Project 365: Day 313 - 317


Day 313. November 11. Dyosa Kit.

Dahil sa lumalalang chismis sa aking fez, kailangang magawan ng paraan para maglaho na sila on my face and on earth. At dahil diyan, aking kinunsulta ang ang aking derma na walang iba kundi si Cherry Paps para once and for all, malunasan ang aking problema.

Presenting, ang Diyosa Kit na sasagot sa aking problema! Maharlika ang isang kit, 800 pesos at ayaw ipagsabi ng supplier kung anong brand. Kaines! Hindi na muna ako nag panic buying dahil nasa trial period pa lang ako, pero ang aking derma ay matagal nang gumagamit ng produktong ites na nagbigay sa kanya ng mala kutis artista look. Sa sobrang ganda niya, hindi ko na siya nakilala. Heto na ang hitsura niya..
Pati kulay ng buhok, nagiba!


Day 314. November 12. Cosplay- cosplayan.




Noong ako ay namu Mukamo pa, nasubukan kong umattend ng Cosplay Mania @Mega para makita ang mga ka-chat at kasagutan namin sa forums, lalong lalo na ang grupong AHC o mga Haters ni Alodia Gosiengfiao. Bakit hate na hate nila ang muher? Eh kasi mas marami pa daw na cosplayer ang deserving na makuha ang title niya. Talaga lang huh, pero nagpapapicture sila with Alodia. Hahahaha! Ano ba namang haters yan?

Kami'y muling nagkita ng aking derma at napagkatuwaan naming magsuot ng wig na tinitinda sa Farmer's. Infairview, mukhang Greenhills mall ang 5th floor ng farmers - may mga shellpone at bagelya na tinitinda. Pwede daw kami magpicturan suot ang wig - 20 pesos per picture at kahit anong suot na wig. Ang mahal huh! Siyempre, kailangan namin i-try ang lahat ng wig na nakadisplay para ma check kung bagay sa amin! Medyo tinamad na ako mag try kasi wala akong tali sa buhok at lumalabas nag tunay kong hair, kaya, hayan ang picture ko na binayaran ko ng tweynty peysos.

Kamukha ko lang yung halimaw sa banga.


Day 315. November 13. UK again.



Biglang may dumating na panget bisita kagabi (Yana) at today (Kikay) dahil laban ni Pacquiao. Pakielam ba namin dun. Isang beses lang yata ako nanood na laban ni Manny na inabangan ko sa TV. Hindi naman ako masyadong interesado sa mga nabubugbugang boxers. Pwede pa sa mga intriga sa buhay nila.

It's UK day once again kasama ang UK partner ko na si ateng dahil kelangan daw niya mamimili ng boots with a fur para sa kanyang napipintong pagpunta sa ibang bansa. Kung saan yun, siya na ang magchichika. Hangkyut ng mga boots huh, parang ako lang!





209 each pair, hindi pa ginawang 200, pero pwedeng tawad na ang 9 pesos. Kalurkey. Nakabili rin ako ng dress na kelangan kong i-invest dahil baka biglang may manligaw sa akin eh wala akong masusuot na pandate. 169 naman ang price. Nakalimutan kong mag-withdraw, 150 lang ang cash ko kaya tinatawaran ko. Ayaw pumayag. Pero nung nilabas ko ang 150 peysos, pumayag din naman. Kaloka! Ang arrrrte ng nagtitinda. Akala ko tatanggi pa eh!

At marami pa pala kaming nakitang good finds! Katulad nitong shirt na may soft kitty. Nakakaawa talaga ang damit na ito, gusto niyang magpabili! Ayaw naman bilin ni ateng, hindi man lang naawa sa pusa. Mukhang buhay na buhay pa naman siya dito.



At hetong paldang ito. Malagyan lang ng design. Bears at ang "Z" sign ni Harry Potter? Watta perfect combination!





After a long day of UKaing, ateng suggested we should try this new cool drink from Zagu (new cool drink daw oh!) Hahaha! Matcha Craze - made from Green Leaf Tea with Taro and Red Mongo beans. Ang saraaaap! Parang Green Tea ng Nyorbaks na parang halo-halo!

Try mo!


Day 316. November 14. Praybeyt Benjamin.


Bonding time namin ni Mama! Kaya Lunes na Lunes, nanood kami ng PB. Hindi na nga namin napanood ang No Other Woman kasi hindi na available sa sinehan. First time namin manood ni Mama ng Monday kaya, ngayon lang namin napagalaman na libre pala ang senior citizen ng first screening every Monday ng movie. Buti na lang! Sarili ko na lang ang binayaran ko! Wahahahaha!

So anong masasabi ko sa PB? Nakakatawa kung sa nakakatawa, pero ang corny kaseeee eh. Saka nakita ko na naman si DJ Durano. Nakakasuka siya makita sa lahat ng movie na ginawa ni Wenn Deramas. Package talaga sila? Pwede bang alisin na yan sa movie industry? Char!



Day 317. November 15. For Your Eyes Only...

Dahil nagetching ko na ang half ng aking 13month, nakapag-pagawa na ako ng new eyeglasses to replace the old one. Tumaas na naman pala ang aking grado - 825 sa left, 725 sa right. Nakakawindang. 500 lang ang budget ko sa eyeglasess, pero dito um-over budget ako! Hehehe. Wala pa akong pampa-laser kaya tiis ganda muna sa salamin. Safe naman ito kumpara sa contact lens...

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment