Project 365: Day 318 - 322

Day 318. November 16. Organized.


Sale ang mga organizers @SM for only 50 php kaya napa panic buying ako ng sampu. Chos! Heto na ang uso ngayon sa pagstore ng mga anik-anik sa room na napapanood namin ni Mama sa Clean House. Clear organizers na madaling i-store at ilagay sa mga cabinet. Hindi pa rin naman maayos ang mga gamit ko kaya mga organizer muna ang pinicturan ko.



Day 319. November 17. Huli ka, barbon!



Medyo nagulat ako sa tumambad na email sa amin ng aming boss dahil naka-address sa aming dalawa. Nalaman na rin kaya ng boss ko na bet ko ang boss ko kaya gusto niya mangasar? Char. Hindi naman kasi ako halatang kinilig diyan at pinicturan ko pa. At heto ang nakakaloka.

Nananahimik ang phone pagkatapos kong picturan yan, nang may lumapit na isang kaofficemate at nakyutan sa aking phone kaya gusto niyang kalkalin. Biglang nagpictorial siya at gusto niya daw ma sight ang mga photos ko sa fone. NKKLK! Eh fresh na fresh pa ang picture na yan. Mabubuking na ako! Edi siyempre may I grab na phone agad, baka matuklasan pa ang secret ko! I'm scaredddddddd!

Hindi pa ako masyadong nakaka-recover from shockness nang meron na namang shocking na naganap. Nagkita pa kami sa elevator ni Ser nang papasok pa lang siya. May bumati sa kanya, pero hindi man lang siya nag-smile. Baka kasi kagigising palang, wala sa mood. So fast forward sa loob ng office. Nag aasaran about our crushes nang biglang mapunta sa akin ang topic. Sino ba daw ang tinutukoy kong Heartbeat? Kilala ba daw nila? Nasa harapan ko siya kaya kitang-kita ko ang reaksyon niya nang may nangasar.

Biglang may humirit na " Baka naman si Rej si Heartbeat?" na biglang ikinalaki ng mata ko at tinago na lang ng pagka-kunot ng noo ko. At nakita ko ang reaksyon niya na parang nagsasabing "seryoso ba yan o lokohan" at narinig ko ang sinabi niya na "Oo nga DJ, sino ba yan?" nang hindi naman tumitingin sa akin.

Hindi na ako nakapag explain pa dahil ang dami nang singit sa aming chikahan at nakapag move on na kami sa topic na ikinaluwag naman ng puso ko. Gosssssssssh! Ngayon pa ba? Hinding-hindi ko na talaga ipagtatapat na minamahal ko si Heartbeat ever sa opisinaaaaaa! Natatakot na ako! Nasabi ko na ba na nanginig ako?




Day 320. November 18. Shunga.



Suot ko ang isa sa mga UK outfit ko - I look so cute here, right? Buti na lang, kasi medyo sumablay ako sa isa sa aming mga jobs na medyo ikinagalit ni Ser. Slight lang naman ang pagkagalit niya, parang tinignan niya lang ako na mukha siyang disappointed. Nagsorry ako several times, pero hindi niya pinapansin or in-acknowledged man lang yun. Ibig bang sabihin galit talaga siya sa akin ng bungga?

Nanaginip pa naman ako last night na yung dati kong ka-chat na si EJ ay boyfriend ko na daw. Nagcheck kasi ako ng emails ko from Yahoo at nakita ko na nandun pa ang pica niya. So I guess kaya napanaginipan ko siya. Mga models daw kami at meron siyang 6-packed abs. Nakakaloka!


Day 321. November 19. Maputla daw ako.


Magla-lunch na kami nang mapansin ko na tingin nang tingin sa akin si Ser habang naglalakad kami papuntang pantry.

Tinanong ko siya kung bakit. Baka may drawing sa fez ko na Heartbeat 4ever nang hindi ko alam. Ang sagot niya, ay tinanong ako kung nahihilo daw ba ako. Nagtaka ako, bakit, mukha ba akong nahihilo? Sabi niya, maputla daw ang mga libo. Gassssh! Nakatingin siya sa labi ko nang mga panahon na nililingon niya ako? Sinabi ko na hindi ako nahihilo, baka kelangan ko lang kumain para hindi na mamuti ang labi ko. Tinanong niya pa kung sure daw ako. Ano ba ha! Ang kulit!

Later of the day, nagkita kami ni ateng sa Galle para sa ka-meet niya ng seller ng cam. Ang shala! Ang daming pambili. Pero bago pa yan, nagkaron pa ng eksena sa withdrawhan sa atm dahil meron kaming nakaaway. Sumingit kasi ako sa pila, pero aware naman dun ako kaya binilisan ko na rin ang pagwithdraw para hindi makaabala. Nang magreklamo yung lalakeng nasa likod namin na mukhang kontrabida sa mga pelikula ni Bong and FPJ. Sinabihan niya kami na mga gago daw kami ni ateng. Nakakalurkey! Kahit nakakatakot siya, sinabihan ko siya ng "Ang bastos niyo naman po!" Sarah G lang ang peg?

Day 322. November 20. Vash McLarren 1st birthday.


First birthday ng baby ng ka-officemate ko na si Nica. I was invited to go to the baby's party kaya kahit sa Taytay, Rizal pa yan, pumunta na ako. Isa sa mga binago ko sa hindi ko magandang ugali ay ang pumunta sa mga event na ako ay naimbitahan. Why not? Kung tinatanggihan ko last year, I see it this time na ako ay makaka-attend. Siyempre, invited din si my one and only at good news, pupunta siya. And so heto na.

Usapan namin na magkikita kami ng 4pm sa office. Late siya ha. 4:10 na siya dumating. First time ko makita na nakashorts siya. Ay, second time na pala. May bitbit siyang maliit na backpack. Uuwi daw kasi siya sa Malabon after ng party. Tinanong niya rin ako kung anong oras ako uuwi, eh sabi ko may kausap pa ako kaya kelangan ko ring umalis agad.

Siya ang may alam nang papunta dun. Magko commute lang kami, so lahat, gustong kasama siya dahil medyo mahirap kumuha ng fx na papuntang Tikling. Ang sinabi ko lang, "Kargo mo ako ha.." sinabi niya na siya ang bahala sa akin kaya napanatag ang kalooban ko na hindi ako mawawala.

Kinikilig ako na kami ang magkatabi sa likod ng fx. Okay na sa akin yun kahit wala nang ibang eksena ang maganap pa sa party. Nang time na nakelangan ko nang umuwi, super bilin siya sa akin kung ano ang sasakyan ko at kung saan ako sasakay. Takot siguro na mawala ako. May sakayan na bus padaan ng Galleria na tamang-tama, dun ako bababa.

After 30 mins, naka received ako ng text from him na tinatanong kung nasa Mega na ako. Hindi ko pa naman alam kung nasaang daan na ako kasi hindi familiar, yun pala, nasa Ortigas na ako at palabas na ako ng EDSA. Nagreply na lang siya ulit ng ingat daw ako.

Nakakaloka. So from level 1 ba, naging level 3 na kami? Plus 2 naman ito, kasi nagaalala siya eh! Yung level 1 eh yung pinipisil niya ako sa balikat.








  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment