Nov. 26. Charriol. Day 328. Goodtime.
Chirri mi and I met after office hours para magchill sa aming busy working life. Kailangan ko lang na personally na maikwento sa kanya ang mga nakakakilig na romantic moments sa aming natutulog na pansitan na relasyon ng aking boss.
Kahapon, muntik nang mawala ang charriol na ring nang aking ka officemate na itago na lang natin sa name na Barda, short for Bardagul. Hindi ako ang nagbigay nang pangalan na yan huh. Nakikitawag lang din ako. Buti na lang, sa office niya nawala ang singsing at matagumpay naman na aming nahanap. All's well that ends well na sana ang drama nang makaisip si Ser to play prank to Barda. Ibang singsing daw ang aming i-givesung na kukunin sa akin sa office bukas. Kung ano-ano pang plano ang kanyang pinagsasabi na kapag wala siyang nahiraman ng replica, bibili na lang daw siya. At mahigpit niya akong binibilinan na huwag na huwag daw akong tatawa kapag inexecute ang aming maiitim na plano. Kaloka ha!
Sa madaling sabi, kami naman ay matagumpay dahil kinabahan ng bongga at mukhang disappointed si Barda nang ibalik namin ang singsing. Mukhang maiiyak siya. Hindi pa nga nakahiram or nakabili si Ser, ako pa ang gumawa ng paraan para makapag produce ng dummy na singsing kahit hindi kamukha, basta may pakita lang kami. Sa sobrang guilty ko kahit tawang-tawa ako, sinabi ko na ibalik na nang tuluyan ang singsing dahil baka magalit si Barda sa akin. At laking tuwa naman ni Bards nang makita ang kanyang singsing. Ang galing daw naming mga jartista.
I hate playing prank. Mas gusto ko pa na puro kalokohan ang sinasabi. Ba't manloko? Di ako marunong umarte weh.
Nov 27. Day 329. Breaking Dawn.
Hindi ko na maalala kung kelan, but tinanong ako ni Ser kung manonood daw ba ako ng Twilight. Take note, Twilight yan, hindi Breaking Dawn. Aminado siya na hindi siya fan at hindi naman niya napanood ang previous Twilight movies. Kapag kasagsagan ng aming movie talks, mahilig siyang manood. At sumasabay siya sa mga discussion. Hindi ko nga napanood ang No Other Woman, samantalang siya in a roll nang manood nun at nang Praybeyt Benjamin. Indirectly bang pagyaya itei sa akin? Eh ba't hindi pa directly sabihin and I'm willing to comply naman. Comply talaga?!
Ang bago kong movie buddy ay ang aking mahal na ina dahil unang-una, libre siya manood every Monday, first screening dahil isa na siyang senior at pangalawa, tipid sa gastos dahil sarili ko na lang ang babayaran ko at ang aming laps! Hahahaha! Masarap kasama si Mother dahil tipid kami manood! Ehehehe. Discounted na ang aking foodang basta ba sa foodcourt kami kakain.
Nov. 28. Day 330. Perst Base?
Nakakaloka naman ang araw na ito. Hindi ko naman akalain na makaka first base siya sa akin, pero alam ko may nasulat na rin naman ako na naka first base siya.
Nagpapa assist ako sa isang job nang kailangan niyang tumayo sa likod ko para i-check ang ginagawa ko. Kelangan kong i-adjust ang window screen nang ginagawa ko para makita ko ng buo ang job nang medyo nahihirapan akong i-scroll para maadjust ang window. Niwalang sabi-sabi na hinawakan na lang basta ang kamay ko na nakahawak sa mouse para siya na ang mag adjust! Halllerrrrrrr! Biglain ba ako! Hindi ako prepared ha! Para naman akong nakuryenteng pusa? nang bigla kong inalis ang kamay ko. Kakalurkey! Kung gagawin naman niya yung pwede naman niya akong abisuhan. Duh!
Malamig ang kamay niya. Kasing lamig ng bangkay. At malamig din ang kamay ko.
Nov. 29. Day 331. Mapanghinala?
Ang sarap nang panahon ngayon. Medyo malamig kaya malaya kong nasusuot ang aking mga makakapal na UK outfit nang hindi ako nagmamantikang parang lechon na pinapawisan. Parang plain na black top lang ito nang makita ko ang crush ko, nagkaron ng iba't ibang colors, right? Char.
Super cute ng outfit ko at I'm sure lahat nang makakakita sa akin ay makukyutan nang bigla ba naman akong pagbintangan. Medyo natagalan akong mag CR dahil nag super freshen up pa ako kaya it took me 10 mins bago nakabalik sa loob ng office nang ako ay paghinalaan. Tanungin ba naman ako ni Ser kung saan daw ako nanggaling? Natunugan ko naman ang kanyang hinala. Pinaghihinalaan niya akong jumebs! Nakakaloka! Pagbibintangan pa ako, mali naman! Palibhasa siya, kapag jumebs, inaannounce pa na successful! Musta naman yun, hindi ko na kailangang malaman pa no! Eh kung sabihin ko kaya minsan na nagpalit ako nang napkin dahil punong-puno na ng regla at baka matagusan ako? Ano kaya ang maging reaksyon niya?
Nov. 30. Day 332. Guns and Roses.
Boring day but great discussion. Wala akong kaagaw sa aming magandang usapan ni Ser. Ang topic namin at baril. Ewan ko kung paano kami napunta sa topic na yun at buong giliw niya pang pinakita ang kanyang license ID for guns. Meron pala siyang baril at naka steady lang yun sa kanilang baler. Kalurkey ha. Pinakita niya ulit yung ID niya nung 2006 nung may hairlalu pa siya at yung hairless na ID niya for carrying guns. Mukha siyang wanted: pamilya banal sa hairless ID at mukha naman siyang Totoy Mola sa hairful niyang ID.











0 comments:
Post a Comment