Project 365: Day 308 - 312


November 6. Day 308. Ang mag Ukay ay di biro.




Excited kaming mag UK ni ateng pero much eggzoyted siya dahil kelangan niya mabuo ang kanyang wardrobe sa kanyang travel by the end of the month! Hindi ako kasama pero naki UK na rin ako para may pang porma ako aside from the Maco na nabili ko with Nat. Medyo maulan, pero hindi nagpaawat ang mga beauty namin na magkalkal at maghalukay ng mga pretty-prettyhan na damit!

Pagkatapos magdinner, we had an ice kwim from DQ for desert. Sobrang excited na rin akong gamitin ang mga UK kaya nilabhan ko agad para matuyo. Tamang-tama for the cold weather dahil long sleeves at makakapal pa.


November 7. Day 309. Lengua.



First day ko with my new sked. I am now on a Sun-Mon off, same with Heartbeat's sked. Ibig sabihin, magkakasama kami sa loob ng 5 days every week! I could not be more happy just to see him almost everyday (landi). On the other hand, ang bongga ng isang boss namin na galing ng Baguio. May pasalubong na Lengua de Gato to each and everyone of us, kahit di naman ako nagpabili. Aking-akin lang ito dahil inangkin ko na at ginawa kong butong pakwan habang walang ginagawa sa office. Mwahahaha.





Not me, but si Heartbeat. Nagulat na lang ako ng sabihan ako ng boss ko na absent daw siya dahil nilalabnat siya, due to running yesterday. Masama ang loob ko dahil hindi man lang niya ako nakuhang abisuhan. Hindi man lang siya nagtext sa akin, well, dalawa kaming hindi niya tinext, pero yung iba nasabihan niya. Hindi ko malaman sa kung anong dahilan kung bakit di siya nagpaalam. Galit ba siya sa akin?

Well, well, well... Akala ko hindi ko na siya mapapatawad pero nakabawi na siya ng itext niya ako in the middle of our shift para maghabilin ng mga jobs. At ang laking tuwa ko dahil ako kinaukausap niya, kahit through text lang. Ibig sabihin, ako pa rin ang nasa isip niya kahit absent siya.





At sa inaasahan, kinabukasan, pumasok na si Heartbeat. Tinanong ko kung nilalagnat pa siya. Hindi na daw. Baka kasi hindi na naman siya pumasok weh. Edi ako na naman ang magaalala. Kung pwede ko nga siya alagaan, kaya lang baka mamis interpret ako...

Nang may nagtanong kung day off ba ng isa sa mga kasama namin sa 2nd shift. Nabigla naman ako sa sagot ni Ser ng sinabi niyang "Si DJ na ang kanang-kamay ko.." O weh, meganun? "Oh?" na mahina lang ang reaction ko, pero gusto kong umapela. Kapag same off with him, kanang kamay agad? Pwede bang girlfriend na muna? #praybeytbenjamin




Speaking of boyfriend, alam ko, dumating na kahapon ang pinakamamahal kong boyfriend na si Third dahil sa stat niya sa fezbuk. OMG, nakakaexcite! Excited na akong makita siya, pati na ang mga bata! Hahahahaha! Sana talaga, hindi siya maginarte at magpakita naman siya sa akin.

Dahil sa ginawa kong status sa G+ about the coming back of my bf, nakukwestion na naman ako sa office kung may bf na ako. Mahirap sagutin ang mga bagay na yan dahil parang binobroadcast ko ang status ko sa buhay at I'm sure na maraming follow up questions yan. Mahirap na.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment