Project 365: Day 263 - 267


September 21. Day 263. Cooking cooking.





Mother is feeling sick tonight and I have to cook dinner for us. Prito lang naman. Tilapia at longganisa. Having been not cooking regularly for the past years, I somehow "forgotten" on how to cook properly.

Take the case of this longganisa. Not the typical one, nakalagay sa plastik at pipisilin para lumabas ang laman. Ang panget ng pagkaka-describe ko. Hindi loose ang plastik na lalagyan, kaya may effort sa pagpisil at ang catch pa neto ay kailangan i-form in the longganisa way (is there such?)


A for effort na ang ginawa ko diyan, but holy crap! Mukhang crap! Hindi pantay-pantay at paikot pa! But as much as I hate tocino, that's how I love longganisa! These are one of the best tasting I have eaten.



September 22. Day 264. Test drive.




Ok payn. Katamaran lang talaga. After 20 days from the day I purchased it, ngayon ko lang na test drive ang aking "new" rubber shoes. Sarap ng feeling. Parang isa na ako sa mga cute na nagja jog sa circle every morning. Bwahahaha! Ang problema ngayon, on how could I keep up everyday dahil ang chakness ng sked ko. Masarap gawin ang pagtakbo sa paggising sa umaga. Nakakatamad sa hapon at nakakaantok sa gabi. So ngayon, kelangan ko nang ayusin ang aking sked para makapag, ehem, "train" sa nalalapit na event. Char! I am running out of time.



September 23. Day 265. Mangaagaw?




Still on Spartacus, I semi-promise na ipagbeburn ko si Heartbeat ng first part ng series na may 13 episodes. 2 DVD kasi ang katumbas nun, kawawa naman ako kahit atat at willing naman akong gawin yon, hindi appropriate na i-grant ko ang wish niya. Sabi niya, magbibigay daw siya ng USB para dun ko na mapasak ang ilang epi ng Sparty.


Came my day off at may pasok na kinabukasan, hindi ko pa rin ginawa ang dapat gawin dahil sabi niya, sa pagpasok ko na lang daw niya ibibigay ang USB drive. Mga 7pm, naka receive ako ng message from him saying na huwag ko na daw siya ipag burn kasi naka hiram siya DVD copy. Hindi na ako nagreply, pero napataas ang kilay ko kasi may umagaw ng eksena ko. Sino naman ang mahaderang nagpahiram?




September 24. Day 266. Maco outfit.





Nalaman ko na lang pagpasok ko today na yung isa kong boss ang nagpahiram dahil meron siyang copy at makalapit lang naman sila ng baler. O sige, lusot na ang dahilang yan at pinapatawad ko na sila pero naman! Wag na nilang ulitin yun na agawan ako ng eksena sa puso ni Heartbeat. I play a major role. Char!


At dahil jan, na test drive ko na rin ang outfit na nabili namin ni Nat from UK. Ang tawag naman dito ay Maco outfit. Yung bolero na nabili ko from UK for only 65 php. Why Maco? Eh kasi si Maco ang nakilala ko na mahilig sa mga ganyang outfit-outfitan. OMG! I can't believe how cute I look! Hahahaha!



September 25. Day 267. Honeymoon.




Nung sinagot ko na si Heartbeat at naging kami, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kami ay nag Honeymoon agad.


My JP book today is Honeymoon dahil once again, weekend na naman at wala naman kaming masyadong gagawin. After reading several JP books, parang makakabisado mo na ang formula niya kaya yung mga twist and turns of the story is predictable. Nonetheless, I enjoyed reading them and I recommend it to people na may mga bitterness sa buhay. Baka ma-inspire pa sila na gumanti. Jejejejejeje.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment