September 16. Day 258. Waistline don't lie.
Napabili ako ng pants dahil wala na pala akong maisuot na cute na pants. May natuklasan akong brand na bagay na bagay sa akin dahil malalaki ang sizes at medyo keri naman!
The last time I check, 34 ang aking waistline. Yeah right, maliit na yan dahil ang puson ko ay nasa 40 inches, ayon sa aking medida. Nang isukat ko ang mga bet kong pants na 34 ang size, aba! Ampness! Hindi magkakasya! Lumaki na naman ba ang tiyan ko? Nung sinukat ko naman ang 36, pasok na pasok sa banga! Taena, 2 inches agad ang nilaki? Ano nang nangyayari sa akin? Bakit ako lumulobo? Dahil wala ba akong jowa? Char.
Pero nung pinagcompate ko naman ang 34 at 36 inches kong pants, halos pareho ng size. Mali na ba ang sukatan ng baywang ngayon?
September 17. Day 259. A UK Day with Nat
It's been almost a year since the last time I saw Nat, when he resigned from the company. Ang busy naman namin pareho kaya ngayon lang kami nag EB! Muntik pa akong napagkamalang may ka grand EB na mga bata sa Gateway. Chos lang. Pagkatapos lumaps at chumika ng bonggang-bongga, sa UK ang aming tuloy para makapag shopping ng bongga! I have limited time dahil may pasok pa ako bukas, kaya wala rin akong masyadong enery para makapag halukay, but ang daming good finds huh. Kung marami lang akong oras, kakayanin kong libutin ang buong Cubao para magshopping! Okay pala mag ukay dun!
September 18. Day 260. The K sisters.

Nagulat ako dahil may mga shonget na naman kaming mga bisita sa bahay at dito sila natulog dahil umulan. Nakakatuwa si Yana dahil bumibilog siya at pumuputi, kahit hindi siya masyado lumalaki. She entered prep school and in just a few months, medyo nakabisado na niya ang Lupang Hinirang at Panatang Makabayan. Yun nga lang, pinapalitan niya ang mga salita at bulol pa siya. She's a very smart girl. May pagka maldita nga lang.
September 19. Day 261. The Sims.
Parang natatandaan ko na petition pa lang ang The Sims sa fezbuk, but its now available to be played! Matagal na naman yata available and lately ko lang natry i-open coz I have never ever played Sims before. Wala lang naman, curious lang on how does it go. Its kinda different from the FB app from the one being installed on your PC. Ita-try ko lang naman yung PC version kaya bumili ako. Gusto kong gawin na ipag-physical contact ang mga players para mag-sex sila. Hahaha! Joke lang!
September 20. Day 262. Late bloomer?

Kaya naman pala kahapon, ilang beses ko nakagat ang dila ko at natapilok ako ng a few times dahil may nagiisip pala sa akin! Pagkadating pa lang ni Heartbeat sa office, lumapit na siya sa akin para sabihing natapos na niyang panoorin ang labor of love na binurn kong Spartacus. Kapag may nakikita daw siyang mga scenes na napagusapan namin, naiisip niya daw ako dahil yun daw ang nabanggit ko. My gulay, pigil na pigil ang keps kong mapa smile dahil baka naman isipin niya kinikilig ako, eh totoo naman! Naiisip niya kaya ako habang ang eksena ay mga sex orgy or threesome? Hooked na hooked siya at nadadagdagan na ang beauty card para sa kanya. Mga ilan pa kayang series ang kelangan kong i-burn para masimulan ko na siyang ligawan?









1 comments:
OH MY GUUUMMMS! @spartacus, may mga ganyang eksema na pala sa inyo ni heartbeat! kinilig din ako, in furnace. keep it up! (keep it up talaga?!)
-ateng
Post a Comment