Day 268. September 26. Angry Birds.

Being productive today, nakalikot ko ng bongga ang aking account on Google Plus. Ilan pa lang naman ang aking friends. Meron na rin si Heartbeat at ako na ang nag add sa kanya, siyempre. Putek, 85 agad ang nasa circle niya samantalang ako, 15 pa lang. Karamihan, kaofficemates ko pa. Kakaloka! At dahil today is a busy day, nakalkal ko ang mga games at inisa-isa kong laruin.
This is the first time I tried playing Angry Birds. Sa sobrang kaddikan ko sa mga online games, tinigilan ko na muna ang maglaro for the past two years. Mahirap kasing maging addict. Wala pa namang rehab dito. So, my impression was "heto na pala yun, yun lang". Napapamura ako kapag mali ang tinamaan ng mga angry birds at medyo boring pala ito. No wonder patok na patok ito sa mga bagets. Char! Nasabi ko na ba na I have never tried playing Plants vs. Zombies? Busy kasi ako mag Farm Town and Yoville that time. Jejeje.
Day 269. September 27. City of Wonders.

Kasagsagan ng bagyong Pedring. Every one is soo afraid to go outside of the building dahil sa sobrang lakas ng hangin. May mga natanggal na kisame sa lobby at halos liparin na rin ang mga glass doors ng pintuan ng opisina. These are the times na I am too scared I just want to stay home dahil maraming aksidente ang nangyayari sa kasagsagan ng bagyo. Buti naman pagdating nang tanghali, humina na ang hangin at safe na to go home.
I am so into games at merong kahawig na game ang FB na nasa G+! Halos kapareho ng nilalaro ko sa GoT - Gardens of Time ang mga designs and wonders na meron sa City of Wonders! Nabasa ko online na medyo pinattern ng GoT ang kanilang mga aftifacts sa CoW. Nice! So dahil hindi naman busy sa office, puedeng puede kong ibuhos ang aking free time sa pag-e-expand ng aking lupain at pag create ng dummies! Ang higpit ng Google. Gusto pa ipa-verify ang account through phone.
Day 270. September 28. Resibo.

Meron akong hobby na mag collect ng mga papel na itatapon ko rin kapag napuno na ako. Pwede ko namang itapon agad eh bakit pinabubulok ko pa sa bundok ng mga kalat ko sa kwarto? From time to time, nag general cleaning ako ng kwarto ko at kapag may mga ayaw pa akong i-let go na mga papel o gamit, pinapaalikabukan ko muna ng 48 years bago ko itapon. Para saan pa at nanonood ako ng Clean House sa Lifestyle Network kung hino-hoard ko naman lahat ng basurang makita ko? Char.
Day 271. September 29. Hush! Hash brown burger.

Grabe na ang katamaran ko these days. I just spend my days off lying on my bed while watching my favorite series on computer. It's series season once again and I would like to be updated sa mga sinusundan kong series para makapag comment din ako sa mga forums! Yun pala yun. While I am following TVD, TBBT and Raising Hope, Awkward just ended their 1st season but buti naman may 2nd season na next year pa ipapalabas. While waiting for Chuck and Spartacus na next year pa rin naman ang showing, I've downloaded the full season of HBO: Game of Thrones. OMG! Another interesting series that should be followed!
This morning, I tried the Hash Brown Burger of Jollibee since hindi ko pa na-try ng ilabas nila 'to. For 64php, pwede na! Masarap ang combination ng beef burger, cheese and hash browns. Pwede na ring gawing ulam.
Day 272. September 30. Mommy, I'm sick (again)

For some effing reasons na hindi ko alam ang pinagmulan, biglang namaga ang lalamunan ko. Darn! Hindi ako halos nakakain dahil ang hirap lumunok. Kahit tubig, hirap akong lumunok. Wala naman akong kinain na isang kilong asukal nung off ko, kaya sobrang nagtataka ako kung bakit namaga ang lalamunan ko eh may pasok pa naman ako mamaya?
I feel so sick sa office. My body temperature reached up to 38 degrees nung nagpa check ako sa clinic. Isang tableta ng Biogesic at spray ng wonder drug na Kamillosan, bumuti na ang pakiramdam ko. Hiningi ko na rin sa nurse ang full name ng spray na ito para maybayla ko sa drug store.
Hindi ko pinapaalam sa mga kasama ko na nilalagnat ako, baka kasi sabihing nagiinarte ako eh. When Heartbeat found out, pinapupunta niya ako ng clinic para matulog na lang daw ako. Ang sweeeet niya talaga! Keso namumutla na raw ako dahil maputla na ang lips ko. Sabi ko, hindi lang ako nakapag lip gloss kaya maputla. Nasa station ko lang ako na medyo nakahiga kapag masakit ang ulo ko. Chinecheck niya ako from time to time kung okay pa daw ako.
Nung tinanong niya ako kung anong sakit ko, sabi ko "sakit sa puso...". Natawa siya, sabi niya baka matulungan daw kami nung isa naming ka officemate. Siyempre, hindi na ako humirit, baka ano pa masabi ko.






0 comments:
Post a Comment