones. Hindi na ako ganun ka confident makipagusap sa phone. Medyo nakalimutan ko na rin ang mga ilang courtesy sa call. I am as nervous as hell nang may tinawagan akong counter part namin sa Horsham. Putek! Hindi ako sanay magiwan ng message sa answering machine at nagtanong pa ako kung paano mag dial. Kaya ako kinakabahan dahil alam kong mapapasabak ako sa Inglesan. Pero buti na lang, nairaos rin ng matiwasay ang araw na ito. At ano naman ang significant ng shoeselya above? Wala rin. Akala ko kasi comfy eh, nagkakalyo ulit ako sa paa. Kainis! Buti sana kung maputi ang paa ko.




    Day 224. August 14. Iyaking bata.




      Hindi naman namin siya inaapi-api diyan, pero may pagkaiyakin siya sa mga pagkakataong iba-iba ang dahilan. (ano daw) Umiyak siya dito dahil pinapagalitan siya ng nanay niya sa hindi ko na malamang dahilan.


      Bumista ang mga panget once again, kasama ang kanilang parental controls. Nakakamiss naman talaga ang mga bagets at masarap talaga kapag may sanggol sa bahay na hindi masyadong iyakin. Masarap alagaan.


      It always breaks my heart everytime na uuwi sila.


      Ang cute ng mga pictures ni baby Kristoff kaya it's now my prof pic on fezbuk. Since I changed it, na-excite ako ng makita ko sa aking prof page na may nanguguna sa list of friends ko. May hinala kasi si ateng (at nakihinala na rin ako) na ang mga nafi-feature na friends sa iyong profile ay mga frequent or/and recent bwisitors ng iyong page. Marami na rin kaming napagusapan na pwedeng maging dahilan, pero iyon na ang pinaka close na pwedeng maging dahilan. Siyempre, gagawa na ako ng kwento na magbebenefit ako. At sino pa ba ang nasa top list? Hehehe.



    Day 225. August 15. Belt it out.




    Excited na ako bukas dahil papasok na si my Heartbeat at alam ko, marami siyang ikukwento. Naiimagine ko na, bidang-bida na naman siya at kabi-kabilaan ang pagko congratulate sa kanya. Kung alam niya lang ang feelings ko sa kanya.. Minsan, nate-tempt na ako tumawag kay Papa Jack, para mag confess ng feelings ko at manghingi na rin ng advice kung kelangan ko pa bang ipagtapat ang feelings ko sa kanya. Trip-trip lang, masabi lang na nakatawag ako kay Papa Jack. Pero what if may kasama kami sa department na nakikinig pala sa True Love Conversations? Hahaha! Me and my wildest imagination. Naiisip ko nga minsan o mas maganda sabihin na pinapangarap ko minsan, yayayain niya akong manood ng sine, kaming dalawa lang tapos dun na magsisimula ang lahat…


    Yang belt na yan ay bet na bet ko bilhin dahil sa super cute ng buckle, pero masikip sa aking waistline! Kelangan ko pa mag love ng 10 inches para kyot ang kalalabasan kapag sinuot ko na. Pinagpilitan kong bilhin dahil yan lang ang pinaka cute na belt sa mga naka display. Bwahahaha!




    Day 226. August 16. Ironman is back


Makapaglagay lang naman ako ng picture. Ayos na!







    Day 227. August 17. Oracare




    Dahil rampant sa ating bansa ang illegal na pagdownload ng mga movies and all that shit, napagisip isip ko naman na gusto kong maging makabuluhan ang aking pagiging Pilipino. Naks! Naisip ko talaga yan nang mapanood ko sa bus ang first few minutes ng In The Name of Love. Nang mag download ako , maganda naman pala, sana napanood ko man lang sa sine. Kaya ngayon, kapag may magagandang Pinoy movies, bakit hindi ko naman subukang panoorin on the big screen? So in that little way, mapakita ko naman ang pagmamahal ko sa aking bansang hirang.


    I want to watch Zombadings and Pwedding Tayo, Pwedding Hindi, pero kahit wag na ang Tween Academy. Kahit wag na talaga yun. Gusto ko rin mapanood ang Planet of the Apes pero dahil may nag spoil na nga ng story nun sa akin, may malinaw na cam copy na available for download. And for the nth time, nagkasala na naman ako. Wahehe.Hindi ko pa napapanpood ang Captain America dahil pinagpalit ko yun sa Incubus, but I have now a copy, waiting to be watch.


    So ano kinalaman ni Oracare? Wala naman. Nung ginamit ko na yung sample na pinamigay after Incubus' concert, ang sarap ng toothpaste! Walang sting dahil hindi matapang ika nga ni Chris Tiu at ngayon ko lang napagtanto na siya pala ang endorser kasi dinedeadma ko ang TVC niya. At hindi matamis! Feeling ko, dentista ang nagtu-toothbrush sa akin dahil ang sarap ng feeling! Chos.





    Day 228. August 18 Super Glossy.



    Ang naaalala ko sa pink kong Careline lipstick ay si Karylle at ang favorite niyang Mac pink lipstick dati na palagi niyang ginagamit. Buti naman, nakapag move on na siya na hindi masyadong bagay ang pink na pink na lipstick sa lips niya. Mas bagay sa kanya ang nude dahil pareho kami ng lips - full. Chos!


    Idol ko na naman si Karylle pre pink lipsticks days at yung pagkaka smile niya sa issue ng buntis ba si Marian at idol ko na ulit siya ngayon dahil idol din siya ng idol ng puso ko. (huh) But seriously, the girl is no dumb. Official stalker na ako ng blog niya sa Yahoo dahil hindi naman blocked sa office. Ilang blog sites lang naman ang religiously ko chinecheck. Minsan lang siya magupdate 'coz of her busy sked. Comments section na lang ang sinusuyod kong basahin para maaliw-aliw naman ako at hindi naman ako nasasawi. May mga Marian fans na naliligaw at ginugulo nila ang mga Kaylle admirers.


    Eh yun nga, parang hindi pa rin nababawasan ang pink lipstick ko , very light lang ako maglagay. Kaya I am bored and back to nude lipgloss. Kulang ako sa VitaminB12 (kaya daw nagbabakbak ang lips) , mahirap maghanap ng lipgloss na mumurahin na hindi namumuo after a few hours of applying in your lips. Then I tried the Elf brand na amoy candy in very light pink shade na almost walang kulay kapag inapply sa lips, parang nagpahid lang ako ng pinatuyong Halls na candy sa labi ko. At long lasting ha, infairview! Puedeng gamitin kapag may kissing scene na ako.




    Day 229. August 19. Got milk?




    As much as I hate milk, I tried drinking again for calcium sources. It seems like that my bones are brittle, kebata-bata ko pa, sumasakit na ang spinal column ko. Akala ko, simpleng strain lang dahil sa long hours of sitting sa matitigas na upuan and no stretching kapag napapagod na ang mga kasukasuan ko. Signs of aging. Ang dami kong nararamdaman, eh may dinaramdam pa ako kay Heartbeat.


    Pero bakit nga ba? Ako ba ang nagbago kasi supladita/marianita mode ako sa kanya? Hindi naman eh! Nagjo joke pa nga ako at puma-punchline! Hindi kasi kami magkatabi kaya hindi ako makakwento. Hmpfness! The meeting after the Camsur event was a disaster. I have to come up with another plan, eh ano na naman? Palagi ko na lang iniisip na today, is not my day, kaya kelangang magpa beauty card kay Heartbeat.



    Day 230. August 20. Gay Massage Parlor.





    Be careful what you wish for. You never know, it may just come true. Hindi ko matandaan if I wish na what if, kung kaming dalawa lang ang matitira sa ofez? It just happened today. Nag dahilan ang isa naming kasama na may pupuntahang binyag, without informing me? Edi sana man lang nakapag frefare ako no! Sana, pang malakasang outfit na nasuot ko!


    Nagulat ako nang nag message si Heartbeat sa company Messenger namin na ang tawag ay Spark. Nakita ko kasi na nag pop ang nemsung niya. So ako naman, nagakala ng kung ano na! Eh when was the last time we Spark each other? Naks! Yun pala, i-inform niya ako na dalawa lang kami today at mag set up na raw ako ng mga server para sa ipa process naming job. Kalurkey!


    Medyo nag expect ako ng slight kasi makulit siya nung umaga. Kinukwento niya ang bagong spa na nagbukas sa apartment na nirerentahan nila. Mai-promote ko na - R Oriental Spa - isang legit spa na pwedeng-pwede i-book ang mga masahista - yung nga lang, papa-sked ka ng booking according kay manang Googleya. Nabanggit ko na naman na may mga beergarden sa paligid ng kanilang apartment. Gay massage parlor sa second floor ng nirerentahang mong apartment. Parang gusto ko na rin maging bed spacer sa Guadalupe.


    Nagkwento pa siya na uminom siya kagabi, na puyat siya dahil alas dose na siya natulog, so ako lang daw magtatrabaho. Excited na nga ako makipagkwentuhan sa kanya. Nagiisip na ako ng topics like marriage, love, sex at kung ano-ano pa! Yun pala, hindi kami magkukwentuhan dahil busy kami mag work. Namimiss ko na tuloy yung ugali niya nung first few months na magkakilala kami.




    Day 231. August 21. The QUICKIE.




    Since weekends are unproductive days dahil sa sobrang dami ng work, ginawa ko na itong bonding days ng mga overdue na books na hindi ko pa nababasa. I can almost finish a book in one day, kung hindi naka-cut angn reading habit ko. Today, I brought Busek's book, The Quickie from pareng James. First few pages pa lang, hindi ko mababa dahil I want to know what would happen next. Magmukha na akong nerd (kahit hindi naman), pati sa bus, wala akong sinasayang na oras basta makapagbasa ako! Kung wala nga lang pasok bukas, kahit mapuyat ako, matapos ko lang ang book! I like the story, dahil sobrang twisted ng kwento in the end!



    Day 232. August 22. Kapek's Meeting.




    Badtrip ako kaninang umaga dahil lahat ng mga tinetext ko, di nagrereply! May iniwan pa naman trabaho sa akin at yung nagiwan, hindi nagrereply! Wala pa naman akong pangtawag dahil hindi ako nakapag register sa Combo20 at ayaw ding kumagat ng Super25 ng Globe. Grrr. Ako pa ang naaabala. Kakaload ko lang ng 25 pesos dahil may rampa ako ng hapon, pero naubos sa kanila. Akala ko hindi ako bibiguin ni Heartbeat, pero isa pa siya! After 1 hour na nagreply sa text ko. Gusto ko nang umiyak, huhuhu. Pero naging okay na naman ako nung uwian na.


    Nagkita-kita ulit kaming mga Kapeks sa tambayan para magcatch up sa isa't-isa! Excited na ako sa promising Dyosa kit ni Chirimi dahil kutis dyosa siya ngayon! Akala ko nga artista yung nakita ko, pero siya pala! Hindi na nagpeperform ang mga pampagandang ginagamot ko ngayon, kaya kelangan na nilang palitan lahat! Haha! Sabi ng aming mga horoscope, bawal daw mag shopping for this month, kaya next month na ako puedeng mamili! Kaya nga nag stock na ako ng shampoo at napkin last month para hindi na ako bibili this month! Mahirap nang hindi masunod ang horoscope, baka masira ang kapalaran ko. Hahahaha!



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment