Project 365: Day 323 - 327

Day 323. November 21. Mighty Sweet.


Matagal na naman akong nag quit sa pagyoyosi when I realize na bukod sa hindi healthy ito, ang shoho pa ng usok sa damit at sa kamay. Pero meron bagong yosi kami na natuklasan ni Maco na mabango at matamis hithitin - ang Mighty meaty yosi! Well, amoy usok pa rin naman yan, pero hindi ganun kasangsang. Saka masarap mag yosi kapag malamig ang panahon. Pampainit lang ng pakiramdam. Di rin naman kasi ako umiinom eh. Haha.


Day 324. November 22. Am ber!



It's time to plan our Xmas party kaya as early as November, heto na ang aming topic. Iba pa kasi ang pangmalawakang party ng company at ang party sa aming department. Sa pantry lang naman ang dadausin para hindi na mahihirapan ang may mga shift nang mga panahon na yun at kumpleto rekados ang lahat. Pot luck kami sa food at mukhang karamihan ng oorderin na pagkain ay sa Amber.

Taga Malabon si Heartbeat kaya naman nang banggatin na ang foodang, nagmamadali siyang nagprisinta na sagot na ang Spaghetti. Mukhang sawang-sawa na siya sa kanilang pansit na siya namang gustong-gusto ng karamihan sa amin. Sa Dec na daw kami magbubunutan at excited ako na hindi ko siya mabunot. Baka kasi mahirap ang ipabili niya. Sino kaya ang makakabunot sa akin?


Day 325. November 23. UMID.



Nag SSS talk kami kanina sa ofez dahil bet daw magloan ni Ser at aking naichika na magiisang taon since nag apply ako ng ID at hanggang ngayon, hindi pa nai-deliver. Paguwi ko sa bahay, I have one snail mail that is waiting to be opened. And hola! Ang arrti ko naman, ang bagong card na hindi lang pang SSS, pang Pag-Ibig at Philhealth pa! Hitsura ko din diyan, pero magandan na ako diyan ha. Nakikita pa ang red earrings ko!



Day 326. November 24. Borlogs si Kuya.



Every after our late lunch, natutulog si Ser dahil sa kabusugan. Inaantok rin ako pagkatapos kumain, pero bilang na bilang sa kamay ang pagtulog ko dahil ayoko na makita nilang nahihimlay ako sa office. Baka kasi picturan ako habang natutulog or baka mangyari ang kinatatakutan ko na nakawan ako ng halik. Hahaha.

Mabilis na mabilis lang yan, baka kasi may makakita sa akin. Baka malaman pa nila ang matindi kong sikreto.


Day 327. November 25. Tsamba?



It's Thanksgiving sa US. Wala kaming masyadong jobs at dahil sweldo, nagkayayaan na pumunta sa Market para magchill sa newly open na Jamba Juice store. Kelangang may maiwan sa ofez kaya ako ang naisipan nilang iwanan. Okay lang naman sa akin, pero humirit ako ng "pasalubong" kay Ser, baka kasi kumagat. At truly naman na galante ang kuya ko dahil may pasalubong nga siya sa aking Jamba Juice! Freshly squeeze na juice na ewan ko kung ano at maasim ha! Puro berries daw kasi.

Akala ko nga hindi lang ako ang nilibre kasi may ibang nagpapalibre, kinabukasan ko na lang nalaman na ako lang ang nilibre. Naguilty ba kasi ako lang magisa naiwan sa office? Akala ko nga hindi na sila babalik dahil 2 hours din silang nawala sa office at muntik na akong humagulgol.

Kanina lang, bago sila umalis para tumulak sa Market, nagkakaasaran ng tungkol sa mga gf/bf. Lagi niya nang tinatabla ang mga kaofficemates namin dahil minsan na lang siya sa mga gimik nila kaya may isang nakabanggit na baka may girlfriend na daw siya kaya wala na daw siyang time sa kanila. At ang hindi ko kinaya ay ang may nagstatement na baka ako daw ang girlfriend niya. Wish ko lang ha!


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment