Project 365: Day 283 - 287

Day 283. October 11. An Invitation.

My cousin hand delivered his wedding invitation tonight at our house which will be on October 22. I love everything about it. Because it has my favorite color, hotpink, very girly and has no picture of the groom and the bride inside. Hehe.

Medyo kabado ako kasi, this calls for another family reunion. I am trying hard to destroy the walls I have created when I chose to stay away from them. Hindi ko naman pwedeng palagpasin ang event na 'to dahil mabait sa akin ang pinsan kong lalaki, I have no reason to say no, kahit ayoko nang nagpupunta ng weddings. Ibig sabihin kasi nito, mapipili na naman ako sa tossing of the bouquet ceremenoy at baka ako pa ang mapalad na manalo (na natupad nga)





Day 284. October 12. Four hundred pesos poorer.


Kung minamalas nga naman, ang sukli kong four hundred pesos from Mercury Drug sa pagbili ng mga chicha ay naglaho ng parang bula. Dala ko ang aking coin purse at medyo maulan nang nangyari ang insidente, kaya nilagay ko sa plastik ng grocery ang sukli at resibo para hindi mabasa. All the while, I thought, nasa plastic lang ang aking kayamanan. Pwede ko na mabili ang second book ng ASOIAF.




Day 285. October 13. Zoom much?

And I brought a camera sa office para malagyan naman ng pictures with my fellow IT Ops. I have been working for 6 months on the new environment, pero wala pa rin akong gaanong pictures with the fellowship dahil hindi ako madalas nakakasama sa kanilang mga gimik.

Heto na ba ang trend ngayon? I-zoom ba ang camera at mga tiyan namin ang kunan? Akala ko nga magpapa picture si Ser Rej (ayan, hindi na Heartbeat, para hindi nakakaumay) kasi narinig ko sabi niya nung nakita niya kaming nagpi pictorial, sila naman daw nung photographer namin pagkatapos namin. Akala ko, magkakaron na kami ng first picture together.




Day 286. October 14. Sale!

Dumiretso na ako sa mall after kong makubra ang aking sweldo para maka jackpot sa sale, este, magbayad ng electric bill namin. Schedule ko na yan every mid month, electric bill at month end, for phone bill. Therapeutic sa akin ang paglalakad sa mall kahit hanggang window shopping lang ang nakakaya kong gawin kapag can't afford ang mga bilihin.

My gash, di ko alam na sale pala kaya as much as I want to leave right away, naki-sale na ako ng slight dahil may nabetan akong something na kelangan kong ma-have! (huh?) Dalawa lang naman ang bibilhin ko, pero ganito na ang pila dahil mukhang nagpapanik buying ang pipol. Lumipat ako ng pila, yung sa mga mahaharlika na pila dahil mga sandamakmak na appliances at gamit sa bahay ang kanilang purchases. Worth three hammer ang aking napamili, pero ang mga kasama ko ay hindi bababa sa 10K ang mga bilihin. Dyahe! Pero kahit na! Nakakapagod pumila no!




Day 287. October 15. Plank it, baby!

Biglang nagkayayaan ang mga plankmates, este, ang mga college friends na mag eyeball today. The last time na nag-reunion kami was 2 years ago pa. Today, only 5 of us came sa mga 9 na naimbitahan. Keri na.

When you're with a set of friends na sobrang worry-free, nakakahawa ang energy. Nagsimula lang naman sa dare na mag-planking ang classmate naming badet at kapag ginawa niya, magpapa-planking din kame. And as the saying goes by, once you plank, you won't stop! Haha! Mabilis na mabilis lang naman yan at very safe ang aming location kaya no harm done when this photo was taken. Wala namang masama sa planking if done the right way. Yung mga baliw lang ang gumagawa ng extremes dahil mas gusto nila ang nasasaktan!




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment