Project 365: Day 273 - 277

Whew! How time flies! October na at bukas, pasko na! Hindi ko pa nababasa ang aking horoscope for October dahil sa aking busi-busyhan na sked at hindi ko pa narereview ang previous month kung marami ba ang nag match na hula sa mga nangyaro, pero one of these days, makaka-catch up din ako. For the meantime, maraming affair to remember for this month.


October 01. Day 273. 3rd Aeris.



Hindi naman ako ninang ng bata dahil hindi pa siya nabibinyagan. Long story. I attended the little girl's birthday all the way to Sta. Maria, Bulacan. Ang usapan pa, after ng celebration, mag check in sa malapit na resort para magswimming. Kasagsagan ng bagyong Pedring?, kaya ang plano eh nauwi sa drawing. Pero nakapag overnight naman at kinabukasan na ako nakauwi. Nakiligo na rin ako bago umuwi masabi lang na nagamit ko ang mga bitbit kong damit. Sayang naman kasi ang ni-leave kong araw sa office. Kahit naman nag-aapprove ng leave si Heartbeat, hirap na hirap pa rin ako magsabi. Eh kasi eh.. Ayoko ng inuusisa ako.



October 02. Day 274. Lost Valdez.



I just found out that my almost one year watch is missing. Suot ko pa nung isang araw, pero sa hindi malamang dahilan, bigla na lang nawala. Hindi nawala dahil hinubad ko. Nawala dahil medyo loose na ang pagkaka secure ng leather strap. Kaya siguro nahulog ng hindi ko namamalayan. Hindi naman ganun kamahalan, but napagastos ako ng binili ko yang watch na yan, tapos biglang mawawala. Mas mabuti pang sa bangketa na lang ako bibili ng kapalit para kapag nawala, no hard feelings...


October 03. Day 275. Fink Fafer.



I saw these cute, colorful memo pads from Powerbooks kakahanap ng book na atat na atat na akong bilhin. I love wrting almost everything in to scratch papers, kaya hayan! Na-fulfill na ang dream ko na magsulat ng mga anetch-anetch sa mga colorful papers.

Nung maliit pa ako, sabi ng nanay ko, tuwang-tuwa daw ako kapag inuuwian niya ako ng isang plastic bag na mga scratch paper at susulatan at dodrawingan ko lang ng kung anetch-anetch. At kapag nakita niyang pakalat-kalat lang sa tabi, ipapakain niya sa akin. Ehehe.


October 04. Day 276. Mami.



Malamig at maulan pa rin ang panahon. Tamang-tama, masarap ang ulam sa aming pantry - mami at puto with pastillas de leche for dessert. Hindi ko pala ako madalas magpost ng mga ulam sa aming pantry. Medyo nasha shy kasi ako magpicture, lalo't kasama ko si Heartbeat. Alangan namang sabihing kong kelangan kong magpicture para iba-blog ko. Mabilis na mabilis ang pagkakapicture ko niyan. Yung mga tipong kunwari, may tinext ako. Ahaha!

Ewan ko ba kung medyo sensitive lang ako kapag nagsusuplado si Heartbeat o, wala lang siya sa mood magsalita. Nahe-hurt ang feelings ko kapag sinusupladuhan ako. Yan pa naman ang hate kong ugali ng mga lalake. Pero nakabawi naman siya nang papunta na ako ng cr para mag toothbrush after lumaps. Mukha naman inantay niya talaga ako na tumayo at sinabi niyang, "Uwi ka na? Ba-bye!" If I know, pinagisipan niyang mabuti yan at inabangan akong tumayo para masabi niya yan. Bitbit ko kasi ang aking bagelya para mag cr.



October 05. Day 277. Winter is coming.



Weeeeeeeeeee! Atat lang naman talaga ako makabili ng first book dahil excited na akong basahin at namnamin ang nangyari sa aking pinakamamahal na sina Drogo at Jon Snow kaya kahit alam kong makakamura ako sa isang set, iisa-isahin ko na lang ang bili! Nakakalahati ko pa lang ang book when I stopped dahil wala pa akong copy ng second book. Mabibitin lang ako kapag natapos ko na ito at pending pa rin ang second book. Grabe na ito. Sana magamot ako.

Nalaman ko lately na napanood na rin pala ni Heartbeat ang series, eh ba't parang hindi siya masyadong na hook sa kwento? May sinasabi siya sa akin na nagustuhan niya ang The Adjustment Bureau (which I don't, really. char) at may nirerecommend siyang isang bagong palabas na maganda. (basta may steel yung title) Well. Focused muna ako dito dahil I wanna finish the story ASAP!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment