Project 365: Day 278 - 282

Day 278. October 6. Patay G.


Tumira ka ba naman sa isang tumbling lang sa lapit ang mga fast food establishments like Jollibee, you can have a meal for your breakfast. Hindi ako madalas mag breakfast paggising ko (chuwelve ng madaling araw ang gising ko) so, kapag off ko, bigla ko na lang naiisipan na mag Chicken Joy meal at Hash brown burger. Too much? Eh sabi nga ng mga kasabihan, eat like a King on breakfast. Kaya kahit ikutin ko ang circle tuwing off ko, hindi ako papayat.


Day 279. October 7. Caramel Keyk.


Today is mother's birthda, pero bukas siya maghahanda. Nagsabi na siya sa amin na ang bet niyang cake ay from Estrel's. Matagal na sila sa business, nine kopongs pa. Balak namin magshupatid na i-secret kay mader, kaya kahit hindi ko alam kung saan ang Estrel's aking inalam dahil nasa may bandang Timog lang naman. Kapag hindi ko na kasi alam ang daan papunta, kinakabahan na ako. Mahina pa naman ako sa direksyon.

I can't remember when I was taken to Estrel's by my mama, isang maliit na store located sa Scout Tobias. Medyo mahalya ang tricycle fair (30php), mas mura kesa mag taxi ako. Lahat ng cakes ay made to order at ang lahat na naka display na naka box na ay meron nang may ari.

This is the cake I ordered for mother. Pipik-apin ko tomorrow. Ang kyot di ba. Hanggang nalaman ko na nag order din pala siya.


Day 280. October 8. Caramel Keyk 2.


Musta naman. Pare-pareho ang kulay ng cakes (caramel) at heto ang kanyang inorder. Sana, hindi ko na pala sinecret dahil ang dami namang cakes! Dalawa tuloy ang pinik-up ko. Nasabi ko bang kadalasan ng mga nag place ng orders sa Estrel's ay de kotse? Tinanong ako ng isang staff kung may dala daw akong kotse para mailagak na niya ang mga cake. Kaloka! Eh yung traysikel pa na sinakyan ko papunta, sinisingil ako ng 40 pesos, samantalang kahapon trenta lang! Digital na ang karma dahil nang nagbigay ako ng 50 pesos, bente pesos lang ang barya na panukli sa akin. Ang ganid kasi eh. Buti nga.

Mama is so happy with her cakes. Nung nagkabukuhan na nag order din ako, nakita ko ang sparkle sa kanyang smile.


Day 281. October 9. One year old.



Dahil birthday ni lola, nandito rin ang mga apo niya, pati na rin si bunso. October din ang birthday niya. Mag 1 year old na siya, o kay bilis talaga ng panahon. Dito sila nag overnight na magkakapatid at hindi niya napigilan na ngumawa dahil nangingilala siya. Masyado ba siyang baby para matandaan ang aming pagmumukha, kaya the rest of the day, eh iyak siya ng iyak. Kinabukasan, umuwi din sila agad. Bakit kaya ganun? Lalong nakakamiss si bagets kapag umalis na?



Day 282. October 10. Walnut choco chips.


Kaumay. Joke lang. Nung dumaan ako sa Estrel's I bougt a bag of Walnut choco cookies. Minsan lang naman madaan, matikman na kung gaano kasarap ang kanilang cookies. Tamang-tama for my GoT reading every weekend.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment